1090 Magkakonekta ang puso ni Mommy at Tang Tang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nasaan si Tang Tang?" Agad na tinanong ni Ye Wan Wan.

Si Ye Han: "Nasa gubat."

Sinundan ni Ye Wan Wan ang direksyon kung saan nakaduro si Si Ye Han at mabilis niyang sinuot ulit ang headpiece ng bear. "Hahanapin ko lang si Tang Tang!"

Si Ye Han: "Sige lang."

Mabilis na tumakbo sa kalayuan ang babae.

Namamangha pa rin si Lin Que habang tinititigan niya ang lumalayo na si Ye Wan Wan. "Kaya pala ang lakas ng kapit niya kay 9th brother… Oo na, talo na ako…"

At bigla siyang humarap kay Si Ye Han nang may pagsu-suspetya. "Ninth Brother, hindi mo ba naisip na… parang grabe ang pagbabago ni Ye Wan Wan?"

Matumal na sumagot si Si Ye Han, "Hindi naman."

Nagulat si Lin Que. "Huh? Hindi sa tingin mo?"

Nakatutok si Si Ye Han sa direksyon na nawala si Ye Wan Wan. Nasa malayo ang isipan niya nung sinabi niya, "Ganito na siya noong una pa lang."

Walang masabi si Lin Que. "..."

Ganito na siya noong una pa lang???

Seryoso ka ba, 9th Brother...

Kumislap ang mga mata ni Xie Zhe Zhi. Dumaan ang ilang sandali ng katahimikan nang bigla siyang humarap kay Si Ye Han at sinabi, "Ah-Jiu, nagiging umaayos na ba ang… kalagayan mo?"

Binalot ng kadiliman ang itsura ni Si Ye Han nang marinig niya ang mga salita ni Xie Zhe Zhi.

Unti-unti nang nagiging maayos ang katawan ni Si Ye Han, pero mukhang hindi pa rin siya masaya.

Biglang napa-isip si Lin Que ngunit may nakakatakot na kaisipan ang umangat sa utak ni Lin Que. "Third Xie, sinasabi mo ba na alam na ng Independent State na nagiging maayos na ang kalagayan ni 9th Brother…"

Napahinto si Lin Que at medyo naubo siya. "Ahem, matagal nang panahon noong huli nilang kinausap si Si Ye Han, kaya hindi naman nila siguro tatawagan si 9th brother, tama…?"

Nagkibit balikat si Xue Zhe Zhi. "Ewan ko ba kung ano ang iniisip ng taong iyon…"

Sa hindi kalayuan, tumatakbo si Ye Wan Wan papunta kay Tang Tang.

"Baby, baby! Ang pinaka-cute at ang pinakamatalino at ang pinaka-pinaka mapagmahal na baby sa balat ng lupa! Pwede ba kitang yakapin?" Nilaliman ni Ye Wan Wan ang kanyang boses at intensyon niya talagang magtanong sa pang batang boses habang nakatagilid ang kanyang ulo.

Medyo nagulat si Tang Tang nang makita niya noong una ang toy bear, bago siya nagmadaling lumapit dito ay sinabi. "Mommy!!!"

Nagulat rin si Ye Wan Wan at bumalik na siya sa normal niyang boses upang tanungin si Tang Tang, "Ah, baby, paano mo nalaman na ako ito?"

Ginamit pa ni Si Ye Han ang kanyang utak upang alamin na ito nga si Ye Wan Wan, kaya paano malalaman ni Tang Tang na si Ye Wan Wan ang nasa loob ng costume sa isang tingin lang?!

Niyakap ni Tang Tang ang mga binti ng bear at tumingin siya pataas, sabay sinabi niya ng puno ng kagalakan, "Alam na ni Tang Tang! Makikilala ni Tang Tang si mommy kahit na iba pa ang mukha ni mommy!"

Lumuhod si Ye Wan Wan at niyakap niya ang batang lalaki nang punong-puno ng pagmamahal ang kanyang puso. "Tama, tama, magkakonekta kasi ang puso ni Tang Tang at Mommy!"

"Opo." Paulit-ulit na tumango si Tang Tang.

"Mommy, ang cute mo naman ngaykng araw!" Buong puso siyang pinuri ni Tang Tang.

"Hehe, 'di ba? Nagustuhan ba ito ni baby?" Masayang masaya si Ye Wan Wan.

"Nagustuhan ko!"

Biglang lumapit si Great White habang nag-uusap ang mag-ina.

Lumiwanag ang mga mata ni Ye Wan Wan nang makita niya si Great White! Dumating rin si Great White!!!

Tumalon si Ye Wan Wan sa harapan ni Slaughter. "Hahaha! Great Whitey, Great Whitey, pwede ba kitang lambingin?"

"ROAR—"

Umungol ng sobrang lakas si Great White nang makita niya si Ye Wan Wan sa kanyang harapan.

Nahulog sa kanyang pwet si Ye Wan Wan sa sobrang takot niya sa malakas na paggugol.

Ang sakit!!!

Mabilis na tumakbo si Tang Tang papunta kay Ye Wan Wan at pri-no-tektahan niya ito sa kanyang likuran. "Great White! Huwag kang maging masama! Si Mommy ito!'

Suminghal ang puting tigre at agad namang tumitigil ang pagiging mabangis nito.

Hindi kailanman naisip ni Ye Wan Wan na magkakaroon pala ng masamang araw si Great White!

Nag-iba ang tingin ni Ye Wan Wan at kaawa-awa siyang humarap kay Tang Tang. "Tang Tang! Gustong hawakan ni Mommy ang paws ni Great White!"

Tiningnan ni Tang Tang ang tigre. "Amin na ang paw mo, Great White!"

avataravatar
Next chapter