303 Lasing

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Han Xian Yu: "..."

Nakangiti si Ye Wan Wan habang nakatingin kay Qiao Ke Xin. "Gusto ba ako ni jie jie?"

Mabilis na tumibok ang puso ni Qiao Ke Xin dahil sa kumikinang na mga mata ni Ye Wan Wan.

Marami na siyang nakita na mga gwapong lalaki noon, marami sa kanila ay mga bata pa, pero ang lalaking nasa harapan niya ay mas kaakit-akit.

Ang mga lalaking naka-date ni Qiao Ke Xin ay mga top-notch hunks, pero habang tumatagal, hindi na siya natutuwa sa kanila dahil parang silang mga clones na ginawa sa production line.

Pero si Ye Bai… si Ye Bai ay mag-isang nakaupo. Kahit pisikal siyang nasa maingay na party, napakalalim niyang nag-iisip na para bang nasa loob siya ng isang bamboo forest, kontento at hindi naapektuhan sa mga nangyayari sa kanyang paligid. Umiinom rin sya ng mag-isa at nakakaramdam siya ng pangungulila na hindi dahil sa kanyang edad, pero higit pa dito...

Malayo palang si Qiao Ke Xin, naaakit na agad siya kay Ye Bai at hindi lang siya nag-iisa sa party na iyon ang nakararamdam nito.

Naguluhan si Han Xian Yu nang makita niya si Ye Bai na biglang nagbago ang personalidad. Naubo siya at sinabi, "Sorry, lasing na kasi siya eh…"

Hindi ko inakala na ganito pala malasing ang lalaking ito! Kaya naman pala ayaw ng girlfriend niyang umiinom siya! Delikado pala!

Wala nang kontrol si Han Xian Yu kay Ye Wan Wan. Hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang sinabi kanina ni Han Xia Yu at nagkusa na siyang makipag-usap kay Qiao Ke Xin, "Jie jie, gusto mo bang basahin ko ang palad mo?"

Natuwa si Qiao Ke Xin habang lumilipat siya sa tabi ni Ye Bai at interesado siyang nagtanong, "Alam mo ba kung paano magbasa ng palad?"

"Mahusay akong magbasa ng palad!" Pagkatingin ng binata sa babae, ang mala-peach blossom na mga mata niya ay may kakayanang manghipan ng bulaklak papalayo. Kaya nitong magpakilig ng babae.

Paulit-ulit nang nakita ni Quo Ke Xin ang galaw na ito para maakit siya ng mga lalaki, pero kahit papano, naisip niyang kakaiba ang epekto nung ginawa iyon ni Ye Bai.

Inunat niya papalapit kay Ye Wan Wan ang mga kamay niyang may red manicure. "Ah, ganun ba? Sige sabihin mo sa akin… sni ang makakatanggap ng Golden Orchid best actress award ngayong taon? Ako ba iyon?"

Pa-bida niyang nilagay ni Qiao Ke Xin ang kamay niya kay Ye Wan Wan, nagsalita siya habang tinitingnan niya ang mga linya ng kamay ni Qiao Ke Qin, "Ang makakatanggap ng leading actress award ngayong taon ay si… malamang ikaw, jie jie!"

Natatandaan ni Ye Wan Wan sa nakaraang buhay niya ang lahat ng nakatanggap ng award noong nanood siya ng Golden Orchid award ceremony.

Tumawa at umungol-ungol si Qiao Ke Xin, pinapakita niyang hindi siya natutuwa sa sagot ni Ye Wan Wan. "Hindi naman totoo ang pambobola mo!"

Alam ng lahat na ibang pinaka maganda at pinaka sikat na aktress sa panahon na iyon. 

Nagsalita ng seryosong-seryoso ang binata, "Hindi kita binobola, jie jie, ikaw talaga ang makakatanggap ng Golden Orchid best actress award ngayong taon. At hindi lang ikaw ang alam kong makakatanggap ng parangal, hinuhulaan ko rin ang ibang makakatanggap ng mga parangal… ang best actor award ay mapupunta kay senior Li Zhong Yi, ang best supporting actress naman ay mapupunta kay Lin Jia Yin, best supporting actor ay mapupunta kay Meng Liang Jue at ang best newcomer ay mapupunta kay…"

Hindi napigilan ni Qiao Ke Xin na tumawa ng malakas. "Pfff, ngayon alam ko na ang ibig sabihin ng taong "tulak lang ng bibig"!"

Walang magawa si Han Xian Yu kundi makinig na lang sa walang kwentang pinagsasabi ni Ye Bai.

Napansin ni Ye Bai na hindi naniniwala sa kanya si Qiao Ke Xin kaya sinabi niya, "Jie jie, seryoso ako. Magpustahan tayo kung hindi ka naniniwala sa akin!"

"Sige, anong pusta mo?" natawa sa kanya si Qiao Ke Xin.

Nag-iba ang tingin ng binata. "Jie jie, pwede mong gawin ang kahit anong gusto mong gawin sa akin kapag may mali sa mga sinabi kong mananalo at natalo ako. Pero, kapag ako ang nanalo…"

"Ano naman… kapag nanalo ka?"

"Hahalikan mo ako." sabi ni Ye Wan Wan

Namula ang mga pisngi ni Qiao Ke Xin dahil nabigla siya sa sinabi ni Ye Bai. "Bastos ka…"

Nanood lang si Han Xian Yu sa panlalandi ni Ye Bai. Naiinis siya sa kanyang nakikita at halos sumakit ang kamay niya habang naka-talumbaba, "Ye Bai, tumigil ka na sa kaka-kulit mo!"

Bro, nakalimutan mo ba na may girlfriend ka? Hindi ka ba nakokonsensya?

avataravatar
Next chapter