610 Madali lang

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Assembly of Stars Entertainment:

Isang pilak na Ferrari ang humarurot at huminto sa pasukan ng gusali.

Isang lalaki na nakasuot ng mga magarang brand mula ulo hanggang paa, at nakasuot na mamahaling sunglasses, inayos niya ang kanyang sulapa habang bumababa sa kotse.

Sa sandaling tumapak siya papasok sa kumpanya, madaming mga artista at mga tauhan ang lumapit sa kanya para batiin siya.

"Magandang umaga po, head stylist He!"

"Head stylist He, sabi mo iistiluhan mo ako noon, Kailan ka ba pwede? Nag-aantay na ang lahat sa 'yo!"

"Naunang nangako si Head stylist He, pwede ba?"

Hindi na kailangan pang sabihin ang importansya ng mga grupo ng stylist sa likod ng artista. Madaming mga megastar ang may mga top-notch stylists sa likod ng kamera, kaya mas doble pa ang kapangyarihan nila.

Si He Jun Cheng ngayon ang pinakamasigasig na stylist sa entertainment industry. Napalanunan niya din ang SN Fashion Grand Ceremony annual stylist award at nakilala bilang "Godly Stylist" habang si Shen Meng Qi naman ay napurihan bilang "Fashion Guru". Hanggang sa suot ni Shen Meng Qi ang mga damit niya, mabilis siyang magiging usapan ng mga tao. Nakuha niya na din ang pabor ng ibang mga fashion brand, at nakatanggap na din ng iba't ibang pag-endorso magmula ng nagdebu siya.

Kinalansing ni He Jun Cheng ang mga susi ng Ferrari at nilublob ang mga papuri, matapos ay dumeretso na siya sa pinakataas na palapag sa kanyang personal elevator.

Sa dance studio sa pinakamataas na palapag ng kumpanya:

Tahimik na nilapitan ni He Jun Cheng ang babaeng nag-eensayo at biglang niyang niyakap mula sa likod. "Darling…"

Nagulat sa una si Shen Meng Qi at matamis na ngumiti at nagpanggap na naiinis. "Nasa opisina tayo, mag-ingat ka."

Mainip na nag-apuhap ang mga kamay ni He Jun Cheng sa katawan ng babae. "Edi hindi natin kailangan mag-ingat kapag wala tayo sa opisina, huh? Matagal na din tayo mula ng…"

Bahagyang hiningal si Shen Meng Qi. "'Wag kang magulo dyan. Mag-antay ka sa linggo."

Agad namang nagliwanag ang mga mata ni He Jun Cheng. "Sige, antayin kita sa dating lugar."

Umupo si He Jun Cheng sa sofa at nagsindi ng sigarilyo. Sinabi niya na may kadiliman ang itsura, "Oo nga pala, hindi maganda ang progreso natin sa proyekto na Splendid Light."

"Anong problema?" mabilis na tanong ni Shen Meng Qi.

"Narinig ko na sasali din ang mga Ye sa kompetensya…" sabi ni He Jun Cheng.

"Ano?"

Nangasim ang mukha ni Shen Meng Qi nang mabanggit ang mga Ye.

Naging lingkod na ang tatay niya sa mga Ye at naging kahihiyan ito sa kanya.

Maganda na din na hayop ang mga taong tumitingin lang sa mga interes - nang makita na bumubuti ang Assembly of Stars Entertainment sa dalawang taon, nagbago na ang ugali ng mga tao.

Nangalit ang mga ngipin ni Shen Meng Qi at kumisap ang kanyang mga mata. "Ano naman? Hanggang sa alam natin ang taya ng mga Ye, magiging madali na lang ang proyekto na Splendid Light!"

Tanong ni He Jun Cheng, "Paano naman natin malalaman ang ganyang klaseng impormasyon? May nilagay ka bang tao sa Ye Group?"

Marahang sabi ni Shen Meng Qi, "Sinabi mo na nauuri ito - kahit na may nilagay akong tao doon, wala pa ding paraan para makuha ang ganoong kumpindesyal na dokumento. Pero nakalimutan mo na ba na may nagtatrabaho sa kumpanya natin na galing sa mga Ye?"

"Tinutukoy mo ba si… Ye Mu Fan? Ang walang kwentang pakilero na alam lang kumain, uminom, at maging masaya? Bukod sa mga alam niyang istilo, ano pa ba ang kaya niyang gawin?" inis na sabi ni He Jun Cheng.

"Kahit na pinalayas ang buong pamilya ni Ye Mu Fan, naging young master pa din siya ng mga Ye. Hindi naman ganon ka-imposible ang pasikretong papuntahin siya doon para makatulong kumuha ng impormasyon, 'di ba?"

Hindi pa din nakukumbinsi si He Jun Cheng at bumulong, "Makikipagsapalaran ba si Ye Mu Fan? Ilegal ang magnakaw ng kumpindesyal na impormasyon…"

Hinaplos ni Shen Meng Qi ang mga na-manikyur niyang mga kuko na may aroganteng itsura. "Ano naman? Hangga't ako ang nakikiusap, siguradong gagawin niya 'yon!"

avataravatar
Next chapter