933 Lumalapit sa kamatayan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Anong nangyayari?"

"Anong nangyari?"

Naguguluhan ang mga reporters.

Biglang bumahing si Ye Wan Wan na nakaupo sa high chair. Nakatalumbaba siya sa isang kamay niya habang iniikot-ikot niya ang glass ng strawberry juice sa isang kamay dahil nabo-boring siya.

Ngayon magsisimula ang press conference ng Age of Immortals...

Kung nangyari ito noon, mag-aalala siguro siya at mananatili siya sa tabi ni Ye Mu Fan. Pero ngayon, kailangan niya lamang panuorin si Ye Mu Fan sa gagawin ng kapatid niya.

Sinilip ni Ye Mu Fan ang phone ni Tan Zhen Xin.

Ito ay post sa weibo ng Age of Immortals. Inaanunsiyo nila na sisimulan na nila ang shooting ng "A Life and Death Struggle."

Tumaas ang kilay ni Ye Mu Fan nang harapin niya ang agresibong interogasyon ni Tan Zhen Xin, "Ako? Magpapaliwanag sayo? Ano kaya ang gustong malaman ni teacher Tan?"

Nagtinginan si Liang Mei Xuan at Ye Yiyi nang may mapangutyang mga itsura. Akala niya ba magiging okay ang lahat basta't nagkukunwari siya na wala siyang alam?

Hinukay na nila ang lahat ng patibong kaya wala siyang magawa kundi mahulog sa loob ng mga ito!

Tiningnan ni Tan Zhen Xin ang lahat ng media outlets at sumigaw siya, "Ngayon ang 20th anniversary ng Emperor Sky at ngayon rin iaanunsyo ang 'The Age of Love.' Ayoko sanang sirain ang okasyon na iyo pero ang ilan na mga tao dito ay mga bully na napakawalang hiya!"

Naguguluhan siya habang tinitingnan niya si Ye Mu Fan. "Young master Ye, kinontak ko ang kumpanya mo noong dalawang araw na nakalipas at sinabihan ko si Xu Lin na ang script ng 'Life and Death Struggle' ay ninakaw niya galing sa 'The Age of Love.' Umaasa sana ako ng pagpapaliwanag sa kanilang kumpanya."

"Akala ko aayusin ito ng patas ni young master. Pero hindi niya na nga pinatigik si Xu Lin, inanunsyo niya pa na sisimulan na nila bukas ang filming ng ninakaw na script ni Xu Lin na pagmamay-ari ko!"

Nagulat ang lahat sa sinabi mi Tan Zhen Xin at lahat ng mga camera ay biglang tumutok kay Ye Mu Fan.

"Punyeta! Ano raw ang sinabi ni Tan Zhen Xin? Ninakaw ni Ye Mu Fan ang script at sinimulan niya pa rin ang filming nito kahit na sinabihan na siya ng kabilang panig?"

"Kakabasa ko lang ng post na nanggaling sa Weibi ng Age of the immortals. Inanunsyo nga nila na sisimulan na nila ang shooting bukas! Nakakaloko pala talaga ito…"

"Siguro dahil ang chairman ang lolo niya kaya malakas ang loob niya!"

"Kaya pala pinalayas siya ni chairman Ye noon; isang malaking kalokohan ang ginagawa niya. Alam niya ba talaga kung paano mag-manage? Baka masira lang ang kumpanya kapag napunta sa kanya ang kumpanya…"

Unti-unting nagalit si Ye Hong Wei nang makita niya ang kaguluhan. "Mu Fan, ano ba talaga ang nangyayari? Totoo ba ang sinabi niya?"

Nanahimik ng panandalian si Ye Mu Fan. Mukhang nasaktan siya sa usapan na ito. "Lolo, totoo po ang sinabi ni teacher Tan."

Lalong nainis ang mga tao nang marinig nila ang sinabi ni Ye Mu Fan.

Mukhang inaasahan na nila Liang Mei Xuan at Ye Yiyi ang pangyayari na ito. Hindi niya pwedeng tanggihan ang insidenteng ito.

Nagpatuloy si Ye Mu Fan, "Pero, may hindi pagkakaintindihan sa sitwasyon na ito. Ipapaliwanag ko ng maigi ang nangyari lolo, kapag nakauwi na tayo. Okay ba iyon? Isang masayang okasyon ng Emperor Sky ito at ayokong sirain ang kasiyahan."

Gustong ayusin ng pribado ni Ye Mu Fan ang sitwasyon na ito, pero mukhang ayaw siyang pakawalan ng isang tao.

Masugid na sumagot si Tan Zhen Xin, "Hindi pagkakaintindihan? Dahil isang 'hindi pagkakaintindihan' lang ito, ipaliwanag mo pala sa lahat ang pangyayari na ito!"

avataravatar
Next chapter