282 Magkasama tayong mag celebrate

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Anong problema ng taong ito? Nagsasalita siya na parang nag tantrums ang girlfriend niya!

Ang napakataas at imortal kong boss… ay… nag ta-tantrums?...?

Parang gumuho ang pananaw sa buhay ng sekretarya nang marinig niya iyon.

Mabilis na dumaan ang oras, halos dalawang oras na naghintay si Ye Wan Wan sa labas ng boardroom.

Madalas na napapatingin ang sekretarya para makita ang nangyayari sa meeting room at medyo nahihiya siya, "Sabi kasi ni Mr. Xu na malapit na raw matapos ang meeting. Hindi ko alam kung bakit antagal nito… pasensya na Mr. Ye… baka may mga problema silang pinag-mi-meetingan…"

Hindi naman siguro nag alburuto si boss? Tsaka noon, maaga niyang tinapos ang meeting...

"Okay lang, atsaka importante ang trabaho mo 'di ba?--- pwede ka nang umalis para asikasuhin ang mga gawain mo. Hindi mo na ako kailangang samahan dito," magalang na sinabi ni Ye Wan Wan.

Maraming trabaho na dapat tapusin ang sekretarya kaya nag atubili siyang umalis.

Sa mga oras na iyon sa loob ng meeting room:

Ayon sa schedule, dapat kanina pa natapos ang meeting nila. Hindi siya sigurado kung bakit hanggang ngayon, hindi pa rin tapos ang meeting.

Nakita ni Ye Wan Wan na mag ga-gabi na pero hindi pa rin tapos ang metting. Hindi na nakapagtimpi si Ye Wan Wan kaya nag-send siya ng text kay Si Ye Han: [Anong oras kayo matatapos?]

Nakita niya na sumilip si Si Ye Han sa kanyang phone habang nakikinig sa mga reports ng mga empleyado niya.

Ngunit, binasa niya lamang ito ng walang reaksyon at nagpatuloy lang siya sa pakikinig.

Walang magagawa si Ye Wan Wan kundi maghintay.

Ilang oras ang nakalipas pero hindi pa rin tapos ang meeting, kaya nag-send siya ulit ng text: [Hindi pa rin tapos?]

...

Napahiga na lamang si Ye Wan Wan sa may lamesa dahil sa dinami-dami ng tinext niya, wala pa ring reply si Si Ye Han sa kanya. Tinatamad siya muling nag-type ng text kay Si Ye Han: [ Bulok na yung mga repoplyo na binili ko para sayo…]

Sa wakas, naglakad na si Si Ye Han palabas ng meeting room nang mag gagabi na.

Napagod ng sobra ang senior management, mabilis silang naghiwa-hiwalay at hindi na sila nagtangkang magdaldalan at magtsismisan pa. Parang kuneho sila sa sobrang bilis nilang tumakbo palabas; si Xu Yi lamang ang naglakas loob para maiwan sa likod.

Humakbang ang mahabang binti ni Si Ye Han papalabas habang diretso ang kanyang tingin. Sa oras na iyon, inutusan niya si Xu Yi, "Mag book ka ng flight papuntang Paris."

Napansin ni Xu Yi si Ye Wan Wan na naghihintay sa gilid kaya nagmadali siya at mabilis na sumagot, "Opo, gagawin ko agad ang inutos mo master!"

Tumayo agad si Ye Wan Wan nang marinig niya ang mga papalabas na mga hakbang ni Si Ye Han; ngunit narinig niya rin na mag-iibang bansa si Si Ye Han.

Nagulat si Ye Wan Wan. Magsasalita dapat siya pero may malakas na kalabog ang bumalot sa kanyang paligid.

Lahat ng pinamili niya na nasa loob ng malaking bag ay nagsi-laglagan dahil biglaan siyang tumayo.

May mga gulay, karne at mga ingredients sa paggawa ng steamboat. Bukod dito, may mga toothbrush, mga tuwalya ang kailangan niya sa araw-araw--- mga gamit na binili niya para sa paglipat niya sa dormitoryo.

Lalong lumamig at nawalan ng gana ang itsura ni Si Ye Han nang makita niya ang mga gamit na nalaglag sa lapag.

Ngunit, may napansin siya, sa ilang segundong lumipas----

Napansin niya ang mga binili ni Ye Wan Wan na kailangan niya sa araw-araw… toothbrush, bathrobe at slippers, lahat ng binili niya ay pang dalawang tao...

Ang unang set ay pink at ang pangalawa ay blue. At saka, ang mga binili niya ay brands ng mga ginagamit ni Si Ye Han sa pang araw-araw niya. Siguro pinaayos niya ito sa mga alalay sa Jin garden.

Napahinto at nag-iba ang mukha ni Si Ye Han nang makita ang mga pares na gamit na binili ni Ye Wan Wan...

Lumuhod si Ye Wan Wan para pulutin ng isa-isa ang mga nahulog na gamit. Pagkatapos niyang gawin ito, tinaas niya ang kanyang mukha at sinabi, "Aalis ka ng bansa? Nakuha na ako sa trabaho…. At plano ko sana na mag celebrate tayo ng magkasama.."

Walang emosyon na sumagot si Si Ye Han, "Hindi... si Xu Yi ang aalis."

Xu YI: "...ha?"

avataravatar
Next chapter