179 Maging malakas para maging karibal niya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Oo, disi-otso na ako, pwede na 'kong uminom…" maamong sagot ni Jiang Yan Ran na parang takot ito na baka pagalitan siya ni Ye Wan Wan.

"Nasaan ka ngayon?" pag-aalalang tanong ni Ye Wan Wan.

"Sa may sapa…"

"Sa maliit na sapa sa eskwelahan?"

"Oo…"

Nag-umpisa ng sumakit ang ulo ni Ye Wan Wan sa narinig, "Lasing ka na, baka mahulog ka pa sa sapa! Dalian mo at bumalik ka na sa dorms!"

Ang bait naman ng batang 'to; pasimple ko lang siyang pinagsabihan na kumalma pero nakikinig talaga siya sa 'kin!

"Pero… Nawawala ako…"

Ye Wanwan: "..."

Oh, big missy, paano ka nawala sa sarili mong school?!

"Pabayaan mo na, maghanap ka ng masisilungan at doon ka lang; kukuha ako ng taong susundo sa 'yo."

Paulit-ulit na pinagsabihan ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran bago niya tawagan si Chu Feng, nakikiusap na pumunta doon sa maliit na sapa at hanapin si Jiang Yan Ran bago ibinababa ang tawag.

Matapos ang tawag, humarap si Ye Wan Wan kay Si Ye Han at sabing, "Si Yan Ran 'yon, yung sinabi kong bago kong roommate. Nalasing siya sa school at hindi makabalik sa dorms kaya nakiusap ako sa lalaki na malapit sa eskwelahan namin para hanapin siya. May gusto yung lalaki kay Jiang Yan Ran, at mukha namang mabait…"

Ang Si Ye Han sa nakaraan niyang buhay ay grabe ang pagkontrol sa kanya, umabot nasa puntong nakakabastos ito. Inimbestigahan niya ang lahat ng taong nakapaligid kay Ye Wan Wan.

Kahit na ang intensyon ni Si Ye Han ay maging ligtas si Ye Wan Wan, ang ganito niyang pag-uugali ay kinasusuklam ni Ye Wan Wan.

Sa nakaraan niyang buhay, kaya lang naman niya sinubok lumaban ay para makatakas pero ngayon, inisip niya na kapag naging malakas siya para maprotektahan ang sarili niya, at maging karibal ni Si Ye Han, baka makuha niya ang kalayaang kinakamit niya?

Pero ang ikalawa ay pantasya pa din para sa kanya.

Nagpatuloy si Ye Wan Wan, "Sobrang lalim na ng gabi, kailangan ko ng bumalik. Kahit walang pasok bukas, may rehearsal kami bukas ng umaga kaya kailangan ko ng bumalik. Nag-aalala din ako kay Yan Ran kasi mag-isa lang siya sa dorm. Balikan mo na yung pinag-uusapan niyo ni Ms. Ruo Xi!"

Kahit na mukhang walang bahala si Si Ye Han at hindi na nagsalita, ramdam ni Ye Wan Wan na hindi ito masaya.

Alam ni Ye Wan Wan na mas mahirap basahin ang mga iniisip ni Si Ye Han kaysa sa isang babae.

Kanina lang, nanggugulo siya at paulit-ulit pang gumagawa ng eksena para magalit si Liu Ying, hindi siya nagalit. Pero ngayon na naging matino siya at maalaga sa kaibigan, masama ang loob niya?

Nasaan ang logic?

Sa kabutihang-palad, naawa sa huli si Si Ye Han at sinabihan si Xu Yi para ihatid siya pabalik.

Dahil sa hatinggabi na, ayaw ng istorbohin ni Ye Wan Wan ang old madam na natutulog na at nagpaalam nalang sa kasambahay sa kanyang pag-alis.

Sa sala, nag-aantay pa din si Qin Ruo Xi. Nang makita niya si Ye Wan Wan na pababa sa hagdan para magpaalam, nagulat siya, "Ms. Ye, aalis ka na? Gabi na, bakit hindi ka na lang matulog dito."

Nangutya si Liu Ying na nasa gilid, "Parang karapat-dapat naman siyang tumira dito sa bahay…"

Hindi natapos ni Liu Ying ang sinasabi at napaurong ng biglang nakaramdam ng may masamang tingin sa kanya. Mabilis niyang itinikom ang kanyang bibig.

Parang wala ang mga tingin sa kanya pero grabe ang kapangyarihang dala nito, para bang may malaki at mabigat na bundok ang dumagan sa kanyang dibdib.

Napayuko si Liu Ying at nanlamig ang kanyang mga pawis sa likod. Pero matapos ang takot niya, mas lalo pa itong nagalit.

Matapos umalis ni Ye Wan Wan at Xu Yi, sumulyap si Si Ye Han sa teenager, "Liu Ying, sumama ka sa 'kin."

Ikinuyom ni Liu Ying ang kanyang mga kamao, "Sige po!"

Nag-aalalang tumingin si Qin Ruo Xi sa dalawa, "Ye Han, 'wag mong sisihin si Liu Yin, 'di niya yun sinasadya, alam mo naman siya…"

"Ms. Ruo Xi, hindi mo na ako kailangang ipagtanggol!" sabi ni Liu Ying at sumunod na kay Si Ye Han sa study ng hindi na umimik muli.

avataravatar
Next chapter