webnovel

Mag-aral ng mabuti

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Qing He High School:

Ang kilalang school na may pinakamagaling na standards ng pagtuturo at may pinakamataas na matrikula sa Imperial City.

Nakapag-aral sa ibang si Ye Wan Wan at umuwi ng bansa sa edad na labing-anim. Hindi siya kumuha ng entrance exam at hindi naman talaga siya dapat nakapasok sa Qing He school.

Kaya lang naman siya nakapasok sa schoolg ito ay dahil sa tatay niya na naging chairman ng Ye Holdings nung mga panahong iyon, kaya siya nakapasok ng ganun kadali, sa madaling salita.

Apat na taon na siyang nasa hayskul, mula sa edad niyang labing-anim hanggang dalawampung taon, hindi pa rin siya nakaka-graduate.

Hindi siya nakakapasa sa klase nila dahil sa pagibig. Nahulog ang loob niya kasi kay Gu Yue Ze na matangkad at gwapo. Dumaraan ang isang araw na ang tanging iniisip niya lang siya, sinusulatan niya ng maraming love letters at maging ang mga tinuping origaming papel.

Nang dahil sa lalaking 'yun, bumabagsak siya sa klase.

Sa sikat ng araw, lalong kumintab at lumiwanag ang kanyang berdeng peluka. Tumindig si Ye Wan Wan sa harapan ng gate ng Qing He High School at tumitig sa apat na malalaking mga salita na nakapaskil "Qing He High School" nang marinig niya. Nangakao siya sa kanyang sarili--

Kahit anong mangyari, walang sinuman ang makakapagpigil pa sa pag-aaral ko ng mabuti!

Pumasok na siya sa pamilyar na school, pagpasok ay makikita na may dalawang daan na napapaligiran ng malalaki at matatandang mga puno at ng maging ang pamilyar na amoy ng mga damo. Sa taas naman makikita ang mga luma at red-tiled na mga gusali, may ispiker na nagpapatugtog ng mahimig na mga kanta at makikita ang mga maiingay na grupo ng mga estudyante dala-dala ang kanilang mga school bag habang papunta sa klase nila...

Matapos ang mabuhay muli, ito ang unang beses na naramdaman ni Ye Wan Wan ang masayang mamuhay ulit.

Habang nakatingala at nakatitig sa maasul na mga ulap, unti-unti siyang naiiyak.

Wala na siyang pakialam sa kung sa mga nakatingin at pinaguusapan siya.

Kumpara sa mga pinagdaanan niya noon sa buhay, hindi siya naaapektuhan pa ng tsismisan sa school.

"Whoa! Sino 'to! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko at parang mahihimatay ata ako sa tabi ng puno!" sabi ng isang lalaki na nagpakita sa likod ng malaking puno at bakas ang pagkagulat sa mukha niya.

"Hindi mo ba siya kilala? Si Ye Wan Wan 'yan from F class!", sigaw ng isang babae sa gilid.

"Damn! Siya si Ye Wan Wan! Totoo nga, mas okay pala ang makita siya ng personal kaysa sa marinig ang usap-usapan tungkol sa kanya."

"Hay naku, huwag mo na lang pansinin 'yang babae na 'yan porket naka-makeup at may suot na weird na damit, bagsak pa rin naman mga grado niya. Apat na taon na hindi pa rin siya nakaka-graduate. Usap-usapan na may hindi maayos ang buhay niyan, laging lumiliban sa klase para lang mangloko. Bakit hindi pa natatanggal 'yang estudyanteng katulad niya? Isa siyang malaking kahihiyan sa Qing He High!", sigaw naman ng isa pang naiinis na babae.

Isa pa sa mga estudyante ang sumali sa usapan, "Siguro hindi nilang kayang tanggalin siya! Balita ko, galing siya sa mayamang pamilya. Hindi kaya patago lang siyang nakapasok ng ganun-ganun lang sa schoolg 'to?"

"Oh please lang! Sabi ni Shen Meng Qi na nagnakaw daw ng malakig halaga ng pera 'yung tatay ni Ye Wan Wan kaya natanggal sa trabaho. Baon pa utang!", tukso pa ng babae.

"Mukhang bilang na lang ang mga araw niya dito. Nabalitaan kong kinausap na siya ng school at kinukumbinsi na magdrop out. Saka isa pa, bibisita ang top management leader natin ngayong araw at kapag nalaman niyang may estudyanteng katulad niya, siguradong masisira na reputasyon ng school!"

Ang ilan sa mga nakiusyoso ay nagpakasaya, "Sa wakas hindi na namin kapareho ng school ang babaeng katulad niya!"

Next chapter