1088 Mag-a-adopt ng bata kasi trip lang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Pagkatapos ng matagal na usapan ni Ye Wan Wan at Instructor Lei at pagkatapos niyang bigyan ng mga utos si Gong Xu, nakita ni Ye Wan Wan si Luo Chen na nakatayo sa isang gilid, kaya nilapitan niya si Luo Chen.

"Brother Ye!" Napatingin sa taas si Luo Chen nang makita niyang papalapit sa kanya si Ye Wan Wan.

"Luo Chen, wala akong kailangang alalahanin sayo kaya wala rin akong masasabi sayo. Galingan mo lang, okay?" Sabi ni Ye Wan Wan.

Nadidismaya si Luo Chen kay Ye Wan Wan dahil ang buong atensyon nito ay nakay Gong Xu na lang parati, nangako pa nga si Ye Wan Wan na magdadamit babae siya para kay Gong Xu. Ngunit biglang nawala ang pagkadismaya niya nang marinig niya ang mga salitang ito. "Opo! Pagbubutihin ko, Brother Ye!"

Mas lalong kumonti ang gawain ni Ye Wan Wan sa kanyang trabaho, pagkatapos niyang ihatid si Gong Xu at Luo Chen sa espesyal na pagsasanay. Mas lalo siyang nagkaroon ng bakanteng oras para makasama at makalaro si Tang Tang.

Siya mismo ang gustong bumisita sa Sandalwood Villa ngunit dahil sa filming, napahinntay niya ng matagal ang mag-ama niya, kaya kalahating araw lamang sila nakapaglaro bago sila umuwi sa kanilang bahay.

Nakaisip si Ye Wan Wan ng ideya para makabawi sa kanila.

Si Si Ye Han at si Tang Tang ay nasa Sandalwood Villa na. Umuwi muna si Ye Wan Wan sa Little House of Rose upang kunin ang isang bagay na pinaghandaan niya na at pagkatapos ay pumunta siya sa villa habang hawak niya ang VIP card na binigay sa kanya ni Si Ye Han.

Ayaw niyang hanapin sila kaagad pagkarating niya doon. Sa halip, pa-sikreto siyang pumunta sa kanilang kwarto habang dala niya ang kanyang bagahe.

Binuksan ni Ye Wan Wan ang kanyang bagahe nang makapasok siya sa kwarto, at naglabas siya ng isang malaking bear costume.

Sinuot ni Ye Wan Wan ang costume at mukha siyang isang dambuhalang mabait at kyut na bear habang tinitingnan niya ang sarili niya sa harap ng salamin at natutuwa naman siya sa kaniyang itsura.

Nag kyut ko naman~

Hehe, magugustuhan ito ni Tang Tang!

Sa oras na iyon, sa tabi ng sapa ng Sandalwood Villa:

Nakaupo sa ilalim ng silong ng puno si Si Ye Han habang siya nangingisda siya at si Ling Que at Xie Zhe Zhi ay nakaupo sa deck chairs sa tabi niya.

Sa malapit na kagubatan, kalaro naman ni Tang Tang ang dambuhalang puting tigre. Napakabait niya at hindi siya umiyak o nangulit.

Tiningnan ni Lin Que ang nangingisdang si Si Ye Han bago niya linigon ang bata na nakikipaglaro sa kanyang alaga. Bumuntong hininga siya at sinabi, "Hindi ba't parang may mali dito?! Nasa kasagsagan ka ng buhay mo, dapat nagsasaya ka at nag-pa-party, nakikipag-racing ng mga kotse, pero para bang pang-retiradong buhay na ang buhay mo, sinasamahan ang iyong asawa at inaalagaan ang anak mo, Ninth Brother! Pero, parang okay rin ito sa akin? Parang gusto ko tuloy magnakaw ng bata dahil trip ko lang!"

Tiningnan siya ni Xie Zhe Zhi at mapangasar nitong sinabi, "Maawa ka naman sa bata."

"G*go! Ano bang meron sa akin? Kung kaya ni 9th Brother na maging isang magaling tatay, hindi ba't kaya ko rin?" tiningnan ni Ling Que ang kanyang orasan. "Bakit wala pa rin ang babaeng iyon?"

Sumagot si Xie Zhe Zhi, "Dinala na yata ang mga artista niya sa mga sundalo para sumailalim sa isang espesyal na pagsasanay, kaya baka matagal bago siya makauwi."

Biglang maingat na napatingin si Lin Que kay SI Ye Han nang marinig niya iyon at bigla siyang patagong bumulong, "Oo nga pala, Third Xie, hindi ko kasi naiintindihan… paano iyon nagawa ng babaeng iyon? Lahat ng artistang hawak niya ay puro lalaki, pero hindi pa rin nagagalit si Ninth Brother kahit na nagsasaya siya kasama ang ibang tao sa labas?"

"Tulad noong nag-livestream noong nakaraan lang! Hindi na nagalit si Ninth Brother, nagregalo pa kamo siya ng 10 yate kay Gong Xu! Hindi ko maintindihan kung bakit nangyari ito!"

Natawa at tumaas ang kilay ni Xie Zhe Zhi. "Mahirap ba talagang maintindihan?"

Sumabad si Lin Que, "Hindi maintindihan 'di ba? Kakaiba talaga!"

Nang sinabi iyon ni Lin Que, bigla niyang napansin ng pa-sulyap ang tumatakbong brown bear na papalapit sa kanila...

Tinitigan ni Lin Que ang bear at nagulat siya. "Ano ito? Sino ang pumasok sa lugar na ito na may suot na ganyan???"

Tumigil sa harapan nila ang tao na nakasuot ng bear costume.

Napansin ni Si Ye Han ang bear sa kanyang peripheral vision kaya biglang lumayo ang tingin niya sa sapa at napunta sa naka-costume na tao...

Iniba ni Ye Wan Wan ang kanyang boses nang daanan niya si Lin Que at si Xie Zhe Zhi, masaya siyang tumalon papunta sa harapan ni Si Ye Han, "Pwede ba kitang ligawan, little big brother?"

avataravatar
Next chapter