268 Lumabas na ang buong katotohanan!!!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Matapos magsalita, maingat na sumulyap si Gao Feng sa isang gilid sa kwarto at nagpatuloy na ipakita ang lima hanggang anim pang litrato--lahat nang ito ay iba-ibang mga kumento ni Zhao Da Yong gamit ang iba't ibang username at hindi ito kayang basahin pa.

Tatlo hanggang limang taon pa ang ilang mga kumento, at ang ilan ay noong isang taon lang at isa ay ang pinakabagong kumento niya.

Ang pinakabago ay ang inaalok niya ang batang babae na makipagtalik sa kanya sa isang website.

Beripikado ang account at walang duda, kay Zhao Da Yong ito.

Sa tuwing may bagong litrato ang lalabas sa screen, mas lalong namumutla si Zhao Da Yong. At sa pinakahuling litrato, nanigas na nga ito sa kanyang upuan.

Paano… paano 'to nangyari...

Paano nagawa 'to ng isang tao!

Talagang hinukay niya ang lahat ng post sa mga nakaraang taon, kahit na hindi ko na maalala ang ilan dito!

Hindi talaga siyang likas na manyak na paedophile; ang mga kumento at mga pag-alok sa mga batang babae ay ang paraan niya lang para maghanap ng katuwaan, pero matapos na mabunyag ito, wala na siyang magagawa para malinis pa ang pangalan niya.

Tulad ng inaashan, matapos makita ang mga ebidensya, litong-lito ang lahat ng reporter sa eksena at ang mga tao na nanonood ng live telecast ay nagsimula ng makipagdaldalan.

"Ay… Diyos ko po! Ano yung nakita ko! Paedopile din si Zhao Da Yong?"

"At tignan mo pa ang pinagsasabi niya online; kadiri!"

"Paano niya nagawang pintasin si Han Xian Yu na akala mo ang linis niya?

"Hindi 'to kapani-paniwala!"

...

Sa sandaling iyon, tuluyan ng nalugi si Yan Zheng Yang. Hindi niya inaasahang may ebidensya si Zhao Da Yong na pwede gamitin laban sa kanya.

Hindi pwede! Hindi ko pwedeng hayaang maging ganito 'to!"

Kahit na paedophile si Zhao Da Yong, hindi pa din maitatanggi ang mga akusa kay Han Xian Yu--kailangan kong ibalik ang atensyon nila sa totoong isyu!

Agad na tumayo si Yan Zheng Yang, at kinuha ang mikropono at nagsalita, "Paumanhin po…"

Ngunit, bigla sumabad si Gao Feng sa sasabihin ni Yan Zheng Yang at pagalit na sinabi, "Tulad nga po ng nakita ng lahat, totoo nga--talagang isang paedophile si Zhao Da Yong. Isa siyang salot sa lipunan tulad ng sinabi niya. Ang 'di makataong bastardo, dapat barilin sa ulo ang isang manyak!"

Yan Zheng Yang: "'Wag muna nating pag-usapan kung paedophile nga si Zha Da Yong. Si Han Xian Yu, siya…"

Para bang umabot na sa limit ang galit ni Gao Feng--pinalo niya ang lamesa at mulang sumabad kay Yan Zheng Yang. Nang may panlisik ng mata, sinabi niya, "At, base sa na-imbestigahan ko, may mas hihigit pa sa inyong nakikita ngayon!

"Si Zhao Da Yong! Itong hayop na bastardong 'to! Ay hindi lang isang manyak na paedophile! Pati… pati ang sarili niyang anak ay hindi niya pinalampas!"

Hindi makapaniwala ang mga gulat na tao matapos marinig ang galit na sinabi ni Gao Feng na umalingawngaw sa buong hall.

Pati na si Yan Zheng Yang na nakalimutan ang sasabihin ay tuliron-tuliro din.

"A… ano? Hindi pinalampas ni Zhao Da Yong ang sarili niyang anak?"

"Di.. diyos ko po!"

...

avataravatar
Next chapter