835 Maglaro ka ng kahit anong laro na gusto mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Maglingkod...

Enjoy?

Tumingin si Ye Wan Wan sa lalaki bago ang kanyang damit sa isang translucent top na may itim na collar sa kanyang leeg at labis na natuliro. Hindi siya naka-reak.

Gusto lamang niya ng isang maayos na pagkain sa bahay - anong nangyayari dito?

Napansin ng lalaki na hindi nagsasalita si Ye Wan Wan, kaya hindi siya nag dalawang isip, sinimulan niyang alisin ang pangtaas na sobrang kita na talagang pinapakita ang lahat…

Nakabalik na sa wakas si Ye Wan Wan sa kanyang katinuan ay kaagad na pinigila ito. *cough…* "Sandai sandali sandali! Anong ginagawa mo?"

Ang nangyari ay may nakakagulat na pagkakatulad…

Bakit naghuhubad ang mga tao sa akin kamakailan?

"Madam, hindi kaba natutuwa sa akin?" Balisang sinabi ng lalaki.

Hindi natutuwa?

Bakit kailangan kong matuwa?

Pinisil ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay. "Tumayo ka muna at isuot mo ng maayos ang iyong damit."

Sa sandaling ito, ang limang tao na sumisilip mula sa kusina ay natataranta.

"Anong nangyayari?! Kalokohan ito! Talaga bang sinabi ni master na mag suot siya ng damit?"

"Dahil ba hindi masyadong magaling ang lalaking ito at hindi siya gusto ni master?"

"Ewan ko! Kinuha ko siya mula sa black market sa mataas na presyo - tignan mo ang kanyang katawan, ang kanyang mukha…"

"Kakaiba, kailan pa naging isang vegetarian ang Black Widow?"

Ye Wanwan: "…"

Bro, maaari bang magsalita ka ng maayos?

Anong meron sa lalaking ito?

Sinusubukan ba niya akong suhulan?

Ngunit hindi ito maaari habang siya ay nasa kanyang damit pang-babae ngayon at itong taong ito ay hindi man lamang na surpresa, kaya hindi siya ang tao mula sa industriya ng entertainment…

Pinisil ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay. "Kung sino ka man, umalis ka."

"Madam…?" Nagulat ang lalaki. Matapos ang lahat, hindi siya nakagawa ng kahit anong pagkakamali. "Pero bakit?"

Tumingin sa kanyan si Ye Wan Wan at kaswal na sinabi, "tama ka, hindi ko nasiyahan."

Hindi maka-galaw ang lalaki - isa itong insulto sa kanya! 

"Uh, madam, minsan, hindi ka nakakasigurado. Kaya kong sabihin na wala akong kliyente na hindi natuwa sa akin matapos nila masubukan…" 

Nagsalita ang lalaki at pinunit ang kanyang shirt…

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan. Bakit hindi nakikinig ang taong ito?

Nang siya ay magsasalita na sana, isang malamig at malinaw na boses ang natinig mula sa pintuan:

"Anong ginagawa ninyo."

Umalis ang kalukuwa ni Ye Wan Wan sa kanyang katawan. Ang bawat pulgada ng kanyang buhok at nagsitayuan at nilingon niya ang kanyang leeg upang tignan.

Nakita niya na ang main door ay hindi sarado at si Si Ye Han, na dapat ay nasa isang business trip, ay nakatayo sa may pintuan. Mayroong isang malamig na awra sa kanya na parang isang demonyo mula sa impyerno.

F*ck…!!!

Tumingin si Ye Wan Wan sa lalaking nakasuot ng isang malaswang shirt saka lumingon kay Si Ye Han. Tatlong segudo ang kanyang tinagal bago siya makapagsalita, "hindi, Si… Si Ye Han, magpapaliwanag ako…"

Winalis ni Si Ye Han ang kanyang tingin sa paligif ng bahay. Ito ay parang mayroong isang hindi natunaw tunaw na malamig na nakatakip sa kanyang mukha; walang bakas ng pagkainit. Kadiliman ang bumalot sa kanyang mata na parang isang halimaw na kayang paggulagulasin ang tao sa ilang sandali. "tila dumating ako sa maling oras."

Bago pa mawalan ng kontrol ang halimaw sa kanyang katawan at sumugod paalis sa kanyang kulungan, tumalikod siya at kaagad na umalis.

Nakita ni Ye Wan Wan ang ganitong eksena at nataranta. Kaagad niyang hinabol si Si Ye Han ngunit ang lalaki na may collar ay hinarangan siya...

"Madam, sino siya…"

"P*ta! Sino siya?! Siya ang aking…"

Nang mapagtanto na si Si Ye Han ay paalis na, nagsimula ng mataranta at manlambot si Ye Wan Wan. Kiniskis niya ang kanyang ngipin, direktang tumapak siya sa may dining table at tumalon sa kabila bago niya sa wakas nahabol si Si Ye Han. Na may malakas na "thud," nakatayo siya sa likuran ni Si Ye Han at binagsak ang pintuan...

Walang mapuntahan si Si Ye Han. Dahan dahan siyang humarap sa kanyang malamig na mata na para bang magwawala sa ano mang oras at tumingin siya kay Ye Wan Wan na hinihingal. "Umalis ka diyan."

Patay ako. Mukhang siya ay talagang galit na galit ngayon...

Nalungkot si Ye Wan Wan at malapit ng mapaiyak. "Wifey… mayroong tagalabas dito… pwede ba… magpakita ka sakin?"

Si Ye Han: "…"

Sa parehong oras, bumulyaw si Ye Wan Wan, "KAYONG LIMA, LUMABAS KAYO DITO NGAYON!!!"

Mali ang kanyang akala ngayon - paano naging isang suhol iyon? Mayroon siyang limang eksperto na nagbabantay ng lugar na ito kaya walanh sino man ang makakapasok at makakalabas dito sa tuwing sila ay natutuwa maliban na lang kung sila ang nag-set up nito.

Akala niya talaga na maasahan ang mga taong ito - seryoso...

Hindi nagtagal, isa isang lumbas sa kusina ang lima sa kanila. "M-Master… tinawag mo po ba kami?"

avataravatar
Next chapter