577 Maalamat na Eksperto

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Paano ito nangyari...

Bakit ganito ang kinalabasan...

Tapos na ang kompetisyon kaya nagsimula nang umalis ang mga tao.

Ang kaninang malakas ang loob na makuha ang posisyon ng punong kapitan na si Liu Ying, ay pinanood na lamang ang selebrasyon ng Dark Team 1 dahil sa pagka-panalo ni Bulol. Tuliro siyang nakatayo at tiningnan niya si Yuan Sheng na binubuhat mga miyembro ng Dark Team 4.

Sa oras na ito, hindi pa rin makapaniwala si Liu Ying na ganito ang kinalabasan ng kompetisyon.

Hindi niya inasahan na matatalo siya ni Yuan Sheng...

At lalo siyang nagulat sa pinakitang kakayahan sa paglaban ni Ye Wan Wan sa entablado...

Parati niyang inaasar si Ye Wan Wan dahil hindi niya kayang gapusin ang isang manok - ininsulto niya at sinabihan niya rin na pabigat si Ye Wan Wan; ngunit ngayon, isa itong malaking kalokohan...

Isang malaking kalokohan...

Hindi niya nga matalo si Yuang Sheng, eh pano pa kaya si Ye Wan Wan?

Lumaki siya sa isang pamilya na aristokratiko na mga tanyag na martial artists kaya akala niya na mas magaling siya sa ibang mga tao. Wala siyang pakialam sa ibang tao pero sa araw na iyon, bumaliktad ang buong buhay niya.

Ngayon niya napagtanto na kahit napaka-perpekto ng bagay bagay, meron pa ring mas malakas sa kanya.

Nakarinig siya ng mahinang mga hakbang na papalapit sa kanya at bigla siyang inaliw ni Qin Ruo Xi, "'Wag kang susuko Liu Ying. Bata ka at marami ka pang kailangang matutunan - hindi masama na mabigo ng isa o dalawang beses."

Napayuko na lamang si Liu Ying. "Ramdam ko na ako ay isang malaking kalokohan… ilang beses kong pinagtawanan si Ye Wan Wan noon… pero sa huli, napagtanto ko na… wala akong laban sa kanya… at mukhang… hindi ako makakasalba kapag inatake niya ako ng isang beses lang…"

Sapat na ang katotohanan na ito para warakin ang puso ni Liu Ying.

Tinapik-tapik ni Qin Ruo Xi ang balikat ni Liu Ying. "Hindi ka pwedeng magkumpara ng ganyan - talentado si Miss Ye at nag-hire si 9th master ng isang magaling na guro para turuan si Ye Wan Wan na depensahan ang kanyang sarili. Natural lamang na naging mahusay siyang makipaglaban. At kinaya ni Yuan Sheng na sirain ang proseso ng pakikipaglaban niya kanina."

Hindi niya alam kung bakit pero sa oras na iyon, tiningnan ni Liu Ying ang babae sa harap niya at natandaan niya ang sinabi ni Yuan Sheng kanina: "Kagustuhan ito ni Miss Ruo Xi."

Hindi kaya, sinadya ni Miss Ruo Xi na sanayin si Yuan Sheng para makuha niya ang posisyon na punong kapitan?

Alam ni Liu Ying na hindi siya kasing galing ni Yuan Sheng sa pakikipaglaban kaya dahil dito, hindi siya pwedeng magreklamo ng kung ano ano. Nalunglungkot na lang si Liu Ying sa naisip niya.

Sa loob ng pagamutan:

Hirap na makatayo si Yuan Sheng nang makita niyang naglalakad papunta sa kanya si Qin Ruo Xu. "Miss Ruo Xi!"

"'Wag ka nang tunayo, humiga ka na lang. Malala ang nangyari sayo," sabi ni Qin Ruo Xi.

Nakakaawa ang mukha ni Yuan Sheng. Lalong lumala ang maga at sugatan niyang mukha nang bigla siyang magsalita, "Nakakainis! Sa akin dapat mapupunta ang posisyon ng punong kapitan! Biglang nanggulo ang babaeng iyon at hindi niya pa sinunod ang rules! Kailangan mo akong ipaglaban Miss Ruo Xi, mali ang ginawa niya!"

Lumiwanag ang mga mata ni Yuan Sheng at patuloy siyang nagsalita, "Kahit gaano kagaling si Ye Wan Wan, wala pa rin siya kung ikukumpara kay Miss Duo Xi. Ikaw ang tunay na henyo, Miss Ruo Xi; magaling ka sa lahat ng bagay, natuto ka nang mag martial arts simula pa noong bata ka, nakakuha ka ng maraming kaalaman sa iba't ibang eskwelahan at walang kapantay ang kakayahan mo, tinatawag ka pa nga nilang maalamat na eksperto na hindi nagpapatalo."

"Nagkaroon ako ng magandang oportunidad dahil sa pagturo mo sa akin. Ikaw mismo ang nagsanay sa akin, Miss Ruo Xi. Sinadya ni Ye Wan Wan na galitin ka sa ginawa niya na pambubugbog sa mukha ko!"

Natural na alam ni Qi Ruo Xi ang motibo ng mabulaklak na pamumuri sa kanya ni Yuan Sheng kata tiningnan niya ang lalaki. "Tama na 'yan. 'Wag mo nang banggitin ang nangyari kanina. Hindi pinatigil ni Ah-Jiu ang laban kaya wala nang dapat pang pag-usapan sa insidenteng ito."

Biglang nagalit si Yuan Sheng. "Nababaliw na si master - bakit niya hahayaan na mangialam ang babaeng ito sa trabaho ng Si family at sinuhulan niya pa ang iba? 'Wag kang mag-alala Miss Ruo Xi, hindi ako tulad ng mokong na si Liu Ying na matapat lamang kay master. Sa hinaharap, sasabihin ko agad sayo kung may balita tungkol sa babaeng ito, hindi ko tatalikuran ang kahit anong oportunidad na magamit si…"

avataravatar
Next chapter