310 Mag-isang nag-iingay

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malaki ang epekto ng sariling kapurihan sa entertainment industry--kahit matagal ka nang nag-debut ng una mong movie, kulelat ka kapag hindi ka na sikat pagkatapos nun; tulad ng langgam, tatapakan ka ng kahit sino.

Pamilyar si Luo Chen sa ranggo niya sa nakalipas na tatlong taon. Nung una, sinubukan niya pang magrebelde at lumaban para sa sarili niya. Pero habang tumatagal, nawalan na siya ng gana dahil sa pangangasar sa kanya.

Tiningnan ni Lin Hao ang naging emosyon ng kawawang artista at naitindihan niya ang pinaparating nito. Kinalabit niya ang kanyang braso kay Luo Chen at sinabi, "Pasensya na pero pwede ka nang umalis, magsisimula na kaming mag-shooting. Wag mo kaming istorbohin dito!"

Sa ugali noon ni Luo Chen, siguro umalis na lang siya sa lugar na iyon, pero nang matandaan niya ang sinabi ng kanyang manager kagabi, bigla siyang napahinto.

Ang kawawang artista ay pabalang na nagsalita, "Hindi mo ba naiintindihan ang salita ng normal na tao? Ngayon lang ako nakakita ng walang hiya. Nabaliw ka na ba sa kakahabol ng pangarap mong sumikat lolo? Hindi ka na ba masaya sa sumipsip ka sa mga nakatataas? Bakit gusto mo pang umextra shooting ng para sa mga kawawang artista na tulad namin?"

Napansin ng cameraman ang kaguluhan sa grupo nila, na-irita ito kaya sinigawan sila, "Yung mga walang gagawin dito, umalis na kayo! 'Wag niyong istorbohin ang mga tao dito!"

Nangasar ang kawawang artista, "Narinig mo iyon? Gumapang ka na pabalik sa amo mo!"

Humigpit ang kamao ni Luo Chen at tumalikod siya nang paalis na siya.

Ngunit pagkatalikod niya, may mainit na palad ang humawak sa balikat niya.

Mukhang hindi nagmamadali ang lalaking humawak sa balikat niya, nakita niya itong komportableng naglalakad at nagpakita ng nakakabahalang emosyon. "Yo, ang saya naman dito!"

Namutla ang malakas ang loob na kawawang atista nang makita niya si Ye Bai at bigla siyang napatingin kay Lin Hao.

Gayunpaman, katulad ni chairman Chu, importante rin si Ye Bai sa kumpanya.

Nandilim ang itsura ni Lin Hao habang tiningnan niya ng mabuti ang may salarin na nagpahiya sa kanya. "Great manager Ye, pwede bang tingnan mong maigi ang artista mo! 'Wag mong hayaan na mag-ingay siya dito, lalo na at mag-isa lang siya!"

Gustong tumawa ni Ye Wan Wan. Kahit ngayon niya palang nakilala si Luo Chen, alam niyang tahimik na tao ang lalaking ito, pero sinasabi ni Lin Hao na nag-iingay raw si Luo Chen.

Ngumiti si Ye Wan Wan, "Hindi importante kung paano ko tina-trato ang artistang hawak ko… mas importante kung paano ko tatanggalan ng trabaho ang isa hanggang dalawang tao na andito, 'di ba? Madali lang sa akin iyon!"

Uminit ang umaalab na apoy na nasa mata ni Lin Hao nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan, "Patatalsikin mo ako? Anong tingin mo sa sarili mo? Kinakaway mo ang balahibo ng manok bilang watawat ng kapangyarihan mo! Matiis ba talaga ang tingin mo sa sarili mo?"

Isa ako sa mga tropa ni Bin-ge! Para sa akin, hindi tatangkain ni Ye Bai na kalabanin ako.

Walang pakialam si Ye Wan Wan. Kataka-taka niyang tiningnan ang mukha na nakarami na ng plastic surgery at pagkatapos ay may tinawagan siya. "Hello? Chairman Chu?"

Ang mayabang na si Lin Hao ay biglang namutla nang makita niyang tinatawagan ni Ye Wan Wan si chairman Chu.

Patuloy na malumanay na nagsalita si Ye Wna Wna, "Haha, chairman Chu, wala naman po. May gusto lang sana akong patalsikin na tao kaya manghihingi sana ako ng permiso mo para gawin ko ito. May bobong lalaki na sinabi na nagwagayway raw ako ng balahibo ng manok, bilang sagisag ng kapangyarihan ko! Ah, ganun ba? Hindi ko na kailangan ang pahintulot mo? Pwede ko na siyang patalsikin kapag gusto ko na?"

Nanginig ang buong katawan ni Lin Hao at hindi siya mapakali nang marinig niya ang sinabi ni Ye Wan Wan.

At ang mga artista na tumulong kay Lin Hao na asarin si Luo Chen, hindi nila sinubukang mag-ingay. Sama sama silang tahimik na umalis sa likod ni Lin Hao, natatakot sila na baka makasama pa sila kapag napatalsik si Lin Hao.

avataravatar
Next chapter