576 Maangas na laban

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Wala nang mga poste na nagsisilbing harang ng ring, kaya ang katawan ni Yuan Sheng ay diretsong tumalsik sa labas ng ring. Malakas ang paghampas niya sa lapag at hindi na talaga siya makagalaw habang pinapakinggan niya ang pag-anunsyo ni Xu Yi ng resulta.

Ang umaalab na pulang Vermilion na ibon ay nalaglag sa lapag nang mag "ding" kaya lalo siyang napahiya...

Hindi inasahan ng kahit sino man na ang posisyon ng punong kapitan ay mapupunta kay Bulol.

"Ay… nako! Ganun lang kadali na natapos ang labanan para sa punong kapitan? Totoo ba ito?!"

"Hindi sila Eleven o Liu Ying o kahit ang black horse na si Yuan Sheng ang nakakuha ng posisyon kundi si… Bulol? Hindi ko ito insahan!"

Gayunpaman, walang nakakaalam kung sino si Bulol bago pa magsimula ang kompetisyon.

Lahat ng miyembro ng Dark Team 1 ang pumalibot kay Bulol at tuwang tuwa silang malapitan siya.

"Hahahaha… Bulol! Ang galing mo, wow! Hindi ko inasahan 'yon!"

"Gusto ko na wala ka talagang hiya!"

"Magaling! Ganyan ginagawa sa isang mokong na mayabang! Kung hindi, madali siyang makakalaya sa ginagawa niya!"

Seryoso silang itinama ni Bulol, "Tawa… tawagin niyo akong Feng Xuan Yi.. at… at… hindi ako… walang hiya… siya ang… walang hiya… na… nananakit ng babae! 'Wag kang malungkot… Lider Eleven… pipinag-higanti… kita…"

"Hahaha…" nagtawanan silang lahat dahil sa sinabi ni Bulol.

Kahit ang kanina'y seryosong mukha ni Eleven ay bigla nang kumalma.

"Pero ang pinakamaangas na nangyari ay ang malupit na laban ng Miss Wan Wan natin!"

"Oo oo oo! Nakakatuwa ang laban nila! Kung paano niya binugbog si Yuan Sheng, natuwa talaga ko!"

"Nakita niyo ba yung nangyari kanina? Yung mokong na si Yuan Sheng ay nagpo-pose pa sa ring tapos bigla siyang pinatalsik gamit ang isang sipa lang ni Miss Wan Wan! Sinong mokong kasi ang magpo-pose pa sa laban? Umakyat ka na lang sa ring at tapusin kaagad ang laban!"

Nagulat rin si Ye Wan Wan nang tumakbo sa loob sa ring si Bulol.

Gayunpaman, gustong-gusto ni Ye Wan Wan ang pamamaraan ni Bulol na harapin ang mga bagay bagay.

Sabi nila, malakas ang loob mo… hinayaan mo na gawin ng ibang tao sayo ang kasakiman na ginawa mo sa iba… kaso mas malakas ang loob ko, Yuan Sheng.

Sumama lalo ang ekspresyon ni Yuan Sheng nang umakyat si Bulol sa loob ng ring, mas malala ito kung ikukumpara sa itsura niya noong binugbog siya ng isang daan na beses ni Ye Wan Wan.

Sa ngayon, malalim ang usapan na nagaganap sa mga bodyguards. Nag-iba ang tingin nila kay Ye Wan Wan pagkatapos ng kompetisyon.

"Hindi ko inasahan na… marunong pala na makipaglaban ang babaeng 'yon! Bugbog sarado sa kanya si Yuan Sheng!"

"Tama. Natalo nga ni Yuan Sheng si Liu Ying, ngunit natalo naman ng babaeng ito si Yuan Sheng kaya nalaman talaga natin na malakas pala ang babaeng ito… kaya pala kampante ang isipan ni master dahil hinayaan niyang sundin natin ang rules…"

"Leche, ang selan at ang ganda niya pa. Hindi ba't bayolente nga lang ang pakikipaglaban niya? Kakaiba talaga ang taste ni master sa mga babae!"

*ehem* "Tunay nga na… maangas ang laban na ito!"

...

"Miss… Miss Ruo Xi… Ah…" hirap nang makapagsalita si Yuan Sheng.

Nag-utos si Qi Ruo Xi ng isang tao para pagalingin ang mga sugat ni Yuan Sheng at bigla siyang napatingin kay Ye Wan Wan. Binalot ng maiitim na ulap ang kanyang mga mata dahil sa galit na namumuo sa kanyang damdamin.

Sa oras na ito, hindi man naging punong kapitan si Eleven, siya pa rin ang lider ng Dark Team 1, gayundin na ang punong kapitan na ngayon ay si Feng Xuan Yi.

Siya ay isang lider lamang ng Dark Team 4 pero, natalo si Yuan Sheng sa isang hamak na tulad ni Bulol.

At si Liu Ying naman ay tinalo ni Yuan Sheng, hindi rin siya isang lider kaya bumaba ang posisyon niya bilang isang ordinaryong miyembro na lamang ng Dark Team...

avataravatar
Next chapter