451 Mabagal mawala ang sakit

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang sumama ang tingin ni Gong Xu sa kanya. "Sinong nagsabi na pwede mo akong utusan ng ganyan?"

Nabigla si Zhou Wen Bin pero hindi na niya sinubukang galitin pa ang great young master. May kailangan pa kasi si Zhou Wen Bin kay Gong Xu kaya pinalipas niya na lang ang pangyayari na ito.

"Oo nga pala, Gong Xu, may balita ka ba sa bagong manager ng company?" iniba ni Zhou Wen Bin ang usapan at pa-kunwari siyang nagtanong.

Lumiit ang mga mata ni Gong Xu. "Yung manager na kinumpara ako sa naluging artista?"

Lumaki ang mga mata ni Zhou Wen Bin nang makita niyang naiinis na si Gong Xu. "Tama, yung lalaking iyon nga. Tinutulungan siya ni chairman Chu at napaka-arogante niya! Nung gusto kong ipagpalit si Luo Chen kay Lin Hao gumawa pa siya ng kalokohan at papayag daw siyang makipagpalitan kung ikaw ang ipapalit ko kay Luo Chen para sa kanya! Sa ngayon, si Luo Chen ang pinaka-inaasahang kandidato bilang supporting role sa "Terrifying Dragon 2." Ito na ang pagkakataon niyang sumikat!"

"Kailan ba nating mag-alala sa isyu na iyan?" Nag de-kwatro si Gong Xu at humiga siya sa taas ng coffee table. Makikita ang pambabastos sa kanyang itsura nang sinabi niyang, "Kaya 'wag ka nang mag-alala tungkol doon, kaya kong talunin ang lalaking iyon gamit ang isang daliri."

Bumuka ang bibig ni Zhou Wen Bin nang magtagumpay siyang galitin si Gong Xu.

At dahil malaki ang reputasyon ni Gong Xu sa industriya, lalong mahihirapan si Ye Bai sa binabalak ng binata!

Hng, baguhan lang siya na manager tapos sinusubukan niya akong kalabanin!

...

Sa Jin garden:

"Andito na ako! Kamusta naman si master, housekeeper Xu? Maayos na ba ang pakiramdam niya?"

Walang kaalaman si Ye Wan Wan tungkol sa post ni Gong Xu sa kanya sa Weibo. Dala niya lamang ang isang plastic bag at naglakad siya papasok ng bahay. Ang unang niyang ginawa ay tingnan ang kalagayan ni Si Ye Han.

Naramdaman ni Xu Yi na may kaagapay na at naging kalmado siya nang makita niyang dumating si Ye Wan Wan. Mabilis niyang sinabi sa babae, "Okay naman ang kondisyon ni master ngayong araw… Medyo nahilo si master kaninang umaga ung sinubukan niyang tumayo sa inuupuan niya. Nung tanghali, sumuka siya pagkatapos niyang inumin ang kanyang medisina at pagkatapos ay kumain rin naman siya. Nung hapon naman, yung ininom niyang gamot noong binabantayan mo siya ay bumaba naman ng maayos at hindi niya ito sinuka…"

Biglang naging seryoso ang itsura ni Xu Yi nang magpatuloy siyang magsalita: "At saka, may kinuha si old madam na western na doktor para tingnan ang sakit ni 9th master…"

"Ano na raw ang resulta?" Tinanong pa rin ito ni Ye Wan Wan kahit alam na niya ang resulta.

Nagbuntong hininga si Xu Yi at napa-iling na lamang siya. "Parehas sila ng resulta ng check-up ni Dr. Sun - sinabi niya rin na… ang buhay ni master ay tatagal na lang ng halos… anim na buwan…"

Nandilim ang itsura ni Ye Wan Wan, huminga siya ng malalim nang marinig niya ang sinabi ni Xu Yi at sinabi, "Wag ka nang kabahan. Sabi nga sa isang kasabihan, mabilis na dumating ang sakit at mabagal silang mawala. Ilang araw pa lang naman ang lumilipas - magdahan dahan ka Xu Yi! Sinabi rin naman ni Dr. Sun na matagal ang proseso ng pagpapagaling niya. Hindi natin pwedeng madaliin ang mga bagay bagay!"

Mabigat ang loob ni Xu Yi at sinabi niya, "Hindi ko na itatago ito sayo Miss Wan Wan. May mas mahirap pa tayong isyung hinaharap ngayon…"

"Ano yun?"

"Kumalat ang balitang tungkol sa sakit ni 9th master kaya nagkaroon ng palitan ng posisyon sa Si family. Nag-aalala si old madam sa kalusugan ni 9th master, kaya hindi niya pinayagan si master na makisali pa sa gulo at si old madam mismo ang nag-iimbestiga tungkol sa insidenteng ginawa ng isang traidor!" Sinabi ni Xu Yi ang katotohanan kay Ye Wan Wan.

Kaya biglang napahinto si Ye Wan Wan. Hindi niya naiwasang maalala ang nangyari sa unang buhay niya noon.

Si old madam rin noon ang nag-imbestiga sa insidenteng ito. Ngunit sa huli, noong mabubuo na ang lahat ng senyales tungkol sa insidente, biglang namatay si old madam at bigla ring nawala ang mga senyales na ito.

Sa mga panahon na iyon, ang sinabi ng Si family sa publiko ay namatay na lamang si old madam dahil sa malalang sakit, pero bakit coincidence ang nangyari? Namatay siya bago ang araw na haharapin niya na ang traidor. Ang sikretong promotor ng kaguluhan na iyon malamang ay may pakana sa pagkamatay ni old madam...

Lalong lalakas ang loob ng promotor kapag sigurado siyang masisira ang kalusugan ni 9th master habang tumatagal ang panahon...

avataravatar
Next chapter