1141 Maging matatag at huwag magpaka-baliw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Lumalabas sa sine nitong mga nakaraang araw ang mga malalaking produksyon. 70-80% ng market ay dinodomina ng mga pelikula mula sa Worldwide Entertainment at Emperor Sky Entertainment, at marami silang ginagawang promosyon para dito. Mapapansin na minamaliit nioa ang Age of Immortals.

Kinabahan ang puso ng lahat nang makita nila ang resulta ng film box office debut, kahit na positibo ang ratings at review ng mga manonood sa pelikula nila.

Ang pelikula nila ay nakalikom lamang ng ilang daang libo at hindi man lang sila umabot sa kinita ng pelikula ni Ling Shao Zhe. At tsaka, ang mga tapat na fans ang nag-contribute sa pelikula nila Gong Xu at Luo Chen.

Mauubos ang pangmatagalang ipon nilq kung magpapatuloy ito.

Nadismaya ang kumpanya nila dahil sa mababang box office performance ng kanilang pelikula.

Nagsalita si Luo Chen, "Ngayon ang broadcasting ng Date with a Superstar, baka makatulong iyon ng kaunti sa box office…"

Para sa mga artista sa entertainment industry, ang pinaka-importante ay ang mga fans pero sila rin ang madaling mawala.

Hindi masyadong nagpakita sa publiko ng ilang buwan sila Luo Chen at Gong Xu dahil nasa shooting sila ng A Life and Death Struggle. Bigla rin lumabas ang mga bagong artista, kaya mabilis rin nawala ang kanilang mga fans.

Kaya ngayon, malaking mga kaguluhan ang naging kaharap ng promosyon ng pelikula kaya nag-aalala sila sa resulta ng box office.

Sa oras na iyon, nagmadali si Yao Jia Wen na pumasok habang hawak niya ang kanyang phone at galit siyang nagsisigaw, "Sobra na ito!"

"Ano iyon?" Nakasimangot na sinabi ni Ye Wan Wan.

Inangat ni Yao Jia Wen ang kanyang phone at pinakita niya ito sa lahat, "Pinapanood ko ang Date with a Superstar at na-diskubre ko na ang lahat ng eksena nila Luo Chen at Gong Xu ay tinanggal sa palabas! Kahit isang segundo wala sila!"

Naghintay sila ng 2+ na oras at nag-shooting sila ng 10 minuto. Inakala nila na meron man lang silang limang minuta na screen time pero tinggal pala nila ito.

Nainis si Luo Chen nang marinig niya ang sinabi ni Yao Jia Wen. Umasa siya na ito ang magiging promosyon para sa kanilang pelikula, pero wala naman pala.

Pare-parehas ang mga nangyayari nitong mga nakaraang panahon.

Nakakuha sila ng mga maaayos na assignments kahit nahirapan sila, ngunit hindi nilagay ang screentime nila dito. May isang tao talaga na gustong itago sila sa harap ng publiko.

Malayo sila sa sa oras ng selebrasyon. Kahit na mataas ang kalidad ng pelikula, wala itong kwento kung walang manonood nito. At tsaka, walang kalamangan ang kanilang pelikula sa maraming mga teen dramas na nagsilabasan, pati na rin ang mga metropolitan romance films.

May suhestyon si Yao Jia Wen. "Paano kung… mag-usap at makipag halubilo sila Luo Chen at Gong Xu sa Weibo para makaakit sila ng kaunting kasikatan?"

Umiling si Ye Wan Wan at hindi siya pumayag sa suhestyon ni Yao Jia Wen.

Okay lang kung angkop at bagay naman ang pakikihalubilo nila, pero kung madalas at intensyonal ang pakikipag-usap nila, hindi nia matatakasan ang mga suspetya na baka bakla silang dalawa. Sa halip, magiging negatibo pa ang epekto nito sa kanilang kasikatan at magtataka na sa kanila ang mga netizens.

At ang importante sa lahat, hindi nila inayos ang pinagmulan ng tunay nilang problema.

"Sinabi ko na sa iyo ang sitwasyon natin noong una nating meeting, kaya hinanda niyo na dapat ang sarili niyo para dito. Ang plano ko ay ihinto muna natin ang mga promosyon natin sa hinaharap. Malinaw naman na pinapahirapan tayo ng Worldwide Entertainment at Emperor Sky, kaya walang kwenta rin ang magiging investments natin. Bakit hindi na lang natin gamitin ang pera na iyon para sa ibang bagay?"

"Ibang bagay?" hindi siya naintindihan ni Yao Jia Wen.

Binigay ni Ye Wan Wan ang mga dokumento sa kanya. "Tama. Hindi na natin ipagpapatuloy ang promosyon. Gagamitin na lang sa charity ang natitirang budget."

Tumango si Han Xian Yu at sinabi, "Magandang ideya 'yan, Ye Bai."

Sumagot si Ye Wan Wan, "Maraming kaalaman si Brother Yang tungkol dito, kaya kailangan ko ng tulong niya."

Mabilis na sumagot si Fei Yang. "Walang problema."

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang lahat ng taong nandoon. "Sa segment na ito, may isang bagay lang na kailangan nating gawin–maging matatag kayo."

Biglang tumingin si Ye Wan Wan kay Gong Xu. "Lalo ka na, Gong Xu. Huwag ka nang magpaka-baliw."

avataravatar
Next chapter