380 Lumayo ka sakin, maliban na lang kung nakainom ako

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makarating sila sa pasukan ng opisina, ginising ni Ye Wan Wan si Si Ye Han.

"Pumunta kana sa iyong meeting, babalik na muna ako."

"Tawagin mo si Xu Yi para sunduin ka." ang tono ng pananalita ni Si Ye Han ay mas malambing kaysa sa nakasanayan, masigla siya dahil siya ay nakatulog.

Ngunit ang mood ni Ye Wan Wan ay hindi maganda nang siya ay tumitig sa isang workaholic na may nakatagong kaguluhan sa kaniyang isipan. Tumalikod siya at umalis ng walang sinasabi.

Tunay nga, hindi nag-aalala ang emperor ngunit ang eunuch ay nag-aalala sa kamatayan!

Grand View Park.

Matapos niyang makabalik, nagsimula ng mag-isip si Ye Wan Wan kung paano niya patitigilin si Si Ye Han na ipadala ang kaniyang sarili sa kamatayan.

Gayon pa man, hindi pa din siya nakaka-isip ng mga magagandang ideya kahit kalahating araw na siyang nagiisip.

Hindi siya si Qin Ruo Xi - wala namang kwenta ang sinabi niya.

Hindi bale, magiging ayos din ang lahat sa huli. Papasayahin niya na lang si Si Ye Han sa mga susunod na araw at kapag hindi gumana, meron pa ding beauty trap...

Bumuntong hininga si Ye Wan Wan at nagpalit sa kaniyang panlalaking damit at nagpadala ng text kay Luo Chen: [Pumunta ka sa bahay ko sa loob ng limang minuto.]

Gusto niya muna na ayusin ang isyu na ito; hindi siya sigurado kung anong katawatawang pag-iisip ang nasa isip ng bata kung patatagalin niya ito.

Naghihintay si Ye Wan Wan habang nakatitig sa oras sa kanyang telepono.

Marahil dahil muka siyang malupit sa text, hindi na nag-lakas loob si Luo Chen takbuhan ulit siya at tumunog ang kaniyang doorbell ng eksaktong limang minuto.

Ye Wan Wan: "Pumasok ka."

Hindi na niya isinara ang pintuan.

Rinig ang pares ng yapak ng paa. Marahang itinulak ni Luo Chen ang bukas na pintuan at naglakad papasok.

Mukhang bagong ligo si Luo Chen - ang kaniyang buhok ay medyo mamasa-masa at ang kanyang damit ay isinuot ng madalian kaya naman ang kabila ng kaniyang sintas ay magulo, gumaan ang pakiramdam ni Ye Wan Wan nang makita siya.

Ang importante ay… nitong mainit na tag-init, nakapulupot ng mahigpit ang makapal na coat kay Luo Chen...

Tinignan ni Ye Wan Wan ang outfit ni Luo Chen at ang gilid ng kaniyang bibig ay ngumisi--ano kaya ang nasa isip ng batang ito ng papuntahin ko siya?

"Upo." sumulyap si Ye Wan Wan sa katabi niyang sofa at tinuro ito.

Huminto si Luo Chen at dumaan patungo sa kanya matapos ang matagal na panahon, ngunit hindi siya umupo sa tabi ni Ye Wan Wan at sa halip, ay umupo sa kabilang dulo ng sofa.

Nakasuot lang ng tsinelas si Ye Wan Wan. ang kaniyang tindig ay matamlay at nang makita niya iyon, kumunot ang kaniyang kilay, hindi natutuwa. "Bakit ka nakaupo sa malayo?"

Itinikom ni Luo Chen ang kaniyang labi at lumapit ng kaonti sa kaniya.

Talagang napakaliit, baka kasing layo lang ng isang palad...

Masama na ang mood ni Ye Wan Wan ngayong araw at sa sandaling ito, sagad na ang kanyang pasensya, kaya siya ay tumayo at naglakad patungo kay Luo Chen.

Sa sandaling tumayo si Ye Wan Wan, ang buong katawan ni Luo Chen ay nanigas na parang pana nang kinuyom niya ng mahigpit ang kanyang kamao.

Nang malapit na si Ye Wan Wan sa kaniyang harapan, hindi na nakatagal umupo si Luo Chen at mabilis na tumayo na parang isang spring.

Gayon pa man, bago pa siya makatakas, madiin na hinawakan ni Ye Wan Wan ang balikat ni Luo Chen at tinulak ito pababa.

Nanatili si Ye Wan Wan sa kaniyang posisyon, madali siyang pinababa. Nanliit ang mata ni Ye Wan Wan nang tumingin siya kay Luo Chen nang may malamig na tingin, "Bakit ka tatakbo?"

Hindi alam ni Luo Chen kung saan titingin at mukang handa nang tumakbo palabas sa pintuan sa mga susunod na sandali, ngunit sa parehong oras na iyon, pinigilan niya ang kanyang sarili sa ilang mga kadahilanan...

Tumitig si Ye Wan Wan sa kanya at maingat na binigkas ang bawat salita: "Makinig kang mabuti sa mga susunod na sasabihin ko."

"Una, Hindi ako bakla."

"Pangalawa, ano man ang aking sexual orientation, hindi ako interesado na magkaroon ng karelasyon sa artistang nasa pangangalaga ko."

"Pangatlo, maliban kung nakainom ako, lumayo ka sa akin at kahit sa anong oras, alalahanin mo ang pangalawa kong sinabi." 

avataravatar
Next chapter