128 Loko-loko ba siya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang laban ngayong araw ay ang huling laban ng basketball team para sa mga seniors. Farewell match ito kaya lubusang pinag-kumpulan ito ng mga tao.

Tumayo si Ye Wan Wan sa may pintuan at sinuri ng maigi ang palaruan. Nakita niya ang dalawang team na naghahanda ngunit hindi niya nakita si Chu Feng. Marahil hindi pa din siya dumadating.

Ang matangkad at malaking katawan ni Song Zi Hang ang nangingibabaw sa pangalawang hilera ng arena.

Kasama niyang nakaupo sina Shen Meng Qi, Fang Qi at ang iba pang mga babae sa class A.

Kumikinang ang mata ng mga babae habang nakatingin kay Song Zi Hang na para bang sinasamba nila ito.

Ngunit para sa mga mata ni Song Zi Hang nag-iisa lamang si Shen Meng Qi.

Tinignan ni Song Zi Hang ang mga babae sa kaniyang harapan at maramdamin niyang sinabi, "Salamat sa pag punta niyo para suportahan kami!"

"Haha, Captain Song. Baka si Meng Qi yung dapat mong pasalamatan, pumunta siya para panoorin ka! Hindi naman namin sinasadyang pumunta dito!"

"Dahil sa suporta ni Meng Qi, siguradong home game na ito ni Captain Song! Tiyak na matatalo niya ang Jin Xiu!"

"Sa kapangyarihan ng pag-ibig! Sigurado iyan!"

Si Shen Meng Qi ay nagmukang bata at elegante dahil sa kaniyang suot na mahabang berdeng bestida. Namula siya nang tinignan niya ang mga taong nang aasar sa kaniya, "'Wag nga kayong mambola! Dapat lang talaga na suportahan natin yung basketball team natin!"

Nagmamasid naman si Ye Wan Wan mula sa malayo ….

Hindi man lamang naka-tanggap kahit isang papuri si Jiang Yan Ran kahit na ito ay nag bigay na ng mga tubig, pagkain at pati na rin malinis na damit sa buong basketball team. Sa kabilang banda, nakaupo lang si Shen Meng Qi para manood ay tuwang-tuwa naman na si Song Zi Hang.

"Ayos ka lang ba?" nagaaalalang tinignan ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran.

Huminga ng malalim si Jiang Yan Ran at inalis ang tingin sa dalawang taong naglalandian. "Ayos lang ako, halika na."

Simula ng mag-reply si Song Zi Hang sa forum, nagkaroon na siya ng lakas ng loob para ligawan si Shen Meng Qi.

Naglakad ang dalawa papunta sa unang hilera ng mga upuan.

Nang makita ng mga manunuod sa basketball court si Ye Wan Wan, nagsimula na silang mag bulungan. Dahil sa reputasyon na meron si Ye Wan Wan kaya hindi na naging ganon ka-interesado ang mga tao sa kaniya. At dali-daling nabaling ang atensyon ng lahat sa taong nasa likuran ni Ye Wan Wan.

Nag liwanag ang mata ng lahat ng makita nila si Jiang Yan Ran.

Lalo na ang mga lalaki!

"Wow! Tignan mo! Ang ganda!"

"Saang klase galing si ganda? Bakit ngayon ko lang siya nakita?"

"Eh? Hindi ba si Jiang Yan Ran yan, galing sa class A? Nag bago lang ang ayos ng kaniyang buhok at pananamit!"

"Sh*t! Bulag na yata ako! Hindi ko inaakalang magiging ganto kaganda si Jiang Yan Ran! Ang ganda-ganda din ng hubog niya!"

...

Ang kaguluhan sa may basketball court ay agad naka-agaw ng atensyon nila Shen Meng Qi at Song Zi Hang mula sa pinaka harapan, at lumingon sila para tignan ito.

Nakaramdam ng galit si Song Zi Hang nang marinig niya na may bumanggit ng pangalan na "Jiang Yan Ran".

Talaga bang hindi pa din sumusuko ang babaeng ito sa akin at dumating pa para lalo akong guluhin?

Ikinunot ni Song Zi Hang ang kaniyang kilay at sinundan ang tingin ng mga tao. At sa mga sumunod na sandali, siya ay nagulat.

Nakita niya sa kaniyang harapan ang isang babaeng nakasuot ng bulaklaking bestida na may antigong naka imprenta rito, kita sa telang ito ang ganda ng hubog ni Jiang Yan Ran at ang kaniyang kulot na brown na buhok ay lalong nag paganda sa kaniya, malayo sa dati at simple niyang itsura.

Hindi makapagsalita ang mga lalaki dahil sa kagandahan ng babaeng ito… si Jiang Yan Ran!

Hindi makapaniwala si Song Zi Hang sa kaniyang nakita.

Sa mga sandaling iyon, lalo pang lumakas ang hiyawan, matapos makita nila Song Zi Hang at Shen Meng Qi.

"Hoy? Hindi ba mas maganda si Jiang Yan Ran kesa kay Shen Meng Qi?"

Tiyak na maganda nga si Shen Meng Qi dahil sa kaniyang itsura lalo na dahil maayos siyang manamit at mag makeup, ngunit kung ikukumpara sa alindog ni Jiang Yan Ran, si Shen Meng Qi ay pangkaraniwan lang.

"Hindi ko talaga masabi minsan. Pero sa totoo lang mas maganda siya talaga!"

"Hindi ba napaka hangal ni Song Zi Hang? Dahil nakuha niyang ipagpalit ang taong galing sa maganda at masaganang pamilya para lang sa isang taong masagwa. Kung iisipin mo, si Jiang Yan Ran ay galing sa maayos na pamilya kesa kay Shen Meng Qi; ang ama ni Jiang Yan Ran ay isang sikat na direktor at ang kaniyang ina ay kilalang screenwriter habang ang ama ni Shen Meng Qi ay drayber lang ni Ye Wan Wan.

Ang lahat ng mga komentong ito ay narinig ni Song Zi Hang at Shen Meng Qi

Ang mukha ni Song Zi Hang ay hindi maipinta at habang si Shen Meng Qi naman ay namumutla.

avataravatar
Next chapter