330 Magkaibang-magkaiba

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi tumagal at nagsimula na ang salu-salo ng kaarawan ni Old Ye kaya dinala ni housekeeper Ye ang lahat papunta sa ballroom.

Sa ballroom, nakaupo ang matandang may puting buhok sa pinaka-importanteng upuan, siya si Ye Hong Wei.

Malusog at maayos pa rin ang pangangatawan ni Ye Hong Weu kahit matanda na siya. May liwanag pa rin sa kanyang mga mata, ang bawat kilos niya ay nagpapakita ng marangal na taong karapat-dapat lang na nakaupo sa nakatataas na upuan. Ang enerhiya ng kapangyarihang hawak niya ay nakapalibot sa kanya, kaya pinupuri siya ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Habang tinitingnan niya ang mga tao, napakunot siya nang makita na andoon ang pamilya ni Ye Shao Ting, wala siyang sinabi kaya lumayo na lang ang tingin niya sa kanila.

"Lolo!"

Sa ilang saglit, dumating sa harap ng lahat sila Ye Yiyi at Gu Yue Ze.

Sa mata ng lahat, nakita nila ang mahinhin at magandang itsura na bumabalot sa babae. Medyo namumutla ang kanyang mukha, natural siya nang walang pigil niyang sinabi ang kahilingan niya para sa kaarawan ni Ye Hong Wei.

Nakita ni Ye Hong Wei si Ye Yiyi kaya napangiti siya sa sobrang tuwa, pinahintulutan niyang maupo ang dalawa sa upuan.

Ang lamesa nila para lamang sa mga miyembro ng Ye family--hindi pwede ang oustiders. Nakipaghalubilo si Ye Hong Wei sa ilang mga kilalang bisita na may mataas na estado sa Imperial City.

"Lalo kang gumanda Yiyi-jie jie…" Lumapit at umupo si Liang Shi Han sa tabi ni Ye yiyi habang puno ng selos niyang tinitingnan ang magandang itsura ni Ye Yiyi.

Natuwa si Ye Yiyi at malambot niyang tiningnan si Liang Shi Han ng may malambing na mga mata. "Salamat po."

Natuwa si Fang Xiu Min nang makita niyang magkatabi ang anak niya at si Ye Yiyi--mas maasahan si Ye Yiyi kumpara sa batang henerasyon ng Ye family. Kung naging magkaibigan ang anak niya at si Ye Yiyi, malamang sa hinaharap… magkakaroon sila ng posisyon sa loob ng Ye family tree.

Biglang nagsalita si Fang Xiu Min, "Shi Han, makinig kang mabuti kay Yiyi-jie ha?"

"Mom, hindi mo na kailangang sabihin iyon, matagal ko nang idolo si Yiyi-jie! Kahit matutunan ko lang ang kalahati ng kagalingan ni Yiyi-jie, buong buhay na ako na magiging masaya." Habang katabi niya si Ye Yiyi, si Liang Shi Han ay napakabait at kakaiba ang mabuting pananalita niya.

"Sa lahat ng mga nakababatang henerasyon ng Ye family, ikaw ang namumukod-tangi, Yiyi-jie," Proklama ni Fang Xiu Min habang bigla siyang napatingin kay Ye Mu Fan.

Napansin ni Ye Yiyi na tiningnan ni Fang Xiu Min si Ye Mu Fan nang sinabi niya iyon, napangiti na lamang si Ye Yiyi at kunwaring nahihiya siya.

Narinig ni Ye Mu Fan ang usapan nila kaya naging masahol ang kanyang reaksyon. Sa mga batang henerasyon ng Ye family, bukod kay Ye Yiyi, siya at si Ye Wan Wan lamang ang kasama niya sa henerasyon nila, kaya si Fang Xiu Min ay….

"Yiyi, narinig ko na sasabihin niyo na ni Yue Ze ang relasyon niyong dalawa sa publiko?" tinanong ni Fang Xiu Min.

Napatingin si Ye Yiyi kay Gu Yue Ze sabay napatango nang marinig niya ang katanungan. Napuno ng hindi napapagod na pagmamahal ang kanyang mga matang nakatingin kay Gu Yue Ze na katabi niya sa mga oras na iyon.

Tiningnan ni Gu Yue Ze ang maliit na magandang mukha ni Ye Yiyi at napuno ng pagmamahal ang kanyang mga mata habang nagagalak siya. "Malapit nang mangyari iyon, sa totoo lang. Matagal ko nang gustong ipaalam sa lahat ang tungkol sa amin, pero iniisip kasi ni Yiyi ang mararamdaman ng ibang mga tao kaya hindi ko ito magawa-gawa…"

Kahit ang matalinong tao ay maiintindihan ang pinaparating ni Gu Yue Ze sa sinabi niyang mga taong iniisip ni Ye Yiyi na makakaramdam ng sama ng loob.

Epektibo pa rin hanggang ngayong ang engagement sa pagitan nila Gu Yue Ze at Ye Wan Wan. Gayunpaman, sa mata ng lahat, nakikita nila na ninanakawan ni Ye Wan Wan si Gu Yue Ze ng pagkakataong makasama ang tunay niyang mahal, hindi siya nararapat sa titulong fiancee at gumagawa rin daw siya ng gulo hanggang ngayon. Malayo na ang loob ni Ye Wan Wan kay Gu Yue Ze pero akala ng lahat na wala pa rin siyang hiya na nakadikit kay Gu Yue Ze.

Para naman kay Ye Yiyi, nag-aalala pa rin siya na baka mahal pa rin ng kanyang kapatid si Gu Yue Ze kaya ayaw niya sanang saktan ang nararamdaman ni Ye Wan Wan.

Malaki ang pagkakaiba ni Ye Wan Wan at Ye Yiyi sa puso ng lahat ng nakakilala sa kanila.

Kung gaano minamahal at tinatangkilik ng tao si Ye Yiyi ay katumbas rin ng galit at poot ng mga tao kay Ye Wan Wan!

avataravatar
Next chapter