290 Maayos na maayos ang mood

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang unang plano ng kumpanya ay palitan ni Gong Xu si Han Xian Yu kapag tuluyan siyang bumagsak, pero ngayon, na abswelto na si Han Xian Yu at lalo pa siyang sumikat dahil sa nangyaring iyon. Muling na namang tinalo ni Fei Yang si Zhou Wen Bin.

Ngumisi si Zhou Wen Bin dahil sa naisip niya, "Si Ye Bai pala hah… sige! Malakas ang loob niyang manghimasok sa teritoryo ko pagkatapos niyang sirain ang mga plano ko! Ito ang tamang panahon para maghiganti ako sa mga kasalan niya sa akin!"

Nang marinig niya iyon, naisip ng mataba na ito ang pagkakataon niya para sumipsip kay Zhou Wen Bin, "Hindi magiging maayos ang trabaho ng mga tao kapag andito yung Bin-ge na yun!"

Ang tabachoy ay patuloy na sumisipsip kay Zhou Wen Bin habang siya ay sumusulyap-sulyap sa namumutlang binata na nasa sofa.

"May sasabihin ka pa ba?" Naiinis na tumingin sa mataba si Zhou Wen Bin.

"Wala! Wala na po!"

"Bakit hindi ka umalis dito kung wala na pala?" Ang atensyon ni Zhou Wen Bin ay nakay Luo Chen na lamang, kaya nainis siya noong umentra ang mataba habang nagsasalita siya.

"Opo opo opo, aalis na agad ako! Ngayon na!" Mabilis na umalis ang mataba at sinara niyang maigi ang pintuan.

Pagkaalis ng tabachoy, dalawang tao na lang ang natira sa malaking opisina.

Tahimik na tinatapik ni Zhou Wen Bin ang mga daliri niya sa lamesa, makikita ang katiting na pasensyang natitira sa mukha niya. "Luo Chen, nauubos din ang pasensya ko…"

Mukhang nakaramdam ng paghihirap si Luo Chen nang biglang nanliit at lumamig ang mga mata niya.

Sumagot ulit si Zhou Wen Bin nang makita niya si Luo Chen, "Ay, Luo Chen, tingnan mo ang sarili mo. Bakit ang tigas ng ulo mo? Anong masama kung kasama mo ako?"

Dahan-dahan na naglakad si Zhou Wen Bin papunta kay Luo Chen. Mabagal niyang sinabi ang pagpapatuloy ng usapan nila kanina, "Basta't masunurin ka, hindi ko lang babayaran ang buong medical bill ng mama mo, pero pasisikatin din kita…"

Nanigas ang buong katawan ni Luo Chen habang papalapit si Zhou Wen Bin. Ang mga kamay niya ay mahigpit na nakapatong sa kanyang gilid na para bang ilang segundo na lang ay sasabog na siya.

Sigurado si Zhou Wen Bin na hindi lalaban sa kanya si Luo Chen kaya tumawa siya at mas lalo pa siyang lumapit, nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ni Luo Chen. "Luo Chen, tatlong taon ka nang tumatanggi sa akin. Sigurado ka bang magmamatigas ka pa rin?"

"Bilang lang ang taon na mapapanatili ng isang artista ang kasikatan niya. Sasayangin mo pa rin ba ang natitirang tatlong taon mo?"

"Alam mo ba? Kung nakisama ka na sa akin noon palang, sa kalibre mo, sana nasa ka parehas na estado ka na ni Gong Xu sa entertainment industry. Baka nga mahigitan mo ka si Han Xian Yu!"

Mahigpit na nakasara ang mga labi ni Luo Chen, kahit na hinihikayat pa rin siya ni Zhou Wen Bin. Tumanggi siyang magsalita.

Hindi hinayaan ng katahimikan ni Luo Chen na makakuha ng ideya si Zhou Wen Bin para mamagitan siya sa kanilang dalawa; dahil doon, suminghal si Zhou Wen Bin, puno ng pangangasar ang tono niya, "Luo Chen, wag mong sabihin na kakayanin mong tapusin ang kontrata mo at iiwan mo rin ako pagkatapos ng lahat?"

Nagbuntong hininga si Zhou Wen Bin at iniling niya ang kanyang ulo. "Napakababaw mo bata… kaya kitang tulungan habang nasa Worldwide ka pa, sa tingin mo ba kapag umalis ka ng Worldwide, bibigyan pa kita ng pagkakataong magtagumpay?"

Nag-iba ang mukha ni Luo Chen, paos at mababa ang boses niya nang siya ay sumagot, "Ano… ano ang dapat 'kong gawin… para makaalis ako sayo…"

Gumapang ang mga daliri ni Zhou Wen Bin sa manipis na leeg ni Luo Chen, naging mabigat ang kanyang paghinga. "Matalino ka, Luo Chen. Alam mo kung anong gusto ko, 'di ba? Ako, si Zhou Wen Bin, ay nakukuha ko ang lahat ng gusto ko!"

"Hin. di. a. ko. BAKLA!" Sumigaw si Luo Chen na ang bawat letra ay bnigkas niya ng malinaw.

avataravatar
Next chapter