108 Mag team up tayo!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

niya noong una si Fang Qin gumawa ng post, o di kaya kung sino pang iba. Di niya inakala na si Ye Wan Wan ang taong iyon!

Yung post na iyon ay dumedepensa para sa kanya, tinulungan siyang i-tama ang kamalian niya. Di inaasahang… di talaga inaasahang ginawa ito ng taong inaakala niyang kaaway, Ye Wan Wan?

Paano nangyari iyon...

"Hindi ba bestfriend mo si Shen Meng Qi? Ba't mo ginawa yun?" nagulat na tinanong ni Jiang Yan Ran.

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan at tinignan sya. "Ehem... Best Friend? Bestfriend mo din yun! Di ako tulad mo-- nagpapaka-tanga na di mo alam niloloko ka na pala kailangan pang may magsabi sayo.

Sa katunayan, nakonsensya si Ye Wan Wan sa sinabi niya. Siya rin naman ang nagpaka-tanga ng buong buhay niya bago gumana ulit ang utak niya.

"Ikaw…" na-realize ni Jiang Yan Ran na komplikado ang babaeng nasa harapan niya, di niya ito maintindihan.

Di kaya, Sinadya ni Ye Wan Wan na di sabihin ang mga salitang iyon, pero sinabi niya talaga iyon upang malaman ng lahat?

Di kaya, niloko ni Shen Meng Qi si Ye Wan Wan noong nalaman niya at doon nagbago ang kanyang ugali?

Habang iniisip niya ito ng iniisip, nagiging makakatotohanan ito. Natandaan niya rin kung paano natanggal si Ye Wan Wan sa grupo dahil aksidenteng isiniwalat ni Shen Meng Qi na may sugar daddy si Ye Wan Wan sa labas ng paaralan at mayroon itong magulong buhay. Nasabi niya rin na may nakakahawang sakit na nakuha dito si Ye Wan Wan.

Kung iisipin noon, at sa karakter ni Shen Meng Qi, ang katunayan ng lahat ng sinabi niya ay nakakapag-taka!

Sa kabila ng nagulat na itsura ni Jiang Yan Ran, alam ni Ye Wan Wan na matalino siya na maintindihan ang nangyayari. Kaya naman lumihis ang itsura nito at sinabing,

"Big Missy Jiang, gusto mo bang mahalin ka ng sobra ni Song Zi Hang? Isiwalat ang totoong kulay ni Shen Meng Qi sa harap ng lahat para masira ang tingin sa kanya? Gusto mong bang makita ni Song Zi Hang ang totoong kulay ni Shen Meng Qi at magsisi siya na di ikaw ang pinili niya?"

Kahit na nakikinig lamang si Jiang Yan Ran, ang mga mata niya'y lumiliwanag sa mga salitang binibitiw ni Ye Wan Wan. Halata sa itsura niya na tumanim sa puso niya ang mga salitang ito.

Pagkatapos ng kanyang pananalita, kumindat siya at sinabing, "Mag team up tayo!"

Nabigla si Jiang Yan Ran at alinlangan niyang sinabi, "Team up? Ba't naman ako maniniwala sa iyo? At bakit ako mag team up sa iyo?"

Napaisip naman si Ye Wan Wan, "Dahil maganda ako?"

"..." Nainis si Jiang Yan Ran sa kalokohan ni Ye Wan Wan.

"Dahil meron tayong parehas ang kalaban natin, di ba sapat na rason iyon?" Seryosong sinambit ni Ye Wan Wan.

Dahil sa pagbabawal ni Si Ye Han, marami siyang di pwedeng gawin. Di niya nga naisip na umalis na lamang ng paaralan kaya kailangan niya talaga ng kaakibat sa plano niya.

Matagal bago makapag-desisyon si Jiang Yan Ran, sinabi niya, "Pwede ko bang matanong kung bakit? Bakit bigla ka na lang tumataliwas kay Shen Meng Qi?"

Di mapigilan ngumiti ni Ye Wan Wan, "Nagkataon na tulad mo, nilandi niya ang boyfriend ko!"

"Boyfriend mo…" Nagulat si Jiang Yan Ran,dahil di nito inakalang may boyfriend si Ye Wanwan.

O di kaya pareho lamang siya ni Ye Wanwan na may secret crush sa lalaki!

Sa lahat ng ito, iniintindi pa din siya ni Jiang Yan Ran.

Kaya ba sinabi ni Ye Wan Wan ang mga nakakasakit na salita na iyon, di para hamunin ako, ngunit para di ko masyadong seryosohin ang mga bagay bagay?

Gayundin, kahit na mas naliwanagan siya kung sino si Ye Wan wan, niloko pa din kasi siya at hindi na madaling magtiwala si Jiang Yan Ran, pa balang niya sinabi, "Huwag mong isipin na dahil sa mga sinasabi mo at nagtitiwala ako--mag kalaban pa rin tayo!"

avataravatar
Next chapter