73 Love at first sight

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sa harap niya ay isang babae na nakasuot ng kulay-rosas na bestida, may mahaba at maitim na buhok, at mala-nyeba na kaputian at kinis ng balat. Ang makita ang mga matang iyon… kasing liwanag ng mga bituin sa langit, kumikislap na parang maliwanag na repleksyon sa tubig. Mukhang kakatapos lang ng dalaga sa pagiyak, kaya napahawak siya sa kanyang dibdib...

Kung ang kilalang muse ng eskwelahan na si Cheng Zue ay maganda na, itong babaeng nasa harap niya ngayon ay para namang isang anghel na nahulog mula sa langit.

Parang natamaan ng matindi si Ling Dong sa kanyang nakita. Kumabog ang dibdib na halos hindi na siya makapagisip ng matino, hindi na mapakali sa kanyang nararamdaman.

Sanay naman na si Ye Wan Wan sa ganitong ekspresyon ni Ling Dong tuwing magkakabanggaan sila. Pero sa pagkakataong ito, may kung anong kakaibang nangyayari sa eskpresyon ni Ling Dong ngayon.

Gulat na gulat si Ling Dong na animo'y nakakita ng multo, pero maya-maya'y namula ang kanyang pisngi. Nagiba ang kanyang mga titig at saka binitawan si Ye Wan Wan na para bang nakuryente. Tila bigla siyang ahiya at kinabahan nang titigan ang dalaga at saka nagsalita na parang nabubulol, "Ikaw...ikaw si Ye Wan Wan?"

Itinaas ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay at saka hinawakan ang kanyang mukha. Sa kanyang pagkakaalala, umalis siya sa lumang bahay na nakasuot ng maayos na bestida at walang anumang kolorete sa mukha.

Siguradong magugulat niya ang mga kakalse niya kapag wala siyang suot na makeup.

Dahil na rin sa nakita na siya ni Ling Dong, hindi na na siya makakatanggi pa. Ngumit siya at nagsabi, "Hindi ako naglagay ng makeup ngayong araw, pasensya na kung natakot kita."

Saka na agad tumalikod at lumakad papalayo matapos magsalita.

Nang makaalis na si Ye Wan Wan, nanatili pa rin sa kinatatayuan niya si Ling Dong na animo'y nananaginip pa rin siya.

Anong...anong nangyayari?

Mas maganda pa ang babaeng iyon kay Cheng Xue...pero ang pangit na Ye Wan Wan nga ba talaga ang babaeng iyon?

Pero paanong...

Mabilis at uugod-ugod na pumanik si Ling Dong pabalik ng hostel na animo'y nananaginip pa.

Nang makita na lulundoy-lundoy si Ling Dong, agad siyang binati ng tatlong lalaki sa hostel.

Masayang bumati sa kanya ang isa sa kanila na may maigsing buhok habang hawak ang sigarilyo, "Dong, nandito ka na pala!"

Habang nakikitang naglalakad padiretso si Ling Dong sa kanyang tulugan at doon naupo na walang anumang reaksyon, tumitig sa kanya ang bumating lalaki kanina, "Uhm, Dong, ayos ka lang ba? May problema ba?"

Napabangon naman bigla ang lalaki na sa itaas na palapag ng kama ni Ling Dong at saka nagaalalang nakakatitig sa kaibigan, "Dong, huwag mo naman kaming takutin!"

Samantalang ang naka-topless naman na lalaki na may suot na malaking pantalon ay galit na nagsalita, "Damn, siraulo talaga ang halimaw na Zhao Xing Zhou na 'yun! Dahil lang ba nabuhusan lang siya ng isang timba ng tubig, kailangan ka niyang pahirapan ng ganyan? Tingnan mo ang ginawa niya sa'yo Dong!"

"Kasalanan talaga 'yan ng pangit na halimaw na Ye Wan Wan na 'yan! Huwag ka nang mainis, Dong. Tuturuan namin ng leksyon ang bratinella na 'yun bukas! Tutulungan namin kayo ni Cheng Xue na makaganti!"

Abala ang tatlong lalaki sa pagpaplano ng gagawin nilang paghihiganti pero maya-maya'y nakaramdam sila ng parang may kakaiba sa ekspresyon ni Ling Dong. Namumula ang buong mukha niya, mula sa tainga hanggang sa kanyang leeg at sunod-sunod ang pagbulong niya ng mga bagay-bagay, "Imposible", "Paano siya naging maganda?" at mga salitang, "Para siyang diwata…"

Nagtinginan sa isa't-isa ang tatlong lalaki. Sa hitsura ni Ling Dong, mukhang hindi siya pinagmalupitan ni Zhao Xing Zhou hanggang sa mawala siya sa ulirat. Sa halip, mukha siyang batang tinedyer na inlove...

Hanggang sa mga oras na iyon, hindi narining ni Ling Dong ang mga kasama niya sa silid, kahit ang mapansin niyang kanina pa siya tinitigan habang namumula at parang nananaginip ay hindi niya rin pansin.

Sa pagkakatulala niya, may bigla siyang naramdaman sa kanyang palad.

Marahan niyang binuksan ang palad at nakita ang kulay-rosas na maliit at kinunot na bulaklak na hindi niya sinasadyang nahila sa damit ni Ye Wan Wan.

Habang tinititigan ang maliit na bulaklak, agad na bumalik sa ulirat si Ling Dong.

Hindi nga ito panaginip?

Totoo nga, si Ye Wan Wan nga ang babaeng iyon!

Ang walang kamakeup-makeup na mukha ni Ye Wan Wan ay hindi pangit, kundi, maganda?

Parang hindi kapani-paniwala!!!

avataravatar
Next chapter