1073 Mag-iwan ng mukhang maihaharap

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Dali-daling lumapit si Ye Mu Fan at biglang siyang suminghal kay Liang Mei Xuan. "Ikaw ang naglagay nito dito! Pasadya mong pinagbibintangan si Ye Wan Wan!"

Makikita ang poot sa mukha ni Ye Yiyi. "Paano mo nasabi iyon, Mu Fan…"

Puno ng paglalait ang mukha ni Liang Mei Xuan. "Yiyi, tingnan mo ito! Tingnan mo kung paano mo sila pinagtatanggol noon pa man! Ngunit sa huli, hindi lang nila ninakaw ang singsing mo, ayaw pa nilang aminin na ginawa nila iyon at tayo pa kamo ang sinisisi nila!"

Puno ng kahihiyan at pandidiri ang tingin ng mga bisita kayla Ye Wan Wan at Ye Mu Fan.

Ang pangit rin ng itsura ni Ye Hong Wei at Tan Yi Lan. Mapapatawad pa ito kung maliit na bagay lang ang problema. Gayunpaman, Hindi lang simpleng pagnanakaw ang ginawa ni Ye Wan Wan, ang ninakawan niya ay ang sariling pamilya niya mismo.

Tuwang-tuwa si Liang Shi Han nang makita niya ang singsing sa handbag ni Ye Wan Wan, kaya sinabi niya, "Sabi na eh! Sinabi ko naman sayo na ninakaw niya iyon! Sino ba dito ang gagawa ng mababaw at malungkot na bagay kung hindi siya?!"

Sabi ni Ye Yiyi, "Pamilya tayo, hayaan na natin ang mga bagay na ito…"

"Pamilya?" Suminghal si Liang Mei Xuan. "Paano naman siya naging karapat-dapat na maging parte ng Ye family? Hindi ko alam kung anong kasalanan ang ginawa ng Ye family pero bakit nila nila pinalaki ang tulad ni Ye Wan Wan!"

Tiningnan ni Ye Wan Wan si Liang Mei Xuan at walang anuman niyang sinabi, "Second Aunt, maging maingat ka sa karma lalo na sa mga sinasabi mo. Huwag mong palalain ang sitwasyon."

"Ano? Saan mo nakuha ang kapal ng mukha mo na sabihin ang mga ganyang bagay? Bakit hindi mo naisip kung gaano ka-pangit ito sa imahe mo kapag natuklasan ng lahat na magnanakaw ka pala?!" Pinagduduro at galit na galit si Liang Mei Xuan.

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan. "Gusto ko sanang respetuhin ka ng kaunti pa dahil pamilya naman tayo…"

"Ye Wan Wan, ninakaw mo ang singsing ni Ye Yiyi! Bakit ang lakas pa ng loob mo? Bakit ang sama at wala kang respeto sa mga nakakatanda sayo?! Huwag ka nang maging mabait, Ye Yiyi. Makikita na ang pruweba sa harapan natin, pero ayaw niya pa ring aminin! Tawagin natin ang pulis dahil ganito pala siya!" Mayabang na sinigaw ni Liang Shi Han.

Natural lang na gusto pang magsalita pa ni Liang Mei Xuan, kaya sinundan niya ang sinabi ni Liang Shi Han at sinabi, "Ye Wan Wan, hahayaan na sana namin ang insidenteng ito kung sana naghingi ka ng tawad ng maayos. Gayunpaman, dahil ayaw mong aminin ang pagkakamali mo, huwag mo akong sisihin kung mas pipiliin ko ang legal na pamamaraan! Hindi dapat magkaroon ng magnanakaw na tulad mo ang Ye family!"

"Sinong tinatawag mong magnanakaw?!" Nagwala na si Ye Mu Fan dahil hindi na siya makapagtimpi. Ngayon lang siya nagalit ng ganito at para bang siya ang iniinsulto.

"Tsk tsk tsk, ang anak na babae na isang magnanakaw at ang anak na lalaki na madaling magalit. Paano ba pinalaki ang mga ito…"

Nag-iba ang itsura ni Ye Hong Wei at Tan Yi Lan nang marinig nila ang namumuong mga mapapangit na komento ng kanilang mga bisita.

"Sige! Tawagin natin ang pulis," biglang sumabad si Ye Wan Wan.

Nagulat si Ye Wan Wan. "Anong sinasabi mo, Wan Wan?"

"Ayoko sanang palalain ang problema dahil pamilya naman tayo." Tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan bago siya magpatuloy, "Gayunpaman, hindi lang ninakaw ng mga taong ito ang singsing ko, hindi pa sila nagpakita ng pagsisisi sa ginawa nila. Ako pa ang pinagbibintangan nila. Wala akong magagawa kundi hayaan ang pulis sa insidenteng ito!"

Nabigla at nanahimik ang lahat nang marinig nila ang sinabi ni Ye Wan Wan. Nagtinginan nang gulong-gulo ang mga bisita.

"Ano?!" 

"Ninakaw ang singsing niya?"

"Nananaginip yata siya? Hindi ba't engagement ring ito ni Ye Yiyi? Paano naging sa kanya iyon? Hindi kaya't nabaliw na siya kaya hindi niya matanggap ang katotohanan dahil nadiskubre na ang ginawa niya…"

avataravatar
Next chapter