6 Maging ang totoong siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Magsasalita sana siya ngunit hinarang agad ni Xu Yi ang kanyang daliri sa labi nito upang mapatahimik. Agad niyang pinagdikit ang kanyang mga kamay para magmakaawa at sinabing: "Hindi pa nakakatulog ang 9th Master sa loob ng 3 araw!"

Hindi pa siya nakakatulog sa loob ng 3 araw?

Marahil ito ba ay dahil sa kanyang pagtakas?

Sa nakaraang 2 taon, hindi pa siya sumusuko sa pagtakas. Ito na ang oras na pinakamalapit sa kanyang kalayaan--konti na lamang at makakasakay na siya sa isang overseas cruise...

Ngunit may mataas itong kapalit.

Dati, kahit na pinilit ni Si Ye Han na manatili siya sa kanyang tabi, hindi niya man ito kailan man ginalaw. Ang unang beses nila ay tatlong taon na ang nakalilipas.

Ito ang dahilan kung bakit pinaniwalaan niya na epektibo ang kanyang disguise.

At sakto noong napabuntong hininga si Xu Yi dahil sa relief, isang napakalakas na ring ng telepono ang nangibabaw sa buong living room, ginagambala ang katahimikan.

Out of his wits, natakot si Xu Yi at halos maitapon ang kanyang phone. Pinatay niya agad ito.

Ngunit huli na ang lahat.

Gumising na ang demonyo. Dahan dahang binuksan ang kanyang mga mata at walang pinapakitang bakas ng pagiging tao. Tumingin ito sa kanya na para bang may mga punyal na tatama sa kanya at namutla si Xu Yi.

Nasa state of shock din si Ye Wan Wan!

May nakapangingilabot na galit si Si Ye Han tuwing nagigising siya. Kung siya magagambala sa kanyang pagtulog, katulad na rin ito ng katapusan ng mundo.

Natatarantang iniunat ni Ye Wan Wan ang kanyang nga kamay. Tinakpan niya ang mga mata ni Si Ye Han ng isang kamay at niyapos ang kanyang ulo sa kanyang balikat at dahan dahang hinaplos ang malalambot na buhok ng lalaki gamit ang mga daliri sa kanyang kabilang kamay.

Lumipas ang isang segundo...

Lumipas ang dalawang segundo...

Lumipas ang tatlong segundo...

Hindi gumagalaw si Si Ye Han.

Mamaya-maya pa ay dahan dahang tinanggal ni Ye Wan Wan ang kamay na nakatakip sa mata ni Si Ye Han. Nakatulog na ang lalaki ng payapa at nakatulog na nang mahimbing.

Sa wakas, dumaloy na rin ang dugo ni Xu Yi; halos kamuntikan na siyang mahimatay. Tinignan niya si Ye Wan Wan nang may pasasalamat.

Nananatili si Ye Wan Wan sa parehas na posisyon buong gabi.

Hindi na siya sigurado kung kailan siya nakatulog at noong gumising siya, umaga na. Nakahiga siya sa malaking kama sa master bedroom at walang senyales na naroon si Si Ye Han sa bahay.

Kinusot ni Ye Wan Wan ang kanyang mga mata at tumayo. Ang kanyang kamay na ginamit na pangkusot ng kanyang mata ay nadumihan ng eyeliner, pekeng eyelashes, at glitter eyeshadow.

Kahit na sino mang babae ay nanaising maging maganda at alam nilang makakasira sa balat ang pagtulog ng may makeup sa mukha. Ngunit sa nakaraang 2 taon, hindi niya kailan man sinubukang tanggalin ang kanyang makeup kahit na bago pumunta sa kama.

Sa kabaliktaran, dahil ngayong alam na niya na ang kanyang pagpapanggap ay hindi epektibo, mas nakaramdam siya ng konting kalayaan.

Maari na ulit siyang bumalik sa kanyang sarili...

Simula noong 18 siya, ang flower blossoming age ng mga dalaga, hindi pa siya nakikipagkilala sa kahit na sino nang wala ang kanyang pagpapanggap. Halos makalimutan na niya kung ano ang itsura niya ng wala ito.

Unang una ay ang malaki, madugo, at nakakatakot na mga tattoo sa kanyang katawan.

Mabuti na lamang ay takot siya sa mga sakit sa katawan kaya hindi siya nakinig sa mga payo ni Shen Meng Qi na magpalagay ng permanenteng tattoo--ang kanyang mga tattoo ay pwedeng mabura gamit ang sabon lamang.

Naghanap si Ye Wan Wan sa taas at baba at sa wakas ay may nahanap na siyang sabon sa isang kahon na puno ng iba't ibang kagamitan. Nagdala siya bg detergent, makeup remover, cotton pads at isang pack ng facial masks na ibinigay sa kanya ni Si Ye Han noon sa bathroom.

Una niyang tinanggal ang mga ear studs at ang mabibigat ba gold earrings, pagkatapos boto ay ang dog chain na nakapalibot sa kanyang leeg. Sumunod, tinanggal niya ang kanyang makeup. At panghuli, nagbuhos siya ng sabon sa bathtub at inilublob ang kanyang buong katawan..

avataravatar
Next chapter