883 Mabubuhay hanggang sa malusaw ang kabaong mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Meron na ngayon...

Pagkatapos magsalita ni Si Ye Han ay nanahimik ang buong dark chamber. Wala sa mga matatanda ang nagsalita.

Sumimangot si Si Ming Rong at hindi na siya nakipagtalo pa.

Hindi umayon sa kanilang kagustuhan ang sitwasyon na ito...

Tama lang na pigilan si Si Ye Han dahil nagawa niyang sirain ang relasyon ng buong Si family para lamang sa isang hamak na babae, ngunit ang babae na ito ang nagpagaling sa kanya, at ito ay sapat nang rason dahil siya ang nagligtas ng buong family clan.

Ang ilan sa mga nakakatanda ay nagtago sa gilid at mas pinili nila na magkunwaring patay. Kahit na sobra ang aksyon ni master, wala nang pwesto para magkomento pa sila sa pagkakataon na ito.

At tsaka… sinong maglalakas loob na magkomento pa...

Tapos na siguro ang buhay ni Si Ming Li sa pagkakataon na ito...

Napagtanto ng ilang nakakatanda na suot pa rin nila ang munting bulaklak na binigay sa kanila ni Si Ming Li para sa libing, kaya mabilis nila itong tinanggal.

"Huwag mo susubukang gawin iyon, Si Ye Han!!!

Hindi makapaniwala si Si Ming Li. Hindi siya makapaniwala na magagawa ni Si Ye Han ang bagay na ito!

"Young man, huwag mong kalimutan kung sino ang sumuporta sa Si family noong namatay ang tatay mo. Ganito ang trato mo sa akin simula noong nagka-pakpak ka na, huh?!"

Hindi na nagkunwari si Si Ming Li at sumigaw na siya ng parang baliw dahil pilit siyang pinepwersa ni Si Ye Han sa huling hininga niya.

Ngumiwi ang mukha ni old madam nang marinig niya iyon.

Kampante na nagpapahinga si Si Ming Li sa karangalan na meron siya. Siya ay arogante, ambisyoso at wala nang kontrol ang mga galaw niya...

Iniisip lamang ni Ye Wan Wan ang sakit ni Si Ye Han kaya wala siyang ginawang labag sa rules, pero sinong mag-aakala na sakim pala si Si Ming Li. Basta't nakuha na niya, gusto pa niya.

Sumisigaw pa rin si Si Ming Li: "Sa akin dapat mapupunta ang Si family. Sino ka para kunin ang dapat na sa akin?! Master, walang kwenta kang master!"

Nang makita ni old madam na magulo na ang sitwasyon, sinenyasan na no old madam ang guwardiya. "Bugbugin niyo na siya."

"Opo!"

Mabilis na kinaladkad palayo si Si Ming Li at ang mga sigaw niya ay umalingawngaw sa loob ng dark chamber, "Bobo… masakit ang kamatayan mo! Tingnan natin kung gaano ka-tagal ka pa mabubuhay-"

Kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan. Pumatong siya sa dibdib ni Si Ye Han at tinitigan niya ng masama ang direksyon kung saan kinakaladkad si Si Ming Li. "Huwag mo na siyang alalahanin - mabubuhay pa yan hanggang sa malusaw ang kabaong mo!"

Kumalma na si Si Ye Han nang marinig niya ang masamang komento ni Ye Wan Wan kay Si Ye Han.

Para bang may natandaan si Ye Wan Wan ang bigla siyang nag-alala.

Tinanggal na ni Si Ye Han ang mga opisyal na tungkulin ni Si Ming Li at pinatalsik na rin siya sa family clan - katumbas nito ang pagpapalayas sa kanya sa Si family. Dahil ginawa nila ito, hindi ba't hindi na nila malalaman kung sino talaga ang mastermind?

Gayunpaman, baka ang kabaligtaran ang mangyari. Ayon nga naman sa isang kasabihan, "Tatalon sa pader ang asong na-korner." Baka maging desperado si Si Ming Li hanggang sa isiwalat niya ang mga baraha na nasa mga kamay niya...

"Ah-Jiu, dali at umalis ka na dito. Masyadong malamig dito at hindi ito maganda sa katawan mo!" Pinilit ni old madam si Si Ye Han.

Tumango si Si Ye Han. Binuhat niya si Ye Wan Wan at umalis na sila ng dark chamber.

Si Qin Ruo Xi na nakasuot ng puting bestida, ay nakatitig ng masama sa lalaking buhat-buhat si Ye Wan Wan habang siya naman ay tahimik na lumakad palayo sa kanila.

"Anong nangyari, Ruo Xi?" Tinanong siya ni Qin Feng na katawagan niya.

"Magaling na si Ah-Jiu, papa. Sinabi ng doktor na wala na ang malubhang sakit sa katawan niya."

"Ang lalaking ito… hindi tayo pwedeng maging komportable lamang sa lalaking ito! Yung bobo na si Si Ming Li ay nagta-trabaho ng maayos sa kanya. Hindi man lang siya nanalo sa mas nakakababata sa kanya!"

Dumagdag pa si Qin Feng nang matapos ang kanyang pinupunto, "Dahil maayos na ang kalagayan ni Si Ye Han ngayon, mananatili tayo sa orihinal na plano. Wala tayong ibang gagawin. Alam naman natin na isang lalaki lamang sa buong Si family ang karapat dapat na mapasayo."

avataravatar
Next chapter