1164 Lampas Langit!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Hindi sumagot si Ye Wan Wan. Nakita niya na maingat na lumingon si Jiang Yan Ran at tiningnan siya nito mula sa harapan. Napansin niya na kinakabahan si Jiang Yan Ran.

Pinakalma ng mga mata ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran noong tiningnan siya ng kanyang kaibigan. Doon lamang siya naging mahinahon kaya tumalikod na muli siya.

Naramdaman ni Gong Xu na may nilalandi si Ye Wan Wan dahil sa mga tingin niya, ngunit hindi mahanap ang sinususpetya niyang tao na nilalandi ni Ye Wan Wan.

Baka masyado lang akong nag-iisip?

Punyeta, punyeta! Gong Xu, kumalma ka! Hindi ka bakla!

Anong problema mo?! Bakit masyado mong pinapansin ang isang lalaki...

"Iniimbitahan namin ang nanalo ng nakaraang taong Best Actress ng Golden Orchid Award na si Qiao Ke Xin, para tulungan tayong i-present ang Best Actress Award!" Nag-anunsyo ang host.

Nagpalakpakan ang mga tao...

"Eh? Ang guest presenter ay si Sister Ke Xin?" Nagtataka si Gong Xu kung bakit interesado si Ye Bai sa parangal na ito noong nagsalita siya.

Magkaibigan lamang si Brother Ye at Qiao Ke Xin. Wala namang malisya ang relasyon nila, 'di ba...

P*ta P*ta P*ta! Bakit iniisip ko na naman si Ye Bai...

Tumigil ka!

"Salamat sa inyo!" Ang ganda ni Qiao Ke Xin noong umakyat siya sa entablado. "Salamat sa Golden Orchid Awards dahil inimbitahan niyo ako dito! Alam ko naman na pagod na sa kakahintay ang lahat, kaya hindi ko na pahuhulain pa sa inyo at sasabihin ko na kaagad ang resulta!"

Si Qiao Ke Xin nga talaga iyon. Mas diretso niyang prinesenta ang parangal mga kumpara sa iba. Natawa ang mga manonood nang marinig nila ang sinabi niya.

Pagkatapos niyang magsalita, binuksan niya ang envelope at tiningnan niya ang isang tao sa ilalim ng entablado nang mag-anunsyo siya, "Ang Best Actress ng ngayong taong Golden Orchid Awards ay si… Jiang Yan Ran ng Jasmine!"

Maririnig sa lugar ang malakas na palakpakan pagkatapos magsalita ni Qiao Ke Xin.

Buong pusong tatanggapin ng lahat ang resultang ito dahil ito ang huling pelikula na ginawa ni Director Peng Yuan Hu bago siya mag-retiro.

At tsaka, mahusay ang naging performance ng baguhan na si Jiang Yan Ran sa pelikulang iyon. Maraming natanggap na magandang reviews ang pelikula nila noong nilabas ito sa sine.

Maraming agencies ang nagpa-planong kunin ang napaka-talentadong bagong artista na ito.

Tataas ang net worth ni Jiang Yan Ran at magiging maganda ang kinabukasan niya bilang artista dahil nanalo siya, sa una niyang pelikula, ng Best Actress sa Golden Orchid Awards.

Lalong nainis si Ye Yiyi noong narinig niya ang resulta.

Hindi nila napanalunan amg Best Actor at natalo rin sila sa Best Actress. Ito ang dalawang pinaka-importanteng awards! Ang ibang mga awards ay walang kwenta kahit na ilan pa ang napanalunan nila!

Nagsalita si Vice President Wei habang pinupunasan niya ang kanyang pawis, "Ahem… malakas talaga ang pelikula ni Director Peng… at… wala na tayong magagawa… mabuti na lang at hindi Worldwide ang nakakuha…"

Nag-iba ang tingin ni Ye Yiyi at agad siyang nagtanong, "Anong agency ang may hawak kay Jiang Yan Ran?"

Agad rin na sumagot si Tan Wei. "Sasabihin ko pa lang sana ito. Inobserbahan ko na itong baguhan na ito noon. Wala pa siyang agency sa ngayon, kaya pwede natin siyang kunin!"

Lalong ginanahan si Ye Yiyi, "Kailangan natin siyang makuha kahit magkano pa ang presyo niya!"

Sumagot si Tan Wei, "Aasikasuhin ko iyom pagkatapos ng award ceremony! Huwag kang mag-alala! Sa atin mapupunta ang Best Actress!"

"Congratulations! Maaari kang umakyat sa taas ng entablado para makuha mo ang iyong parangal, Miss Jiang Yan Ran!" Sabi ng host.

Namula ang mga mata ni Jiang Yan Ran noong niyakap niya ang bawat miyembro ng cast at crew na katabi niya.

Sa lahat ng taong nandoon, tiningnan ni Jiang Yan Ran si Ye Wan Wan at pagkatapos ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa entablado.

"P*ta… paano nangyari iyon?!" Tinitigan ni Ye Mu Fan ang kanyang kapatid na ito ay parang isang seletyal na nilalang.

Dalawang Best Actor at isang Best Actress! Lampas langit talaga ang abilidad ng babaeng ito…!

avataravatar
Next chapter