1105 Maayos ang papanaw

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi nag-aalala si Ye Wan Wan kung ang mga problema sa labas ang nakakaapekto sa audition.

Sa buhay niya noon, maraming kumpanya noon ang gustong maglagay ng artista nila sa female lead ng pelikula, ngunit hininto muna ni Peng Yuan Hu ang shooting ng dalawang taon kaysa gumamit siya ng aktress na hindi niya ikatutuwa.

Si Peng Yuan Hu ang nagko-kontrol ng casting dahil mataas ang posisyon niya sa industriya. Walang kahit anong pangyayari sa labas ang makakaapekto sa desisyon niya, maliban sa kanyang abilidad.

Masayang umalis ang ilang mga aktress pagkatapos nilang mag-audition, ngunit panghuling numero ang nakuha ni Jiang Yan Ran, kaya kailangan naghintay talaga si Ye Wan Wan.

Gayunpaman, dalawang oras nang naghihintay si Ye Wan Wan, ngunit hindi pa rin lumalabas si Jiang Yan Ran.

Tinitingnan ni Ye Wan Wan ang kanyang phone nang biglang nagmadaling lumabas ang staff member na may cap at sabik niyang sinuri ang kwarto bago siya magtanong, "Sino si Wan Wan?"

Tumayo si Ye Wan Wan nang marinig niya iyon. "Ako."

Nagtatakang sinuri ng staff member si Ye Wan Wan at nakakunot siya nang tinanong niya ito, "Ikaw si Ye Wan Wan?"

"Ako nga," inulit ni Ye Wan Wan.

Nagulat ang staff member. "Hindi ka ba nandito para mag-audition?"

Akala niya estudyante siya noong una niyang nakita ang babae, at nandito si Ye Wan Wan para mag-audition.

"May kasama akong kaibigan dito," sumagot si Ye Wan Wan.

"Kaibigan mo ba si Jiang Yan Ran?" Tanong ng staff member.

"Tama."

"Samahan mo ako!" Utos ng staff member nang wala nang ano-ano.

Kuminang ang mga mata. "Sige."

Mabilis na dinala ng staff member si Ye Wan Wan sa looban.

Nasa loob ng audition hall ang director, assistant director, producer, screenwriter, at ang lahat ng investors. Nakatayo sa harapan ng mahabang lamesa si Jiang Yan Ran habang ang mga producer ay tinatanong siya.

"Miss Jiang, magkano ba ang inaasahan mong pay?"

"Miss Jiang, gusto sana namin na magsimula ka na kasama ang cast at crew sa darating na pangatlong araw, may problema ka ba doon?"

"Miss Jiang, alam mo sana ang sitwasyon sa film. Na-delay na ito nang matagal na, kaya umaasa kami sa mabasa mo kaagad ang kontrata na ito…"

Hindi handa si Jiang Yan Ran sa ganitong sitwasyon kaya hindi siya naging komportable. "Pasensya na, hindi ako masyadong marunong sa ganitong mga bagay. Kaya niyo po bang makapaghintay hanggang sa makapunta siya dito at makausap ka nila?"

Nakarinig ng mga hakbang si Jiang Yan Ran sa labas ng pintuan, umangat ang kanyang paningin at nagulat siya na parang nakakita siya ng tagapagligtas. "Wan Wan!"

Lumapit si Ye Wan Wan sa kanya at niyakap niya ito.

"Wan Wan, nakuha ko ang role!" Namula sa sobrang tuwa si Jiang Yan Ran.

Nahulaan na ni Ye Wan Wan na emosyonal pa rin si Jiang Yan Ran habang pinapakinggan niya ang mga katanungan ng mga producers, kaya diniretso niya ito. "Congratulations, Yan Ran!"

May maayos na pamantungan si Jiang Yan Ran sa murang edad pa lamang dahil sa family background at talent na meron siya, kaya mabuti siya kahit na wala siyang praktikal na experience.

"Wan Wan, tama ang hula mo! Ang eksenang ginawa ko ay noong sumayaw sa ilalim ng buwan ang bidang babae, noong nawala ang memorya niya!" Sabik na sinabi ni Jiang Yan Ran.

Tiningnan ng producer si Ye Wan Wan at tinanong niya ito, ngunit nakakunot ang kanyang kilay, "Miss Jiang, ito ba ang kaibigan na tinutukoy mo?"

"Tama, Producer Wang!" Tumango si Jiang Yan Ran. Maayos na siya nang makita niyang katabi niya si Ye Wan Wan.

"Hello, Producer Wang!" Binati ni Ye Wan Wan ang producer. "Ako ang kausapin mo sa kahit anong mga issues tungkol sa kontrata at shooting."

avataravatar
Next chapter