1144 Maganda ang mood

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Bumuntong hininga si Ye Mu Fan. "Isang oras pa lamang ang lumipas, pero ang website natin ay sumabog na sa mga insulto… naka-post na sa opisyal na Weibo Account natin na panoorin muna nila ang pelikula bago sila magkomento, pero walang kwenta pala ito."

Sumagot si Ye Wan Wan, "May fixed na silang pagkakakilala kay Gong Xu, at tayo ang kumpanya na humahawak kay Gong Xu, kaya walang kwenta ang kahit anong sasabihin natin sa kanila."

Seryoso ang tono ng pananalita ni Ye Mu Fan, "Wan Wan, medyo pangit at kinalalagyan natin. Masasabi natin na tayo ay… na-boycott. May mga kinausap akong mga partners nitong mga nakaraang araw, ngunit ayaw nila tayong maka-trabaho. May ginawa siguro ang g*gong si Ye Shao An!"

Nangako ang lolo nila Ye Mu Fan na ibibigay sa kanya ang pamana kung may maipapakita at may maipagmamalaki siyang achievements. Kaya patuloy silang siniraan at minamaliit nila Ye Shao An at Ye Yiyi sa mga panahon na ito. Ang sitwasyon nila ngayon ay puno ng panganib dahil sa pinagsamang masasamang plano ng dalawa.

Baka ipasara na nila ang kumpanya kung hindi nila malalampasan ang problemang ito.

Sumagot si Ye Wan Wan, "Huwag ka masyadong mag-alala. Hindi ba't na-nominate sila Luo Chen at Gong Xu?"

Hindi naiwasan ni Ye Mu Fan na ma-irita dahil ganito na ang kinalabasan ng mga pangyayari. Galit siyang sumagot, "Ano naman kung na-nominate sila?! Walang kwenta ang lahat kung hindi tayo mananalo! Ang lahat ng funds natin ay napunta sa pelikulang ito. Tapos na ang kumpanya natin kung wala tayong kikitain!"

Marami siyang tinawagan nitong mga nakaraang araw dahil naghahanap siya ng tulong sa iba't ibang tao, ngunit hindi namunga ng prutas ang hirap niya.

Kinausap niya rin si Hou Chong Liang, ang director ng Date with a Superstar at tinanong niya ito kung pwede niyang ilagay sa ere ang 10 minuto ng screen time ng dalawa, sa susunod ng episode. Pero sinabihan niya na na-delete na ang footage na iyon.

Nagtanong si Ye Wan Wan, "Brother Ye, naniniwala ka ba sa akin?"

"Oo naman…"

"Huwag kang susuko hanggang sa huling segundo, okay lang?"

Ang boses ni Ye Wan Wan ay umagos sa kanyang puso, tulad ng malamig na sapa, pinakalma nito ang kanyang damdamin. "Pasensya na, Wan Wan, naging malupit ako. Bata pa tayo. Ano naman kung nabigo tayo? Ang pinakamalalang mangyayari ay ang magsisimula ulit tayo sa umpisa!"

"Ayan ang tamang mindset!" Natuwa si Ye Wan Wan.

Kumalma na si Ye Mu Fan pagkatapos siyang kausapin ni Ye Wan Wan. "Tama. Gusto nga pala tayong papuntahin ni Lolo sa hapunan bukas."

"Okay, sige. Makakapunta ako kung makakabalik tayo bukas ng umaga."

Kinabukasan sa lumang residensya ng Ye family:

Natatawang nagsalita si Liang Mei Xuan nang makita niya si Ye Mu Fan, "Bumalik na pala ang panganay na Young Master namin! Mukhang good mood ka huh? Nabalitaan ko na nakapasok sa Golden Orchid Awards ang pelikula niyo? Congratulations!"

Mapangasar ang tono ng pananalita ni Liang Mei Xuan kahit na kino-congratulate sila nito.

Nakapasok man sila sa finalist ng listahan, ngunit hindi nila alam na participants lang sila sa race? At tsaka, pinapalibutan pa sila ng mga insulto, at malaking kasiraan ang box office performance nila.

Malaking kabiguan ang unang pelikula ni Ye Mu Fan. Binagay ito ng titulo niya bilang walang kwentang mangmang.

Naubos na ang pagka-irita ni Ye Mu Fan pagkatapos siyang kausapin kanina ni Ye Wan Wan, kaya ngumiti na lamang siya, "Masyado kang mabait, Second Aunt. Mabuti na lang ang good mood ako. Wala pang nakakakuha ng dobleng Best Actor sa Golden Orchid Awards. Matagal na ang kumpanyang Emperor Sky at Worldwide pero hindi pa rin nila nakukuha ito. Kapag nakuha ng mga artista ko ang dobleng Best Actor Award, alam ko na baka magkaroon ng malaking bagyo sa entertainment industry at mag-iiwan ito ng marka sa film history. Katiting lang ang box office kung ikukumpara ito dito…"

Suminghal si Liang Mei Xuan nang marinig niya iyon. "Ano? Dobleng Best Actor? Naisip lang ng committee na maayos ang istorya ng script na ninakaw mo sa Emperor Sky. Galante na nga sila dahil pinaabot pa kayo sa finals bilang consolation lang. Gusto mo talagang mapanalunan ang dobleng Best Actor? Nababaliw ka na yata! Ang yabang mo talaga!"

avataravatar
Next chapter