1072 Maging responsable ka sa kahihinatnan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sumimangot si Huang Ming Kun nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan. Hindi niya inasahan na magiging malaking perwisyo pa si Ye Wan Wan. Inakala niya na maisaayos niya kaagad ang problemang ito… o hindi kaya't may napansin si Ye Wan Wan...

Wala siyang magagawa basta't tinanggihan na siya ni Ye Wan Wan.

"Papa, Mama… tingnan niyo! Bakit ganito ang reaksyon ni Ye Wan Wan kung hindi niya naman talaga ninakaw ang singsing?!" Agad na humarap si Liang Mei Xuan kayla Ye Hong Wei at Tan Yi Lan para manghingi ng saklolo.

Sinimangutan ni Tan Yi Lan si Ye Wan Wan at kanyang sinabi, "Wala kang kailangang ikatakot, Ye Wan Wan, kung hindi naman ikaw ang nagnakaw ng singsing ni Yiyi. Ibigay mo ang bag mo may Stewars Huang para makita niya kung anong nilalaman nito."

"Lola, hindi naman sa ayaw kong ipakita sa kanila ang nilalaman ng bag ko, marami kasing bisita ngayon… ayoko sanang palakihin pa ang problemang ito." Makikita sa mukha ni Ye Wan Wan ang pagka-kawawa.

Suminghal si Liang Mei Xuan. "Aha! Ikaw nga ang nagnakaw ng singsing ni Yiyi, ikaw na igrata na pokpok! Paano lumabas ang isang makapal na mukhang babae sa pamilya namin? Nagnanakaw ka pa sa sarili mong pamilya! Pero, ngayon takot kang mapagiya? Dapat kanina mo pa naisip iyon! Siguro marami kang nanakaw noong naninirahan ka sa kung saan saan noh?!"

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Liang Mei Xuan. "Second Aunt, ilang araw ka nang hindi nagsisipilyo?"

Nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Liang Mei Xuan ngunit bago pa siya makapagsalita, sinenyasan ni Ye Hong Wei si Huang Ming Kun na halungkatin ang bag ni Ye Wan Wan.

"Sige, halungkatin niyo yan," manhid na sinabi ni Ye Wan Wan. "Pero, maging handa sana kayo sa mga kahihinatnan, Second Aunt."

Kaya inabot ni Ye Wan Wan ang bag niya kay Huang Ming Kun.

Ang lahat ay nakatingin sa bag ni Ye Wan Wan, iniisip nila kung ninakaw ba ni Ye Wan Wan ang singsing, o hindi.

Hinalungkat ni Huang Ming Kun ang bag niya at bigla niyang nakita ang isang jade na singsing sa handbag ni Ye Wan Wan na makikita nang lahat ng nakatingin...

"Hah, ikaw pala ang nagnakaw!" Gulat napasigaw na sinabi ni Liang Mei Xuan.

Parehas na nabigla sila Ye Shao Ting at Liang Wan Jun nang makita nila ang singsing na nilabas ni Huang Ming Kun sa bag ni Ye Wan Wan.

Galit na tiningnan ni Ye Hong Wei at Tan Yi Lan si Ye Wan Wan.

"Um… Hindi ganoong tao si Ye Wan Wan. May maling pagkakaintindihan lamang na nagaganap…" biglang sinabi ni Ye Yiyi.

"Maling pagkakaintindihan?!" Suminghal si Liang Mei Xuan. "Nakita ng lahat na hinila ni Steward Huang ang sising na nanggaling sa bag ni Ye Wan Wan! Anong maling pagkakaintindihan ba ang sinasabi mo? Bakit mo pri-no-protektahan ang bobong pokpok na ito hanggang ngayon?!"

"Pero…" kinagat ni Ye Yiyi ang kanyang labi at bumuntong hininga na lamang siya dahil wala na siyang masabi pa.

"Napaka dugyot…"

Kinaskas ni Ye Mu Fan ang kanyang ngipin. Sigurado siya na hinanda na ito ni Ye Yiyi noong una pa lang! Pero, unaarte siya na para bang siya ay kinawawa at nahihirapan. Nakakasuklam siya!

Sinabi sa kanya ni Ye Wan Wan na matuto si Ye Mu Fan ng ilang mga tricks sa kanya. Natatakot siya na baka hindi niya matutunang maging makapal ang mukha niya hanggang sa mamatay siya.

Maririnig ang pagkagulat sa mga bisita. Magnanakaw ang Second Miss na nanggaling sa pamilya ng panganay ng Ye family! At ninakawan niya pa ang sarili niyang pamilya!

"Hindi malayo ang ugali ng isang tao, sa kanyang pinanggalingan!"

"Heh… hindi na siya matutulungan. Naging pabaya sa kanya ang kanyang mga magulang at pinalaki siya para maging magnanakaw."

"Nakakahiya…!"

Bigla siyang pinagkukutya ng mga bisita.

Hindi makapaniwala si Ye Hong Wei at Tan Yi Lan. Ano na lang ang gagawin nila sa kanilang pride kung naganap ito sa isang pampublikong lugar?!

"Ye Wan Wan, sinabi mo na sana sa amin noon pa man kung wala ka nang pera! Hindi ko inasahan na magiging magnanakaw ka pala! Malaking kahihiyan ang dinala mo sa pamilya at gayundin kay lolo at lola mo! Paano na lang babangon sa kahihiyan na ito si lolo at lola, pokpok ka!" Nilabas ni Liang Mei Xuan ang lahat ng mapang-abusong salita sa kanyang bibig at papunta kay Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter