327 Magbigay ng pagbati sa kaarawan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Nagta-trabaho sa maliit na kumpanya si Ye Shao Ting sa ngayon. Hindi nga kayang sustentohan ang sarili niya at ang babaeng anak niya ay kilala bilang pangit at mahlig raw mag-rebelde--paano siya magiging jowa ni Gu Yue Ze? 'Wag niyo munang isipin si Gu Yue Ze o ang Gu Group, kahit mabulag siya, bakit niya naman pipiliin si Ye Wan Wan?"

"Tama! Narinig ko na yan noon, pinilit ni Ye Shoa Ting na pumayag si Gu Yue Ze at ang Gu Group sa engagement nila ni Ye Wan Wan… kahit pa, mahal na ni Gu Yue Ze si Ye Yiyi noong una pa lang…"

"Kahit pa ang impormasyong ito sa hindi kilalang tao, sa tingin ko ay hindi peke ang sabi-sabi. Mataba at pangit rin si Ye Wan Wan. Kung mataba at pangit siya, sinong magtatangkang pakasalan ang tulad niya? Kung hindi sana inabuso ni Ye Shao Ting ang kapangyarihan niya para saktan ang iba at sirain ang relasyon ni Gu Yue Ze at Ye Yiyi, paano pa magkakaroon ng tsansa si Ye Wan Wan para maging fiancee ni Gu Yue Ze?"

Madami sa mga opinyon ng reporters ay nakabase lamang sa itsura ni Ye Wan Wan at sabi-sabi ng mga tao, hindi pa nila nakikita sa tunay na buhay ang itsura ni Ye Wan Wan.

Umayon ang lahat dahil pare-parehas nilang sinabi ang tunay raw na itsura ni Ye Wan Wan kaya walang pagkakaiba ang opinyon nila.

Dahil ilang beses nilang napakinggan ang tsismis na iyon, para bang naging totoo na ito kahit peke naman talaga-- ito talaga ang epekto kapag tsismis ang pinapakinggan.

Matagal na umali-aligid ang mga reporters habang paunti ng paunti ang dumarating na artista; makalipas ang ilang oras, naubos na ang dumarating na artista dahil nasa loob na sila sa makalumang bahay ng Ye family.

Gayunpaman, marami pa ring reporters ang hindi pa rin umaalis. Hindi garantisado ng kahit sino man na hindi magkakaroon ng balita habang nangyayari ang salu-salong selebrasyon ni Old Ye.

At kung makunan man nilang nagpapaka-lasing ang ilang mga artista, hindi mapupunta sa wala ng matagal nilang pag hintay para makakuha ng mainit na balita.

Makalipas ang kalahating oras, dumating na ang lahat ng dumalo sa kaarawan n Old Ye at mukha namang wala nang hinihintay na bisita.

Kinagabihan ng selebrasyon, may taxi na mabagal na dumating sa lugar na iyon. Kapuna-puna ang luma at sira-sirang taxi na nakatabi sa ilang mga magarbong mga sedan.

"Siguro nagkamali lang ng pupuntahan yun…"

Nagtaka ang mga reporters sa pagdating ng taxi--sino ang daraating na naka-taxi sa salu-salong selebrasyon ng Ye family?

Tumayo sa labas ng restricted area ang mga guwardiya ng Ye family at hininto nila ang taxi. Alam naman ng lahat na nasa pribadong ari-arian sila at hindi pinapa-pasok sa loob ang kahit sino lang.

Hininto ng nagmamaneho ang kotse niya at mukhang naiirita ang kanyang itsura pagkaharap niya sa pamilyang nakaupo sa likod.

May mga hibla ng puting buhok ang may edad na lalaki. Makikita ang bakas ng hirap sa kanyang mukha nang bigla siyang ngumiti, para bang nanghihingi siya ng tawad sa drayber, lumabas siya sa kotse pagkatapos niyang magbayad sa tsuper.

Binuksan ng gwapong binata na nakaupo sa passenger seat ang pintuan ng kotse.

"Pribadong ari-arian ito. Umalis kayo dito kung wala kayong pakay dito," walang emosyon na sinabi iyon ng ilang mga guwardiya sa pamilyang lumabas ng taxi, makikita ang pagka-inip sa mga mata ng guwardiya.

Nang pinahinto sila ng mga guwardiya, biglang namuo ang galit sa itsura ng binata. "Kilala niyo ba kung sino kami?!"

"Mu Fan, wag masyadong mainit ang ulo mo!" malumanay na pinaalalahanan ni Liang Wan Jun ang kanyang anak dahil nakita niyang nagagalit na ito.

Kumunot si Ye Wan Wan at kinaskas niya ang kanyang ngipin. Nanahimik na lang siya kahit ayaw niyang gawin ang inutos sa kanya ng kanyang nanay.

Nalungkot si Ye Shao Ting nang makita niya ang reaksyon ng kanyang anak. Naglakad siya papunta sa harap at mabait niyang sinabi, "Pakisabi sa kanila na andito si Ye Shao Ting para magbigay ng pabati sa kanyang ama."

"Ye… Ye Shao Ting?!"

Nagulat ang mga guwardiya ng marinig nila iyon.

Ilang taon rin siyang namuno sa sektor ng seguridad ng Ye family at si Ye Shao Ting rin ang leader noon ng Ye Group...

Kahit pa hindi pa niya nakita ng personal si Ye Shao Ting noon, paanong hindi siya magiging pamilyar sa pangalan niya?

"Ikaw si… Ye Shao Ting, ang young master ng Ye family?"

Gumulo ang isip ng guwardiya nang masilayan niya ang pamilyang iyon. Mukhang normal naman ang mag-asawa at kahit ang lalaki nilang anak ay maganda ang kasuotan. Kahit sino sa mga bisita na dumalo sa selbrasyon ay hindi magko-komento na hindi maganda ang pananamit ng pamilya nila.

Paano magiging kahawig ng lalaking ito ang noo'y makapangyarihan na si Ye Shao Ting...

"Pwede ko bang matanong… kung meron kang invitation card na galing sa Ye family?" sandaling nagdalawang isip muna ang guwardiya bago siya magtanong.

"Anong kalokohan ang pinagsasabi mo!" Sumigaw si Ye Mu Fan kahit hindi pa sumasagot sa tanong si Ye Shao Ting, "Bakit namin kailangan ng imbitasyon? Andito kami para sa selebrasyon ng kaarawan ni lolo!"

avataravatar
Next chapter