96 Maaari kitang turuan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang kinuha ni Si Xia ang kaniyang upuan, ang mga babae ay agad na nagdaldalan. Ang mukha ni Zhao Xing Zhou ay biglang naging mataray at sabay sabing, "Sige sige, Kumalma kayong lahat. Bakit hindi kayo sabik na makita ako?"

"Guro, hindi ka naman gwapo!" Masakit na sagot ng ibang mga babae.

"Hoy, Anong sinabi mo? Ulitin mo nga ng malinaw at malakas!" Halatang may pagbabanta sa boses ni Zhao Xing Zhou.

"Guro, Ikaw ang pinaka gwapo!" Napasigaw sa takot ang babae.

"Magaling, Kung gayon itutuloy kona ang mga tanong!"

...

Pagkatapos nilang makipag biruan, ang lahat ay bumalik na sa kanilang mga tanong, at pansin din na ang mga nahumaling na babae ay hindi makapag pokus sa kanilang pagaaral.

Matapos maka upo si Si Xia, Agad itong tumingin sa kaniyang practice questions ng hindi nag pa aabala sa mga ito. Iniyuko niya ang kaniyang ulo at nag simula na ngang matulog na madalas niyang gawin.

Nababalot ng pag kaselos si Ye Wanwan-- malayo sa hawak hawak niyang blangkong pagsusulit, Alam nito kung paano sasagutan lahat ng mga tanong.

Kumpara sa kung paano niya isasaulo ang mga halimbawa at maka puntos ng maigi sa kaniyang huling pagsusulit, Laging nakakakuha ng perfect marks sa math si Si Xia maliban sa mga panahon na sinasadya niyang hindi pasukan ang mga pagsusulit.

Sa kaniyang mga mata, ang ganitong uri ng tao ay hindi pangkaraniwan.

Walang duda, na walang normal na tao sa pamilyang Si!

Hindi gusto ni Ye Wanwan ang kaniyang ginagawa habang pabulong na nagmumura at bigla na lang itong nakaramdam ng bigat sa kaniyang mga balikat at ang malinis na amoy ay dumampi sa kaniyang mga ilong.

Matigas na inikot ni Ye Wanwan kaniyang ulo upang makita at napansin nito na ang biglang nahulog sa balikat nito ang ulo ni Si Xia, at ngayon ay nakasandal na ito sa kaniyang balikat!!!

Sa mga oras na iyon, biglang naghiyawan sa klase-- at dali daling itinuon ng mag babae ang atensyon kay Si Xia ng naka nganga. At ang tingin ni Cheng Xue ay mapanindak.

"Damn damn damn! Si Si Xia ay talaga bang… talaga bang naka sandal sa kaniyang balikat!"

"Si Ye Wanwan, ay malandi!"

"Walang pipigil sa akin, Babaliin ko lang kuko ng panget na iyon!"

Bago pa harapin ni Ye Wanwan ang mga nakamamatay na tingin galing sa mga babae sa klase, madali nitong inilipat ng posisyon ng sleeping beauty ng dahan dahan.

Oh diyos ko, Tulungan mo ako!

Paano ito naging kasalanan ko? Biktima rin ako dito, diba?

Pero kung sinabi niya ang mga salitang ito ng malakas, maari niya itong ikamatay kaya nanahimik na lamang ito.

Nasa kalagitnaan na ng paglipat ng ulo nito, laking pasasalamat nito at nagising na din si Si Xia.

Ang mga mapupungay na mga mata niya ay sadyang… kapangapangarap!

Matapos niyang tignan si Si Ye Han ng matagal na panahon, akala niya na siya ay hindi na tinatablan ng kagwapuhan nito, subalit siya parin ay kinilig sa mga tingin nito.

Kahit na hindi mapagkukumpara si Si Xia at Si Ye Han ang isa't isa; Silang dalawa ay malinaw na magkaiba.

Si Si Ye Han ay mapanganib at misteryoso, mayabang at arogante,Samantala si Si Xia naman ay mabait na hari na kayang mang akit ng mga babae.

Matapos magising si Si Xia, tamad niyang kinamot niya ang kaniyang noo at tumingin sa question booklet ni Ye Wanwan, "Itong tanong nato…"

Gulat na tumingin si Ye Wanwan, "Ano?"

"Mali ang iyong sagot dito, dito din, mali din ito…"

Habang sunod sunod na pumili ng mga tanong si Si Xia, kumunot ang noo at huminga ng malalim," Sabihin mo na lang sakin kung aling mga sagot ko ang tama!"

Tinuro ng mapapayat at makinis na daliri ni Si Xia ang dalawa sa mga tanong, "Meron kang dalawang tamang sagot."

"Itong dalawang sagot na ito… hula hula lang!"

Sa sobrang lungkot ni Ye Wanwan gusto na niyang iuntog ang ulo nito sa mesa.

Akala ko ayos lang ako sa math!

"Pwede kitang turuan," Ngiti ni Si Xia.

avataravatar
Next chapter