249 Maganda ang araw kapag hindi nagseselos si master

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"...", ang naging reaksyon ni Si Ye Han sa nakakabighaning ideya ni Ye Wan Wan.

Tumalon si Ye Wan Wan at sinubukan niyang ibenta ang kanyang ideya, "Hindi ba ito ang pinakaligtas na paraan? Hindi na problema sayo ang pagaakit ko ng ibang lalaki!"

Nagkakaroon ito ng kabuluhan kapag lalong iniisip niya itong iniisip. Malaking gulo ang madudulot ng itsura ni Ye Wan Wan at panggulo ito sa isang babae na tulad niya kapag papasok siya sa entertainment industry. Magiging madali ang pagpasok niya sa trabaho kapag naging lalaki siya at maganda siguro ang idudulot ng itsura niya dahil on-trend ang magagandang lalaki.

Sumuporta ang kamay ni Si Ye Han sa kanyang ulo at biglang nag-iba ang pagtingin niya. Hindi masabi ni Ye Wan Wan kung sumang-ayon ba siya o hindi.

Mas makabuluhan ang sinabi ng abnormal na ito pero nararamdaman ko na may mali sa sinasabi niya...

Malambing na bumulong si Ye Wan Wan, "Sinusubukan ni Wan Wan ang pinaka, pinaka, pinaka best niya para sundin ang rules mo…"

Pagkasalita ni Ye Wan Wan, lumapit si Xu Yi galing sa kusina para sabihin sa kanilang handa na ang hapunan.

Sinubukan ni Ye Wan Wan na gawing kakampi si Xu Yi nang makita niya ito. Nagpapalapit siyang kumaway, "Housekeeper Xu, housekeeper Xu! Dali, lapit ka dito! Kailangan ko ang opinyon mo!"

"Ako?" Tiningnan muna ni Xu Yi ang kanyang master bago lumapit siya ng nagtataka.

Mabilis na sinabi ni Ye Wan Wan, "Summer ngayon pero malapit na akong pumasok sa unibersidad. Binasa ko na ang mga syllabus at syempre itutuon ako ang lahat ng aking lakas sa magiging trabaho ko, pero sa ang mukha ko ay walang…*ubo* walang maidudulot itong maayos sa ating pamilya...

"May naisip akong ideya para makaiwas sa gulo, naisip kong magdamit at magkunwaring lalaki; ano sa tingin mo? Hindi ba ang ganda?"

Habang nagsasalita, pasikretong tumango si Ye Wan kay Xu Yi na pinapahiwatig niya na nasa iisang team sila.

"Magdamit… lalaki…?!" Naisip ni Xu Yi na baka may malaking butas sa utak si Ye Wan Wan.

Kapag nagkunwaring lalaki si Ye Wan Wan, edi wala nang lalaki ang mangugulo sa kanya?

Kapag hindi nagseselos si master, naniniwala akong gaganda ang panahon!

Pinagisipan ito ng mabuti ni Xu Yi at kanyang naisip na ito ay magandang ideya, sumagot siya at sinabi, "Magiging madali kapag naging lalaki ka at siguradong mas ligtas ka."

Nagulat si Ye Wan Wan sa sagot ni Xu Yi, "Tingnan mo baby, sumang-ayon sakin si housekeeper Xu Yi!"

Pagkatapos magsalita ni Ye Wan Wan, binuksan niya ang isang webpage sa kanyang phone at ipinakita kay Si Ye Han. "Baby, kailangan ko nang magtrabaho para magka pera ako… tingnan mo… Nakapili na ako ng props para sa future…"

Ang link ay napunta sa bilihan ng… earings na diamond.. At makinang… at sexy na handcuffs..

Si Ye Han: "Sige."

Sa wakas, naisaayos na ang kasunduan nila.Sumigaw si Ye Wan Wan sa sobrang tuwa sabay hinalikan niya si Si Ye Han.

Makalipas ang ilang taon, madalas na katanungan ng mga tao sa matalino at maparaan, ang pinakamagaling na master sa buong henerasyon ng Si family, na si Si Ye Han kung ano ang pinakamaling desisyon na ginawa niya sa kanyang buong buhay.

At sa bawat pagkakataon na tinatanong siya ng ganito, bumabalik siya sa araw na ito...

Pinakita ng isang lalaking housekeeper ang kanyang lungkot dahil natandaan niya ang epekto ng desisyong ito sa kanyang buhay.

Tumungo si Ye Wan Wan sa susunod na plano pagkatapos niyang lampasan niyang malaking balakid.

Nagkunware siyang reporter at in-add niya sa WeChat at QQ ang tatay ng batang babae na si Zhao Da Yong. Binasa niya ang bawat detalye sa profile ng tatay at inalam niya rin ang mga kaibigan ni Zhao Da Yong. Inalam niya ang address at lahat ng mail na si-ne-send nito sa ibat-ibang accounts. Gamit ang kanyang pagmemorya, tinandaan niya ang lahat ng impormasyon at nakuha ang lahat ng kailangan niyang malaman.

avataravatar
Next chapter