921 Lumabas ka na ngayon din, Nameless Nie!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa Kalaliman ng gabi.

Tumakas na papuntang ibang banda si Si Ming Li. Sapat na ang pangkat ni Si Ye Han para bugbugin silang lahat, paano pa kaya ang ginawa nila sa Nie clan.

Mabuti na lang at maingat ang mga galaw nila sa likod ng entablado at hindi nila pinapakita na sila ang gumagawa ng mga kababalaghan. Kung hindi, wala nang lugar sa mundo ang mapagtataguan pa nila.

"Punyeta, sinwerte ang babaeng iyon!" Nadismaya si Si Ming Li.

"Pa, mas importante na manatili ka sa kapangyarihan mo. Basta't kasabwat pa natin si Mr. Eric, maghihiganti tayo pag dumating ang panahon!" Hinikayat siya ni Si Yi Qian.

"Tara na!" Nainis si Si Ming Li at agad siyang pumunta sa helicopter.

Naging masama ang tingin ni Si Ming Li habang unti-unti lumalayo ang helicopter at nakikita niya sa ilalim ang Imperial City.

Babalikan ko si Si Ye Han at ang pokpok niya!

Country M:

Tahimik sa isang malawak na presidential suite.

Nakaupo si Si Ye Han sa may sofa at nakasimangot siya.

May isang binata na nakasuot ng itim na suit ang nakatayo sa harap ni Si Ye Han na may i-re-report sa kanyang master, "Nakabalik na sa little garden house si madam. Nakaalis na siya bago pa makarating ang tauhan namin. May grupo rin ng mga makapangyarihan pangkat ang tumulong sa kanya, hindi pa kami nakakakuha ng impormasyon kung saan nanggaling ang mga ito; aalamin kaagad namin kung sino ang mga ito, master!"

Pinadala pa rin ni Si Ye Han ang mga tauhan niya ng pa-sikreto, kahit na mga eksperto ang lima na nasa little house of Rose.

Hindi nga lang napa-aga ang pagdalo ng mga tauhan ni Si Ye Han dahil gusto niyang malaman kung sino ang mastermind ng pangyayari. Kung hindi, parang ginupitan lamang ang mga damo nang hindi tinatanggal ang mga ugat - hindi matatapos ang kaguluhan na ito sa hinaharap.

Gayunpaman, hindi inasahan ni Si Ye Han na bago pa makalaban ang mga tauhan niya, may isang makapangyarihang pangkat pa ang biglang lumabas...

Hinawakan nang mahigpit ni Si Ye Han ang malamig glass ng coffee table at makikita ang pagka-inis sa kanyang galaw.

Nakaramdam ng panganib si Si Ye Han dahil hindi siya sigurado na ligtas na si Ye Wab Wan...

May natagpuan na problema si Ye Wan Wan nang maihatid niya ang batang lalaki.

Saan uuwi si Tang Tang?

Malapit nang umuwi si Si Ye Han at magkakaroon ng malaking kaguluhan kapag nakita niyang kasama ni Ye Wan Wan si Tang Tang sa bahay. Paano na lang kapag nakita siya ni Si Ye Han...

Hindi niya pa rin pwedeng iwan na lamang sa ibang bahay ang batang ito ng mag-isa. Malayo ang binyahe ni Tang Tang para makita ang kanyang ina.

"Maupo ka muna, Tang Tang. May kukunin lang si mommy. Babalik rin agad ako," sabi ni Ye Wan Wan.

Nie Tangxiao: "Okay."

Nilabas ni Ye Wan Wan ang kanyang phone at pumunta siya sa may bakuran.

Si Nie Tang Xiao na nasa likod ay tiningnan si Ye Wan Wan na nagmamadaling lumabas at biglang napatingin sa baba ang batang ito.

Binuksan ni Ye Wan Wan ang WeChat group na kasama ang lima nang makarating siya sa bakuran at galit na galit siyang nag-type—

[Famous Ye: Name.less.Nie. LUMABAS KA NGAYON DIN!!!]

Tahimik ang group chat at walang sumagot ni-isa sa kanila.

Wala nang magawa si Ye Wan Wan. Ang magagawa niya na lamang ay mainis at magpadala sa kanila ng ampaw na may pera.

Ngunit wala sa kanila ang tumanggap ng ampaw.

Ngumisi si Ye Wan Wan at nagpadala muli siya ng ng ampaw na may halagang $100.

Wala pa rin sa kanila ang tumanggap ng pera.

Ayaw nilang subukan na tanggapin ang pera dahil natatakot sila.

Sa oras na iyon, may limang tao na naka-squat sa ilalim ng isang bridge ng Imperial City.

Nanginig ang mga kamay ni Nameless Nie nang makita niya ang mga messages sa kanilang WeChat group, "Puntahan niyong lahat si Famous Ye!"

Muntikan nang hawakan ni Spray of Flowers ang ampaw, pero nilayo niya ang kanyang mga kamay na hindi na niya nako-kontrol, umiling siya sa sobrang takot na nararamdaman niya. "Ano? Hin… hindi ako pupunta doon! Yung deboto na lang ang pupunta doon! Dali! Tinatawag ka ni Kapitan! Ikaw ang pinaka-pinagkakatiwalaan na confidant ni kapitan, hindi ba?"

avataravatar
Next chapter