803 Lasingin siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Kahit na tumatanda na si Ye Hong Wei, may malaking importansya pa din siya sa kanyang kalagayan at sa mga sinabi ni Mei Xuan ngayong gabi ay sapat na para magkaroon ng sama ng loob sa puso ng matanda...

Kinagabihan, sa bahay ng mga Ye.

Napakunot ng mga kilay si Tan Yilan, "Hong Wei, ano sa tingin mo 'yung insidente ngayong gabi? Pinipilit nila Liang Mei Xuan at Yiyi na sinisiraan lang sila ni Ye Wan Wan at tingin ko sa karakter ni Mei Xuan, hindi niya masasabi ang mga ganoong bagay. Tsaka, testigo si Yiyi sa nangyari...

Nanuya ang matandang lalaki, "Syempre kakampihan ni Yiyi ang nanay niya at para kay Wan Wan naman, tingin mo ba na may utak ang babaeng iyon para magkaroon ng masamang balak sa mga tao? Baka sinabi talaga ni Mei Xuan ang mga bagay na iyon!"

Pinag-isipan muli ito ni Tan Yilan - ang kanyang apo ay masyadong sagasa at mapusok; alam niya lang kung paano mag-ingay at wala siyang isip para magplano at paglaruan ang mga isip ng tao.

Pinag-isipan ito ng matanda at sabi, "Masyado nang nagiging sakim at ambisosya si Mei Xuan - hindi pa ako patay, pero nag-uumpisa na siyang umasa sa araw na magkakaroon na siya ng kontrol sa lahat!"

Sabi ni Tan Yilan, "May gusot nga si Mei Xuan kay Wan Jun at may mga hindi siya nakakatuwang kumento kapag galit siya. Pero naging tapat ang batang ito at hindi tayo susumpain no'n, tingin ko sumobra lang ng kaunti si Wan Wan."

Nanuya ang matandang lalaki, "Kahit na hindi niya iyon sabihin, sigurado ka ba na hindi pumasok ang mga iyon sa isip nila Shao An at ng asawa niya?"

Naghimutok si Tan Yila, "Sa totoo lang, hindi naman mali na maghangad ng kapangyarihan. Hindi na pwedeng umasa ang mga Ye sa pangunahing sangay at makakaasa na lang tayo sa lumawak na suporta ng pamilya. Dadating din ang panahon na makukuha nila ang mana at magkakaroon ng kontrol sa mga Ye…"

Kumisap ang mga mata ng lalaki, "Hindi naman totoo iyan!"

Nabigo ang panganay niya dinismaya siya habang ang apo niyang lalaki ay ignorante at inkompetente, walang pag-asa. Habang ang sumosobra niyang apo na babae, wala naman nang kailangan masabi sa kanya. Kahibangan na ang buong pangunahing sangay.

Hindi niya gugustuhin na ang dugo, pawis at luha na pinaghirapan niya sa buong buhay niya ay masisira lang as mga kamay ng sumunod na henerasyon, kaya hindi siya mag-aalinlangan na parusahan ang sarili niya pamilya kapag hustisya na ang nagsabi. Pero hindi pa huli ang lahat at hanggang ngayon, hindi pa napipili ang magiging tagapagmana.

"Kita ko na magaling ang mga ginagawa nila Mu Fan at Wan Wan kamakailan lang!" bulong ng matandang lalaki.

Sumang-ayon si Tan Yilan, "Kung kaya talagang magbago ni Mu Fan, mas maigi iyon, pero natatakot ako na sa karakter niya, hindi siya magtatagal - hindi naman sa hindi na ito nangyari noon."

Sabi ng matandang lalaki, "'Wag kang magmadali, mag-antay tayo at tignan natin."

Pearl River Regal Riviera:

Matapos na makarating si Ye Wan Wan sa apartment, hininto niya ang kotse at pinababa si Ye Mu Fan, "Andito na tayo. Pwede ka ng bumaba."

"Hindi ka babalik?" pagkunot ng mga kilay ni Ye Mu Fan.

Ye Wan Wan: "Hindi, may date ako."

Nairita si Ye Mu Fan, "Nagbibiro ka ba? Kakagaling niyo lang sa bakasyon at kinikita niyo pa din ang isa't isa araw araw - hindi ka ba nanyayamot?!"

Nanuya si Ye Wan Wan, "Hindi maiintindihan ng mga single na asong tulad mo."

Ang totoo ay hindi magkasamang bumalik silang dalawa ni Si Ye Han dahil sa mag-isa lang siyang pumunta ng Myanmar. Sabi nga nila, "Mag nagmimithi ang puso sa pagliban." Bigla na lang siyang umalis kagabi kaya syempre, kailangan niyang bumawi ngayong gabi.

"P*ta…" para bang nasaksak ang puso ni Ye Mu Fan. Hindi niya aakalain na dadating ang araw na may magtatawag sa kanyang ng single na aso.

Aalis na sana si Ye Mu Fan nang lumingon si Ye Wan Wan at pinigilan siya. "Ah sandali sandali, ge. Dinig ko may nagbigay sa iyo ng bote ng wine?"

Kamakailan lang, naging maayos ang takbo ng mga bagay at nagawa pa nilang "abusuhin" si Liang Mei Xuan ngayon. Masaya siya ngayon at biglang gustong uminom ng kaunting alak.

Tulad ng kung paano niya biglang gustong kumain ng almond cakes.

Nalilitong tinignan siya ni Ye Mu Fan. "Oo, may nagbigay sa akin ng bote ng Romanee-Conti - anong iniisip mo?"

avataravatar
Next chapter