946 Magaling si mommy

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Madiing napalunok si Nameless Nie. Gulat niyang initigan ang masunurin, kaQaibig-ibig, matino, masigla, mapag-alaga, malambing at maliit na anghel sa harap niya.

"Ano… ninuno… ayos ka lang ba? Anong ginawa sa 'yo? 'Wag mo akong takutin!"

Nakasuot ng mabalahibong maliit na tigre na one-piece pajamas at hawak ang laylayan ng damit ng kanyang nanay. Walang bahala niyang sinabi, "Ganito na ako noon. May problema ka doon, tito?"

Nameless Nie: "…"

Ano?

Pakiramdam ni Nameless Nie na mababaliw na siya sa larong ito. Hindi pwede! Paano nangyari 'yon? Halata namang…"

May sumabad kay Nameless Nie bago pa siya matapos...

Spray of Flowers: "Tama 'yon!"

Deboto: "Ganoon nga!"

Dayuhan na laryo: "Matagal na siyang ganyan!"

Spray of Flowers: "Lagi siya naging masunurin, cute at matino!"

Deboto: "At masigla, mapag-alaga, malambing at matamis magsalita!"

Dayuhan na laryo: "Maliit siyang anghel!"

Iceberg man: "…"

Nameless Nie: "...!!!" F*ck! Mga g*gong 'to! Nilalaglag na naman nila ako!

Naging marilag si Ye Wan Wan nang marinig iyon. "Iyon nga ang sabi ko! Maliit na anghel si Tangtang!"

Bahagyang nagliwanag ang madilim at malinaw na mga mata ni Nie Tangxiao nang marinig iyon.

Sa sala:

Nakaupo si Nie Tangxiao sa sofa habang nagsiksikan naman sila Nameless Nie at ng iba sa salungat na upuan. Maayos silang nakahilerang nakaupo nang nakadiretso ang kanilang likod.

Tinignan ni Ye Wan Wan ang bata at marahang sinabi, "Baby, aliwin mo ang tito at mga kasama niya, ayos ba. Maghahanda lang ng tsaa si mommy ah!"

"Sige, mommy!" masunuring tumango ang batang lalaki. Nang tumango siya, sabay na umalog ang mga tenga sa kanyang hoodie - sobrang cute niya ay hindi na nakakayanan pa ng limang nakaupo sa salungat na sofa.

Pumunta si Ye Wan Wan sa kusina para maghanda ng prutas at inumin. Sinadya niyang iwanan sila para makapag-usap ang magtito.

Sa sandaling tumalikod si Ye Wan Wan at umalis, sinubukang abutin ng lima gamit ang kanilang braso ang papaalis na tao...

Hoy, huwag kang umalis--

Tulad ng inaasahan, sa sandaling umalis si Ye Wan Wan, natahimik ang sala at nag-umpisa nang magbago ang hangin na nakapalibot sa kanila.

Suot pa din ni Nie Tangxiao ang cute na damit, pero nang wala na si Ye Wan Wan, mabilis na nagbago ang aura ng bata.

Matapos ang parang mahabang sandali, marahang umubo si Nameless Nie at inumpisahan ang usapan. "Baby, kamusta sa nagdaang dalawang araw? Anong tingin mo sa mama mo?"

Hindi maiwasang matakot ni Nameless Nie at hindi sigurado kung pumalpak si Ye Wan Wan...

Tumingin si Nie Tangxiao sa kanyang tito at sabi, "Maging maingat ka sa pagsasalita mo."

Nakaramdam ng ginaw si Nameless Nie sa kanyang likod at agad na iniba ang kanyang mga salita, "Oh oh… young master tangtang, kamusta ka sa nagdaang dalawang araw? Anong tingin mo sa mama mo?"

Naaawang tinignan ni Spray of Flowers ang kanyang master. Sobrang tapang ni captain, huh. Talagang may lakas siiya ng loob na tawagin ang bata na "baby"!

Nagkatinginan ang deboto at Little Sweetie: "..." totoo nga, ang maliit na demonyo ay maliit na demonyo pa din! Walang duda!

Nie Tangxiao: "Magaling si mommy."

Nang marinig iyon ni Nameless Nie, nagulat siya. Bihira lang na ang maselan na matulis na dilang master ay inaatasan ang isang tao at sasabihin na "magaling" sila.

Sa totoo lang, masasabi niyang gusto ng maliit na demonyo si Ye Wan Wan.

Hindi niya inaasahan na ang taong kinuha niya para magpanggap bilang nanay ng maliit na demonyo ay magugustuhan niya.

Ibig sabihin nito naresolba na ang krisis sa ngayon, tama?

Pero may isa pang napaka-importanteng bagay...

Naging maingat si Nameless Nie sa mga salita niya at balisang nagtanong, "Edi nakilala mo na ba ang papa mo?"

avataravatar
Next chapter