705 Magkakilala pa lang sila sa ngayon

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkaalis ni Song Jin Lin ay kaawa-awang nagreklamo si Zhang Hua, "Kailangan namin ng mga walk-in artists na maruning sa martial arts para sa eksenang ito at may mga nahanap ako para kay director Song, kaso hindi siya natuwa sa mga nahanap ko. Maliliit na roles lamang ang ginanap ng mga artistang ito at marami sa kanila ay amateurs at matagal nang hindi nagsasanay ang mga propesyonal na martial artists na andirito. Paano naman ako makakahanap ng artista na mahusay sa martial arts, eh…?"

Tumawa ng malakas si Ye Wan Wan nang marinig niya ang sinabi ni Zhang Hua. Ganito ang tunay na pamamaraan ni Song Jin Lin - gumagawa siya ng serye na katulad ng pagakagawa ng isang movie, pinipilit niyang maging perpekto ang bawat frame.

"Ay, director Ye. Ayoko na; kailangan ko pang maghanap ng maraming tao! Dahil kung hindi, hindi namin matatapos ang parte ng 'Terrifying Dragon' ngayong araw…"

"Sige, gawin mo ang dapat mong gawin!"

Ang lokasyon na kinukuhanan nila ngayon ay malapit sa isang sira-sirang tulay.

Pagkarating nila sa lokasyon na iyon, nililinis at inaayos na ng production crew ang lugar ngunit parang may isang isyu.

May kaaway si Xiao Chen sa may tulay.

Tiningnan ito ng maigi ni Ye Wan Wan at nagulat siya...

Oh, kakilala niya?

Uh… baka, ngayon lang sila maituturing na magkakilala...

Sa may tulay, may isang lalaki na may suot na maruruming damit at nagkukunwari siyang isang babae. Nakauoi siya sa lapag at parang wala na siyang mga buto. Katabi niya ay isang tao na nakahiga sa stretcher at may karatula na nakalagay dito: "May malubhang sakit na ang asawa ko. Pwede bang makahingi ng pera para pambayad namin sa ospital, mabuting samaritano."

Nakatayo sa tapat nila ang isang Taoist devotee na marangyang dinadaya ang mga tao.

Silang tatlo ay nakasuot ng gusot at sira-sirang mga damit, wala silang pinagkaiba sa mga manlilimos.

Pasensya na, parte ang ng crew at kukuhanan namin para sa ginagawa naming serye ang ilalim ng tulay na ito. Kailangan ko kayong paalisin sa pwesto niyo dahil bawal ang ibang tao sa lugar na ito!"

"Malapit nang matapos ang buwan. Kailangan naming i-report ang performance namin at katumbas ng pera ang oras namin~ tama ba ako, hubby?"

Hindi gumalaw ang lalaki na nasa stretcher at para bang patay na ang taong ito.

Isa sa dalawang taong ito ang lalaki na nagkukunwaring babae habang ang isa ay nagkukunwaring may sakit - umaasa ba sila na makakakuha sila ng pera sa ganitong pamamaraan? Bulag ba ang tingin nila sa ibang tao?

Kumibo ang gilid ng mga labi ni Xiao Chen; naisip niya na baka nagnanakaw ng pera ang mga taong ito. Ayaw niya nang ipagpatuloy ang pakikipagtalo sa mga ito kaya nagtanong siya, "Magkano ba ang ibabayad ko para umalis kayo dito?"

Naging seryoso ang itsura ng lalaking nagkukunwari na babae nang marinig niya iyon. "Hoy Miss, respetuhin mo naman kami. Malinis na pera ang kinikita namin dito sa trabaho namin - huwag mong insultohin ang integridad namin!"

Nabagot si Xiao Chen nang marinig niya iyon. "Naghahanap ba kayo ng gulo?"

"Hindi, hindi po, sa tamang pamamaraan nakakahuha ng pera ang isang ginoo. Miss, gusto mo bang babasahin na lang nga kawawang deboto ang kapalaran mo?"

Dali-daling tumayo ang nagkukunwaring babae at galit niyang tinuro ang ilong ng deboto, "Tsk! Lokong deboto! Bakit hindi ka na lang maghanap ng ibang lugar para manghula ng palad? Nanakawin mo pa ang pinagkakakitaan ko, ah!"

"Pokpok, bahay mo ba ito?"

"Tigilan niyo ang pakikipag-away niykng dalawa. Aalis ba kayo o hindi?"

"Xiao Chen…"

Xiao Chen ay galit na galit habang sinusubukan niyang paalisin ang mga taong iyon. Biglang namula ang mga pisngi niya nang makita niyang paparating si Ye Wan Wan. "Nandito ka na pala, Ye-ge…"

"Anong nangyayari?" Tiningnan ni Ye Wan Wan ang mga nanlilimos.

Biguan na sumagot si Xiao Chen, "Inaayos ko ang lugar dahil dito magaganap ang shooting, ngunit aaw umalis ng mga taong ito! Mga baliw sila! Pinadala kaya sila ng kalaban nating production team para guluhin tayo?"

Ye Wanwan: "…"

Masyado mong iniisip ito. Hindi sila nanggugulo...

Baliw lang talaga sila...

Lumaki ang mga mata ng deboto nang makita niya si Ye Wan Wan. "Aiya, ang sikat na si Ye…"

Bago pa matapos ang sinasabi ng deboto, bigla siyang tinitigan ng masama ni Ye Wan Wan.

Sumunod ang deboto at tiniom nito ang bibig niya nang malaman niya ang ibig sabihin ni Ye Wan Wan: "Ah, okay, naiintindihan ko."

avataravatar
Next chapter