542 Mag-usap tayo kapag nakapagbihis ka na

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kinagabihan, dumalo si Ye Wan Wan sa Golden Orchid Award Ceremony. Matapos ang kanyang training, inalis niya ang kanyang activewear at nagpalit sa panlalaking damit.

Sa master bedroom, kakatapos lang ng acupuncture therapy session ni Si Ye Han. Sa kanyang hubad na itaas ng parte ng katawan niya, madaming mga maliit na mga pasa na gawa ng mga karayom.

May kaunting phobia si Ye Wan Wan sa mga karayom, kaya sa tuwing gagawin ni Si Ye Han ang kanyang acupuncture therapy, umaalis si Ye Wan Wan.

"Masakit ba?" tanong ni Ye Wan Wan at umupo sa tabi niya.

Binutones ni Si Ye Han ang kanyang damit at kalmadong sumagot, "Ayos lang ako."

Napakunot ng mga kilay si Ye Wan Wan. "Bakit hindi… na lang kita samahan sa susunod?"

Sumulyap si Si Ye Han sa kanya at sabing, "Hindi na kailangan. Aalagan pa kita kapag nahimatay ka."

"..." hindi makaimik si Ye Wan Wan. Robot nga talaga siya.

"Oo nga pala…" may naalala si Ye Wan Wan at biglang naging seryoso ang itsura niya. "Si Ye Han, may importante akong sasabihin sa 'yo."

Sumagot si Si Ye Han habang binubutones niya pa din ang kanyang damit: "Ano?"

Tinignan ni Ye Wan Wan ang pagbutones ni Si Ye Han sa damit niya, na nakalantad ang ibang parte ng dibdib niya at biglang natigil: "Uh…"

Mapaghinalang tinignan siya ni Si Ye Han at inantay na magpatuloy siya.

Napahawak sa noo si Ye Wan Wan at kinumpas ang kamay niya. "Eh… mag-usap na lang tayo kapag nakabihis na. Nakalumitan ko na kung ano sasabihin ko…"

Nagulat ang lalaki nung una at isang mahinhin na ngiti ang lumitaw sa mukha niya.

Maya-maya, nang matapos na siyang makapagbutones, sabi niya, "Sige, ano na yung gusto mong sabihin?"

Nang makita na nakabihis na si Si Ye Han, nasiyahan na si Ye Wan Wan at naalala na ang nais na sabihin.

Napaisib saglit si Ye Wan Wan at sabi, "Si Ye Han, bigla kong napagtanto na baka kung fu master ako!"

Si Ye Han: "..."

Nataranta si Ye Wan Wan nang walang reaksyon na nanggaling kay Si Ye Han. "Ano, hindi ka naniniwala sa 'kin? Pumunta ako sa training grounds kasama si Eleven ngayon at tinuruan ako ng ilang technique sa wrestling. Sa huli, napatumba ko si Eleven! Gusto pa nga ni Eleven na maging disipulo ko siya!"

"Pumayag ka?" tanong ni Si Ye Han habang bahagyang nandilim ang mga mata niya.

Walang magawa si Ye Wan Wan. "Oh, sa una, akala ko na kalokohan lang 'to at hindi ko talaga siya tatanggapin bilang disipulo ko - bakit naman magiging disipulo ko ang trainer ko? Ganun pa man, mapilit si Eleven at akala niya na minamaliit ko yung kakayahan niya. Wala na 'kong nagawa kundi pumayag. Bukod kay Eleven, may isa pang bodyguard na nauutal…"

Nagsalita si Ye Wan Wan at matamlay na nakunot ng mga kilay. "Sa totoo lang… hindi ako sigurado kung kailan ito nagsimula… Ngayon, sobrang mapag-unawa ako at mas may kakayahan pa kaysa sa mga ordinaryong tao, para bang may ganitong kakayahan na ako sa loob ko simula pa lang. Kunware, sa martial arts at pag-arte… madali ko lang siya nagawa; hindi ako nag-aaral sa mga ganito pero nakuha ko sila dahil sa kailangan ko. Parang… kakaiba talaga…."

Tumingin si Si Ye Han sa naguguluhang itsura niya at marahang hinaplos ang buhok niya gamit ang malaking palad nito. "Hindi 'yon kakaiba, gifted ka lang."

Para bang nag-alala ito na hindi maniniwala si Ye Wan Wan, kaya naman dagdag ni Si Ye Han: "Ganoon din naman ako."

Sa sandaling nahawakan na ng malaking palad ni Si Ye Han ang kanyang ulo, biglang lumuwag ang pakiramdam ni Ye Wan Wan, pero nang marinig niya ang sinabi ni Si Ye Han, hindi siya makaimik: "..."

Baby, seryoso ka ba?

Ako? Gifted?

Marahang umubo si Ye Wan Wan. "Sige, naniniwala ako sa huling apat na salitang sinabi mo."

Gifted si Si Ye Han, sigurado 'yon. Pero para sa 'kin, bakit naman magiging kalebel ko ang matalinong tulad ni Si Ye Han...

avataravatar
Next chapter