191 Magperform ka kung sino ka talaga

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa mga oras na iyon, sa loob ng dormitoryo ng mga babae.

Sobrang gulo ng dressing table ni Cheng Xue--- may mga basag na salamin at nakakalat ang mamahaling skincare products sa lapag.

Nanginginig sa takot ang tatlong babae na kasama niya sa dormitoryo, napatago na lamang sila gilid at walang sumusubok sa kanila na lumapit kay Cheng Xue.

Nagtulakan ang tatlo sa sobrang takot, pagkatapos magwala ni Cheng Xue at sirain ang mga gamit niya, isa sa mga babae ang dahan-dahan na lumapit sa kanya, "Little Xue, wag ka nang magalit. Walang hiya at maparaan yung pangit na si Ye Wan Wan. Nadala lang si Si Xia dahil sa mabulaklak ang kanyang pananalita! May suggestion ako na siguradong maipapakita ang tunay na kulay ni ugly freak!"

Iritadong tumingin si Cheng Xue sa babaeng nagsasalita.

Nagkumpulan ang mga babae, "Anong suggestion? Dali, sabihin mo!"

Tahimik na nagsalita ang babaeng may maigsing buhok, "Alam niyo ba ang pinaka kinakatakutan ni Ye Wan Wan?"

"Ano 'yon?" Hindi alam ng dalawang babae habang niyayanig ni Cheng Xue ang kanyang utak para malaman ang sagot.

Sabik na sumagot ang babaeng may maigsing buhok, "Halata naman eh, matanggal ang makeup niya! Sa tagal natin siyang naging kaklase, nakita niyo na ba siya ng walang makeup?"

Nagtinginan ang mga babae sa isat-isa habang umiiling ang ulo ng matangkad na malaking babae, "Ah, hindi namin siya nakita na walang makeup! Pero hindi tayo sigurado 'di ba? Bakit naman ipapakita ni ugly freak ang istura niya? Hindi niya nga maitago ang nakakatakot niyang mukha kahit sa makapal niyang makeup!"

Nangasar ang babaeng may mahabang baba, "Akala ni ugly freak na dahil wala pang nakakakita sa kanya na walang makeup, maipagmamalaki na niya na maganda siya at inilalagay niya lang ang makeup para hindi magselos ang mga tao sa kanya! Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang kumpyansa para sabihin iyon!"

"Ah, baka dahil kasing bobo niya ang mga tao!"

"At saka, may tsismis na hindi lang siya pinanganak na pangit, kundi nasira ang kanyang plastic surgery kaya wala siyang choice kundi magmakeup na parang multo!"

"Hindi nga! Nasira ang plastic surgery niya?! Totoo?"

"Kung totoo man ito o hindi, malalaman din natin ito kapag nakita na natin, 'di ba?" May masamang balak ang pag ngiti ng babae na maigsi ang buhok.

Hindi naintindihan ng dalawang babae, "Ha? Paano natin malalaman?"

Makikita ang masamang balak ng maigsing buhok na babae sa kanyang ngiti at lumapit siya kay Cheng Xue para may ibulong sa kanyang tainga.

Ang matamlay at malamig na mga mata ni Cheng Xue at nagliwanag nang tiningnan niya ang maigsing buhok na babae, para bang nasiyahan siya sa suhestyon ng babae, "Etong ideya mo… maganda ito, gawin natin ito kung paano mo pinlano!"

...

Sa isang sandali, sa wakas, araw na ng performance.

Napakalinis ng buong eskwelahan. Makikita ang mga banner na nag-welcome sa mga leader ng ibat-ibang eskwelahan, nabalot ng magagandang mga ilaw ang malaking hall at may mga bandiritas pa.

Noong dumating si Si Ye Han sa eskwelahan, iniuwi niya si Si Xia para magpagaling sa bahay nila at bumalik lang si Si Xia noong araw bago ang kanilang performance. Naging tahimik ang mga baliw na fans ni Si Xia kaya naman nanahimik din ang buhay ni Ye Wan Wan ng ilang mga araw.

Pagkatapos ng performance nila, nalalapit na ang kanilang major exams kaya naman hindi mapapansin ni Ye Wan Wan ang baliw niyang manliligaw.

Iniisip niya na nalalapit na ang araw na iyon kaya wala nang pakialam si Ye Wan Wan sa matigas niyang costume.

Ginulo ni Cheng Xue ang costume ni Ye Wan Wan, kaya nagmukha siyang mas nakakatakot kesa sa normal.

Binalot ng sapot ang kanyang wig at ang sira-sirang costume ay parang taguan ng halimaw at dahil dito lalo siyang nagmukang demonyo.

"Pumila na ang lahat para ayusin na ang inyong makeup; dali, dalian niyo! Except sayo Ye Wan Wan, hindi mo na kailangan ng makeup---magperform ka kung sino ka sa entablado!"

"Hahahaha, bakit niya pa kailangan ng makeup? Umakyat na lang siya sa stage sa normal niyang itsura!"

avataravatar
Next chapter