741 Magkakaroon agad kami ng anak?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nameless Nie: "Hindi… gusto ko sana na magkunwari kang ikaw ang kapatid kong babae…"

Nabigla si Ye Wan Wan sa narinig niya at natuklasan niya rin kung ano ang pina-plano ni Nameless Nie. Ngumiti si Ye Wan Wan at sinabi. "Sinasabi mo na gusto mo akong magkunwaring nanay ng pamangkin mo, tama ba?"

"Oo oo oo!" Paulit-ulit na tumango si Nameless Nie. "Ayan nga ang ibig kong sabihin!"

Kumibo ang gilid ng labi ni Ye Wan Wan. Sa panahon ngayon, pwede na palang magkunwaring nanay ng iba? Hirap na siguro ang tito niya para maging desperado na gawin itong solusyon.

Ngunit hindi sigurado si Ye Wan Wan kung bakit nananatili sa kanyang isipan ang imahe ng batang lalaki na nakasuot ng itim na suit.

Kamukha ng masayang kuting ang manhid na mukha at mapahamak na ugali ng batang iyon…

Hindi maintindihan ang ideya na magkukunwari siyang nanay ng batang ito...

Naisip rin ni Ye Wan Wan na kailangan niya ang tulong ng grupo ni Nameless Nie mamaya, kaya tama lang na gawin niya ang pabor na hinihingi sa kanya.

"Pero, hindi ba't sinabi mo sa iyong pamangkin na kliyente mo ako? Parang hindi naman mangmang ang pamangkin mo." Nag-isip ng mabuti si Ye Wan Wan bago siya nagsalita.

"Huwag kang mag-alala. Kahit gaano pa siya ka-talino, bata pa rin siya. Kapag dumating siya… sasabihin ko na lang sa kanya na gusto ko siyang surpresahin, kaya hindi ko kaaagad sinabi na ikaw ang nanay niya…" Naging mas masaya at natuwa si Nameless Nie, kumpara noong kumain siya ng sampung bowls ng dumpling, nang makita niyang sumasang-ayon sa kanya si Ye Wan Wan.

"Sige pala… ikaw nga naman ang tito niya. Nasa iyo ang huling desisyon." walang nang magawa si Ye Wan Wan nang nagkibit balikat siya.

"Oo nga pala… hehehe, pwede ka bang maghanap ng magiging tatay niya?" Tumawa si Nameless Nie.

"Excuse me?" Akala ni Ye Wan Wan na nagkamali siya ng dinig sa sinabi ni Nameless Nie.

"Humantong ka na sa posisyon na ito, kaya sagarin na natin. Eh… yung boyfriend o asawa mo na lang ang magkukunwaring tatay…" imungkahi sa kanya ni Nameless Nie.

Naisip kaagad ni Ye Wan Wan si Si Ye Han nang marinig niya ang sinabi ni Nameless Nie, tila kinilabutan siya sa ideya niya.

Hindi niya alam kung paano niya ito maipapaliwanag, maliban pa kung sa-sang-ayon ba o hindi si Si Ye Han...

At kung sa-sang-ayon si Si Ye Han, natatakot ako na baka maging yelo ang buong mundo kung magsasama ang dalawang manhid na ito.

Hindi ko alam kung magandang ideya ba ito...

"Pag-iisipan ko muna… hindi pa ako makapag desisyon sa ngayon - kailangan mong maghintay." Bumuntong hininga si Ye Wan Wan.

"Bakit hindi mo ako masasagot ngayon?" Hindi nakuntento si Nameless Nie nang tanungin niya si Ye Wan Wan.

"Naisip mo ba na kailangan kong pagusapan ang bagay na ito sa boyfriend ko? Magkakaroon nga naman kami kaagad ng anak, 'di ba?" Sumakit ang ulo ni Ye Wan Wan kaya kinurot niya ang pagitan ng dalawa niyang kilay.

"Sige, sige! Tama ang sinabi mo… pasensya sa abala, Famous Ye." Tumango si Nameless Nie. Magiging maayos ang lahat basta't sumang ayon si Ye Wan Wan.

Nagulat ang deboto, Spray of Flowers at ang iba pa. Ang bawat isa sa kanila ang umiiling ang ulo.

Malaking delubyo ang kahihinatnan kapag nalaman ni little devil na naghanap ng kung sino lang si Nameless Nie para magkunwaring magulang niya...

Hindi ba't masyadong matapang si Kapitan para gawin iyon?

Kung ano man ang mangyari, wala tayong alam, wala tayong ideya sa plano nila at wala tayong kinalaman diyan...

Si Kapitan ang sisisihin kapag may nangyaring masama…

"Pagusapan natin ang trabaho na gagawin niyo," seryosong nagsalita si Ye Wan Wan.

Biglang naging masigasig at umupo ng maayos ang bawat isa sa kanila, ang buong atensyon nila ay na kay Ye Wan Wan lamang.

"Boss Ye, nagkaroon tayo ng kasunduan kahapon na babayaran mo ang tickets sa eroplano, pagkain namin at ang tinulugan rin namin, babayaran mo rin ang bawat isa sa amin ng $2,000, tama?!" Agaran na gustong kumpirmahin ng deboto ang sahod nila. Malinaw niyang natandaan ang ganitong mga bagay.

Ye Wan Wan: "Tama ka."

avataravatar
Next chapter