582 Mabalbon si Great White

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Natalo na naman ang binansagang 'pinakamadaling amuhin na demonyo sa buong mundo' ni Ye Wan Wan.

Tiningnan niya ang babae na nababalot ng alikabok. "Masaya ka ba ngayong araw?"

"Oo, oo! Ang sarap sa pakiramdam na magbanat ng muscles! Hintayin mo ako - bihis lang ako tapos mag-shopping na tayo, dadalhan kita ng masasarap na pagkain!" mabilis na pinalitan ni Ye Wan wan ang usapan na nawala siya na parang usok.

Muntikan na yun!

Mamaya sa date, maghahanap ako ng pagkakataon na banggitin sa kanya ang tungol sa pagpapakilala ko sa kanya sa magulang ko...

Pinanood ni Si Ye Han ang paalis na si Ye Wan Wan dahil dali-dali siyang umalis. Katulad ng malalim na dagat sa ibabaw ng buwan ang kanyang mga mata ngunit umaagos ang mga malalakas nitong na alon.

Naghihintay sa baba si Si Ye Han at kasama niya ang puting tigre, habang nagbibihis sa taas si Ye Wan Wan.

Madalas na naninirahan si Slaughter sa Jin garden nitong mga dumaan na araw at pinapakain siya ni Ye Wan Wan hanggang sa lumambot at kuminis ang balahibo niya, ang katawan ng tigrr at malaman at malakas...

Pagkatapos ng ilang saglit, tapos nang magbihis si Ye Wan Wan at dali-dali siyang bumaba ng hagdan.

Ang damit niya ay light pink na A-line floral dress na may blueish-gray na woolen jacket na kaparehas ng kulay ng kay Si Ye Han, nakikita ang kanyang collarbone at ang mahaba at mapayat niyang mga binti. Espesyal ang disenyo ng puting kitten heels niya - mukha silang sanga na may mga bulaklak na nakabalot sa payak niyang ankles. Nahulog sa kanyang mga balikat ang natural niyang itim na kulot na mga buhok at umuugoy ito tuwing gumagalaw siya...

Binabalot ng mga kumukislap na ilaw ang kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang tumakbo papunta kay Si Ye Han. Kasing-init ng araw ang tumitibok sa kanyang dibdib kaya nilusaw nito ang manhid na matagal nang nakalagay sa kanyang puso...

"Tapos na ako! Pwede na tayong umalis!"

Nakita ni Ye Wan Wan ang isang malaking puti na tigre, pagkatapos niyang sabihin iyon, at nakahandusay ito sa lapag na parang white velvet carpet, umangat ang ulo ng nilalang at tiningnan siya.

May natandaan siya sa tingin ng tigre sa kanya.

Biglang sinampal ni Ye Wan Wan ang ulo niya. "Saglit saglit! Nakalimutan kong pakainin si Great White!"

Noon, pasikreto siyang nagnanakaw ng pagkain at pinapakain niya ito kay Greag White. Dahil malakas ang loob ni Ye Wan Wan at nakita niya na walang pakialam si Si Ye Han, hindi na siya nag-sikreto at pinakain niya na lamang si Great White.

Naka-upo si Si Ye Han sa sofa at tumingin siya ng patagilid sa puting tigre dahil hindi inaasahan ang presensya ng tigreng ito noon - kakaiba man pero ang tigreng ito ay laging nagpapahinga sa Jin garden at ang mga mata niya ay tunay ngang napaka-ganda.

Matapos ang ilang saglit, biglang nagtanong si Si Ye Han, "Tumaba ba siya"

Masayang tumakbo papunta sa kanya si Ye Wan Wan na may hawak na karne sa kanyang maliit na kamay, huminto muna siya bago niyang sagutin ng seryoso si Si Ye Han, "Kalokohan! Hindi siya mataba, okah? Si Great White ay… napaka-balbon!"

Mabalbon…

Kumibo ang gilid ng labi ni Si Ye Han.

Tuwang tuwa at kuntento si Ye Wan Wan sa tiwalang binigay niya sa sarili at masaya siyang nagpatuloy na pakainin ang tigre..

Tamad na nakahiga ang mabalbon na si Greay White habang masaya niyang kinakain ang karne niya. Umugoy-ugoy ang kanyang buntot at okay lang sa kanya na pasikretong kinakamot ni Ye Wan Wan ang buhok niya~

Ah, totoo nga na tulad ng alaga ang amo...

Sa totoo lang, masungit lang talaga si Great White at hindi siya nakakatakot...

Hinawakan ni Ye Wan Wan ang kamay ni Si Ye Han at umalis na sila, pagkatapos niyang pakainin si Great White.

Sa labas, ang grupo ng mga bodyguards ay paalis na sana para mag-inuman nang bigla nilang makasabay sila Ye Wan Wan at Si Ye Han na maglakad patungo sa patyo. Takot na takot sila nang makita nila ang dalawa, kaya mabilis silang umalis at nagtago sa mga damuhan.

"Dali, tago, tago! 'Wag niyong ipaalam sa kanila na nagtatago tayo!"

Sinabi na kasi nila kay Ye Wan Wan na mag-eensayo sila...

Pinanood nila ang kanina'y bayolente at mabangis na babae sa ring, ngayon ay nakasuot ng magandang maliit na bestida habang may kitten heels at nakahawak sa braso ni master. Mas maamo na siyang tingnan ngayon katulad ng isang munting ibon...

avataravatar
Next chapter