504 Lalaki o babae ang kikitain niya?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Umupo sa likod si Ye Wan Wan at tiningnan niya ang naiinis na si Liu Ying na nakaupo sa passenger seat. Isa sa mga tauhan ni Liu Ying na si Song Jing, ang nagmaneho ng kotse.

Tiningnan ni Song Jing si Ye Wan Wan sa may rearview mirror at dahan-dahan niyang sinabi. "Kapitan, 'wag ka nang magalit. Gusto siya ni BOSS kaya ano pa bang magagawa natin?"

"Manahimik ka!" halata na bad mood na si Liu Ying.

Isang malaking kahihiyan sa kanya na samahan ang babaeng ito.

"Ay…" huminto nang magsalita si Song Jing.

Ilang minuto na silang nagmamaneho at biglang nagsalita ulit si Song Jing dahil ayaw niya ang katahimikan: "Kapitan, tingin ko man na mas bagay si diyosang Ruo Xi na maging future mistress ng sambahayang Si, pero maganda rin naman na si Ye Wan Wan na maging future mistress, 'di ba?"

"Sige, kalimutan na atin ang usapang itsura, hindi ba't normal lang sa babae na maging mareklamo? Hindi malaking problema ito! At saka, makatotohanan siyang umakto kahit binigyan siya ng impormasyon ng espiya noong pumunta tayo sa country B - katangi-tanging kakayahan iyon! Kahit ang tauhan natin ay napaniwala niya!"

Buti na lang at andoon si Ye Wan Wan para iligtas siya noong oras na iyon, kaya malaki ang pagpapasalamat ni Song Jin sa kanya.

Patay na siguro siya kung hindi pinakita ni Ye Wan Wan ang kahinaan ni Eugene.

Ngumisi si Liu Ying at nagsalita siya ng malakas ang kanyang boses, sinadya niyang iparinig ang sasabihin niya kay Ye Wan Wan: "Tsk, ang galing niya palang umarte. Bakit hindi na lang siya mag-artista?"

Sa upuan sa likod, hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang pangangasar ni Liu Ying at ang bumalot sa kanyang isipan ay sila Jiang Yan Ran at Chu Feng.

Kalahating oras ang lumipas at sa wakas, huminto ang kotse sa entrance ng Scarlet Bar.

Mabilis na lumabas ng kotse si Ye Wan Wan at brisko siyang naglakad patungo sa bar.

"Bakit pupunta si Miss Ye sa bar ng ganitong oras? Makikipag kita ba siya sa babae o lalaki?" binulong ni Song Jing sa loob ng kotse.

Umakto na parang walang pakialam si Liu Ying at humalukipkip siya.

Matingkad ang ilaw at nakakabingi ang tugtog sa loob ng bar.

Pilit na pumasok sa masisikip na pagitan ng maraming tao si Ye Wan Wan at sa wakas ay nakita na niya si Jiang Yan Ran na nakahiga sa isang booth.

"Yan Ran!"

Nakahinga na ng maayos si Ye Wan Wan nang makita ang kanyang kaibigan.

Dahan-dahan na tumaas ang ulo ni Jiang Yan Ran nang marinig niya ang pamilyar na boses habang tuliro siyang nakatingin kay Ye Wan Wan.

Sa oras na mapagtanto ni Jiang Yan Ran kung sino ang taong iyon, namula ang kanyang mga mata at ngumiti siya. "Andito ka na pala, Wan Wan…"

Kumunot si Ye Wan Wan a naglakad patungo sa babaeng pilit na ngumingiti.

Walang kahit anong sinabi si Ye Wan Wan. Dahan-dahan niyang niyakap ang kanyang kaibigan habang hinahaplos ang likuran niya.

Ang luha na pinipigilan ni Jiang Yan Ran ay pilit na lumabas habang kumikibo ang kanyang katawan.

Sa oras rin na iyon, nakaupo sa malapit na booth si Song Jin at Liu Ying.

"Ah, babae ang kinita niya… kaya pala…" bulong ni Song Jing.

Nang kumalma na si Jiang Yan Ran, tinanong na siya ni Ye Wan Wan, "Anong nangyari?"

Napahawak sa noo si Jiang Yan Ran, "Tulad nga ng sinabi ko sayo kanina…"

Ye Wan Wan: "Sigurado ka ba na baka kamag-anak lang ni Chu Feng ang babaeng iyon? Baka pinsan niya?"

Umiling si Jiang Yan Ran. "Chineck ko na at hindi niya ito kaano-ano…"

"May litrato ka ba ng babaeng iyon?" patuloy na nagtatanong si Ye Wan Wan.

Kinuha ni Jiang Yan Ran ang phone niya. "Patago ko silang kinuhanan ng litrato noong nakita ko sila nung araw na iyon…"

Pinakita ni Jiang Yan Ran ang isang litrato sa photo album niya.

Mabilis niyang kinuha ang phone ni Jiang Yan Ran at nakita niya ang shopping center sa background.

May isang babae na nag-shopping habang si Chu Feng ay nakasunod sa kanya na may hawak na maraming shopping bags sa kanyang mga kamay...

avataravatar
Next chapter