161 Lumihis na katotohanan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Protesta ni Ye Wan Wan, "Bestfriend ko si Meng Qi! Alam naming lahat na siya ang pinagmamalaking girlfriend ni Song Zi Hang! Walang katotohanan ang pinagsasabi mo! Inaakusa mo ba na kabit si Meng Qi? Masyado ka naman!"

"Ikaw…. Anong sinabi mo… girlfriend ni Zi Hang…" nagulat si Mrs Song habang bumigat ang kanyang puso nang makita ang namamagang muka ni Jiang Yan Ran.

Sa puntong iyon, halos lahat ng tao ay naliwanagan na sa nangyayari.

Hindi na kailangang magsalita pa ni Ye Wan Wan.

Lumingon ang babaeng katabi ni Mrs Song at nagtanong, "Ikaw po ang nanay si Song Zi Hang? Alam niyo po bang dineklara ni Song Zi Hang sa buong eskwelahan na wala siyang kinalaman kay Jiang Yan Ran at walang katotohanan ang engagement nila? Sabi niya pa nga biro-biro lang ito ng pamilya niyo at ipinagsigawan niya na din sa lahat ang pagmamahal niya sa ibang babae!"

Natauhan si Mrs Song at galit siyang sumagot, "Hindi… hindi ito totoo! Paano naman magagawa iyon ng anak ko?! Wag niyo siyang inaatake ng ganyang mga salita!"

Hindi na natutuwa ang mga tao at hindi na rin nakapagtimping magtsismisan ng sabay sabay, "Paano naman namin siya aatakihin? Alam naman ng lahat ng tao sa eskwelahan ito, nakita namin sa sarili naming mga mata, okay?"

"Totoo iyon! Nung nalaman ni Jiang Yan Ran na pasikretong nag-date Song Zi Hang at ang bestfriend niyang si Shen Meng Qi, nagkaroon sila ng away ni Shen Meng Qi. Tinutulungan pa namin noon si Shen Meng Qi na awayin si Jiang Yan Ran ngunit nakita naming sinampal ni Song Zi Hang si Jiang Yan Ran sa harap ng lahat at inanunsyo niya sa school forum na wala silang engagement ni Jiang Yan Ran! Kung hindi ka naniniwala sa amin, tingnan mo sa sarili mong mga mata. Hanapin mo ang 'video ni Jiang Yan Ran nakikipag-away sa kabit at ang kabit ay dine-depensahan ni Song Zi Hang,' lahat ng anunsyo niya at ang iba pa ay nasa video na iyon!"

"Umamin na ng kanyang pagmamahal si Song Zi Hang kay Shen Meng Qi, at napakagarang preparasyon ang ginawa niya. May mga bulaklak pa at kandila kaya naman ilanga araw lang, naging sila na. Tapos sasabihin mo nga engaged sila ni Jiang Yan Ran? Hindi parang salungat iyon sa sinasabi mo?"

Lumakas ang ingay ng mga spekulasyon at nagulat ang lahat sa pagtuklas sa umikot na sitwasyon.

"Hindi ko inakala na matagal na palang nagsisinungaling si Song Zi Hang para protektahan ang kabit niya! Si Sheng Meng Qi ang kabit!"

"Akala ko noong una marangal na lalaki si Song Zi Hang, sinong mag-aakala na habang nakatalikod si Jiang Yan Ran, nakikipagtalik siya sa bestfriend ng fiancé niya! Kinaya pa ngang sabihin ng nanay niya na mahal na mahal niya si Jiang Yan Ran? Saan niya naman nakuha iyon?"

"Anong sinasabi mong habang nakatalikod? Nakipagtalik siya sa babae niya kahit pa alam na ni Jiang Yan Ran!"

"Tsk tsk, at saka etong pinagmamalaki niyang nakuha ng pamilya daw siya ang malaking proyekto sa gobyerno, hindi pala totoo yun! Siguro paghihiganti na din ito ng Jiang family! Tama lang ang nangyari sa kanya!"

"Akala ko pa naman na makapangyarihan ang Song family, yun pala umaasa lang sila sa tulong ng Jiang family!"

"Pumunta pa nga ang nanay niya para ilihis tayo sa katotohanan at sinampal pa si Jiang Yan Ran, ginagawa pang masama ang biktima! Diyosko! Sumakit bigla ang ulo ko! Anong klaseng mga tao ang nasa pamilyang ito?! Pamilya ng mga inggrata!"

"Mga walang hiya!"

...

Unti-unting namumutla si Mrs Song habang nagugulat sa mga pangangasar at pamamahiya sa kanya ng mga tao.

Ang plano niya talaga ay hanapin si Jiang Yan Ran at maghiganti habang sinisira ang reputasyon ng dalaga sa harap ng mga tao. Ngunit, nagkamali siya at nalaman niya ang katotohanan sa kanyang anak at muntikan pa siyang himatayin sa mga narinig niya.

Eto ang rason... kung bakit pinatigil ng Jiang family ang engagement nila!

Tinanggi pa ni Zi Hang ang engagement sa harap ng madaming tao at pagkatapos nakipagtalik sa ibang babae?

Ito… ito'y imposible! Sobrang imposible nito!

Nasilip ni Ye Wan Wan ang isang taong naglalakad papaalis, nagmadali siyang puntahan ang taong iyon at hinawakan ang balikat ni Shen Meng Qi at natatarantang sinabi, "Meng Qi! Andirito ka na pala! Dali, ipaliwanag mo ang lahat! Sumosobra na sila; sabi nila na walang hiyang kabit ka daw! Hindi ka namang ganoong uri ng tao 'di ba?"

Sa isang sandali, napalingon ang lahat kay Ye Wan Wan at nakita ang nahihiyang si Shen Meng Qi na kasama pa nga si Song Zi Hang.

avataravatar
Next chapter