847 Magmakaawang bumalik?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Newsflash: Gong Xu at Luo Chen, hinabol ang diyosa sa halos isang libong milya!"

"Pagtatapat ng magkaribal sa fashion party: Sino ang mag-uuwe sa dilag?"

"Nakakabihag si Lucy Yang sa fashion party."

"Direktor ng talent recruitment ng Dazzling, Cai Yongsheng, pinag-usapan ang kasalukuyang sitwasyon sa entertainment industry."

Dumalo lang siya ng isang salo-salo, pero kalat na ang mga tsimis sa isang gabi lang. Inasenso din ni Cai Yongsheng ang sarili niya pansamantala, na inaasahan na sa kanya.

Habang party ng kumpanya ng Dazzling, nagsalu-salo ang mga artista at top management.

"Halika halika! Lahat po tayo, magbigay ng toast kay Direktor Cai! Naniniwala ako na pamumunuhan ni Direktor Cai ang Dazzling patungo sa karingalan! Cheers!"

"Haha, matapos na sumama si DIrektor Cai sa atin, malalaman na natin kung ano ang tunay na propesyonal na manager! Sino ba si Ye Bai? Matagal niya lang inalagaan si Luo Chen, pero nagawang makuha ni Direktor Cai ang diyosang si Lucy para sumikat sa ilang araw lang!"

"Tama, tama!"

Namumula ang mukha ni Cai Yongsheng sa alak. Galak siyang ngumti. "Haha, 'wag niyong ikumpara ang palikerong iyon sa akin! Ano bang meron siya? Kung wala ang Worldwide na tinutulungan siya, tignan natin kung paano siya mabubuhay…"

Sumabay naman ang iba, "Tama si Direktor Cai - masyadong bulagsak sina Gong Xu at Luo Chen. Talagang dinaya sila ni Ye Bai ngayon! Kama-kailan lang, ang papanget ng mga proyektong pinagtatrabuhan nila, huh? Naging cover ng isang magazine na malapit ng bumagsak at binabaan ang sarili nila sa puntong tinatanggap nila ang pag-endorso ng mga pambabaeng produkto…"

"Oras na lang ang makakapagsabi - balang araw, mapapagtanto nila Gong Xu at Luo Chen kung aling manager ang talaga ang mahusay at pag nangyari iyon, paniguradong magmamakaawa silang bumalik!"

Habang nagsasaya ang Dazzling sa celebration party para kay Cai Yongsheng at Beauty sa pagbasag ng mga benta, tahimik na nag-post ang opisyal na Weibo ng VIVI magazine ang cover para sa darating na isyu na may link para sa mga preorder...

[#Luo Chen, Gong Xu - VIVI's special article #VIVI's brand new mysterious cover strikes! Justice and evil, light and darkness! Taking you on a brand new journey! VIVI's flagship store pre-order link:… @LuoChen @GongXu @ChaiYongLi @PhotographerXiaoYuTong, specially invited stylist @Felix, @YeBai, @AgeoftheImmortalsMedia]

Nakaupo sa harap ng komputer si Xiao Yu Tong. Huminga siya ng malalim at pinindot ang "Enter" bago sabi, "Chief editor, ayos na po ang blog post!"

Tumango si Chai Yong Li, "Mabuti."

Tumingin si Xiao Yu Tong sa litrato ng nasa cover na mas nakakabighani pa matapos dumaan sa processing. "Tingin ko magugustuhan ito ng lahat!"

Kahit na naisip din ito ni Chai Yong Li, masyado na siyang nabigo sa nakaraan at hindi na nagtangka pang umasa masyado dito...

Matapos ang ilang minuto, may katahimikan sa blog at may dalawa lang na like.

Kinagabihan, Nasa meeting sina Ye Wan Wan at ang iba tungkol sa scriot sa opisina nang biglang tumunog ang kanyang telepono - nag-anunsyo ang VIVI sa Weibo nila.

"Gong Xu, Luo Chen, i-share niyo na!" sabi ni Ye Wan Wan.

"Oh, OK!"

"Sige."

Ibinahagi ng dalawa ang cover pati na din sina Ye Wan Wan at Ye Mu Fan.

Sumulyap si Ye Mu Fan sa cover. Aaminin niya na ang gwapo ng dalawa sa cover at nagpahiwatig ng madaming emosyon. Tsaka, sa mga tagahanga ni Gong Xu at Luo Chen, paniguradong mauubos ang benta ng darating na isyu.

Gayumpan, hindi sila masyadong nakakuha ng pera mula sa cover sa isang isyu lang, hindi sapat ang pero para maresolbahan ang krisis nila at kailangan maka-isip sila agad ng paraan kung paano gumawa ng pera. Kung hindi, hindi sila makakagawa ng paraan para makapagsimula ng anumang produksyon...

Kaswal na sumulyap si Ye Wan Wan sa post sa Weibo at sabi, "Sige, gabi na. Umuwi na kayo at magpahinga!"

avataravatar
Next chapter