317 Magaling magtago

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ilang araw ang lumipas.

Ganoon pa rin si Luo Chen, inuuwi ang pagod niyang katawan sa kanyang bahay..

Panis na amoy ang bumabalot sa luma at masikip niyang nire-rentahan na apartment. Kahit ang mga puting pintura nito ay tumutuklap na.

Lumipas ang dalawang linggo sa isang kurap lang. Wala nang isinaayos na gawain si Ye Bai kay Luo Chen maliban sa mga sesyon niya sa pag-eensayo sa martial arts--walang publicity, walang assignments, wala ring casting. Umalis na sa mga kakaibang trabaho si Zhou Wen Bin para araw-araw niyang mapuntahan ang kanyang pag-eensayo.

Pataas ng pataas ang biling ng nanay niya sa ospital. Hindi na tatagal ang natanggap niya noong 10,000 yuan kung kasalukuyan na wala siyang pinagkakakitaan...

Pagkatapos maligo ni Luo Chen, magulo ang isip niya nang binuksan niya ang telebisyon.

Umilaw-ilaw muna ng matagal ang telebisyon bago lumabas ang mga imahe sa screen.

May entertainment na balita ang lumabas habang may trailer na pinapalabas.

Nagulat si Luo Chen nang makita niya ang trailer sa screen.

Trailer ito ng "Terrifying Dragon"...

Mahinhin na gumagalaw ang bida na si Ling Shao Zhe sa trailer na iyon. Tunay na nakakaakit ang kanyang magandang mukha.

Kahit kasabwat lang ng bida ang role ni Luo Chen sa palabas, maraming naakit sa kanyang role at kasing sikat niya rin ang bida. Halos kahati niya si Ling Shao Zhe sa limelight, at medyo nahihigitan niya ito ng kaunti.

Ngunit ngayon, makalipas ang tatlong taon, pumirma si Ling Shao Zhe ng kontrata sa Emperor Sky at nasa ilalim siya ng Ye Group. Kasalukuyan na katumbas niya ang estado ni Han Xian Yu sa industriya bilang isang menor ng manager ng Emperor Sky.

At si Luo Chen...

Bakas ang lungkot sa kanyang mukha habang nakatingin siya sa kumukurap-kurap na telebisyon.

May malungkot na boses ng babaeng host ang nagsasalita galing sa telebisyon, "Noong tatlong araw na nakalipas, ang isang sikat na manunulat ng martial arts, si Mr. Lin Zong, ay binwian na ng buhay sa edad na 83. Nakikiramay ang mundo ng literatura at entertainment sa pagkawala niya…"

Nagulat si Luo Chen sa narinig niyang pahayag.

Namatay na si old Mr, Lin Zong...

Naging abala siya asa pag-eensayo ng martial arts para hindi niya mapansin ang mga nangangasar at mga nakapan-liliit na mga salita ng mga taong nakapalibot sa kanya; hindi na siya masyadong nakanonood ng balita.

Nagpatuloy na magsalita ang boses sa telebisyon——

Alam naman ng nakakarami na maraming sinulat na klasikong martial arts na libro si Lin Zong, isa sa mga sumikat ay ang isinulat niyang "Terrifying Dragon". Noong tatlong taon na lumipas, sikat sa buong China ang "Terrifying Dragon" at ang lahat ng mga aktor na umarte dito ay mabilis na sumikat at hanggang ngayon ay nasa showbiz pa rin. Syempre, ang bidang lalaki na gumanap bilang Yun Hai sa "Terrifying Dragon" ay mabilis na sumikat ng isang gabi lang at ayong sa mga reports, meron siyang role sa panibagong palabas ni director Jiang.

Sumunod sa mahabang pananalita ng babae ang pagpapakilala niya kay Ling Shao Zhe at sa ibang mga artista sa palabas na iyon.

Para kay Luo Chen… ang kumuha ng atensyon niya sa mahabang sinabi ng babae ay "wala na siya sa showbiz pagkatapos ng "Terrifying Dragon" at wala na ring balita tungkol sa kanya…"

Sa oras na iyon, may pamilyar pero nakakapanibagong mukha ang lumabas sa sa malaking screen na nasa likod ng babaeng host.

Lumabas sa screen ang gwapong binata na walang bahid ng kapangitan tulad ng isang painting ang nakikipaglaban sa kalangitan, kasama ang bida na si Yun Hai, mabilis at masigasig silang gumagalaw sa ere.

Si Lin Luo Chen iyon...

Ako yan...

Tulala pa rin siya nang biglang, nag-ring ang kanyang phone, kaya nagambala ang kanyang iniisip.Umiling ang ulo ni Luo Chen habang tinatago niya ang nalilito niyang kaisipan, kinuha niya ang phone at sinabi, "Hello?"

Nagulat si Luo Chen nang makita niya ang pangalan ng tumatawag sa kanya.

Ang taong tumatawag sa kanya ay isang artista na nakasabayan niya sa unang debut. Hindi man nagsimula ng maayos tulad niya ang artistang ito, kinaya ng artista na umunlad hanggang sa hindi na sila nakakapag-usap.

Bakit kaya siya biglang tumawag?

Kinuha ni Luo Chen ang phone niya para sagutin ang tawag, may masayang boses ang mabilis na sumalubong sa kanya, "Ang galing mo, Luo Chen! Mabuti yan para sa iyo! Hindi ko alam na magaling ka palang magtago!"

Kumunot si Luo Chen dahil nalilito siya sa kanyang narinig. "Ano?"

avataravatar
Next chapter