510 Lahat kayo! Kunin niyo siya!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nakalabas na ang isang paa ni Song Jing at handa na siyang makipaglaban pero sa huli, nasilayan niya ang sugatan na si Chen Shi Jie.

Sa anggulo kung saan siya, nakita niya na binali ni Ye Wan Wan ang pupulsuhan. Ni Chen Shi Jie at baling-bali talaga ang buto niya.

Mabilis niyang binali ang kamay!

Hindi lang si Song Jing ang nagulat pero ang walang pakialam na si Liu Ying ay biglang nanigas rin nang nakita niya iyon.

A...anong nangyari?

Matapos ang nakakasakal na katahimikan, bumalik na sa katinuan ang pag-iisip ng mga alalay ni Chen Shi Jie.

Anong ito? Paano nagawa ng isang babae 'yon? Paano napatumba at napatalsik ng isang babae ang malaking lalaki na si young master Che.

Hindi na nakapag-isip ang blondie. Balisa siya tumakbo papunta kay Chen Shi Jie para tingnan ang kanyang kondisyon. "Young master Chen! Gising ka young master Chen…"

Dahan-dahan na nagising si Chen Shi Jie pero nagulat siya sa sobrang sakit na naramdaman niya sa kanyang dibdib at pupulsuhan, kaya bigla ulit siyang umungol sa sakit. "Ah… kamay… kamay ko…"

Tinitigan ng masama ng blondie si Ye Wan Wan at sumigaw siya ng malakas dahil sa sobrang galit. "Pokpok! Sinubukan mo pa talagang saktan si young master Chen! Patay ka ngayon! Kunin niyo siya! Lahat kayo!"

Sumigaw rin si Chen Shi Jie, "Dakipin niyo siya! Amin na ang buhay ng babaeng 'yan!"

Sumugod na parang mga demonyo at halimaw ang mga bodyguards ni Chen Shi Ji kay Ye Wan Wan nang makita nila na natalo ng isang babae ang kanilang young master.

Nasa isang posisyon pa rin na nakatayo ang babae at makikita na wala siyang pakialam, hindi siya gumalaw kahit nakikita niyang sinusugod na siya ng mga bodyguards; binalot ng katumalan ang lasing niyang mga mata.

Nang malapit na ang mga bodyguards sa kanya, doon lamang siya napaliko at unti-unting humakbang.

Tatlo…

Dalawa...

Isang hakbang...

May malakas na "bang" ang narinig sa paligid. Inikot niya ng 180 degrees ang kanyang paa at bigla siyang nag-spinning kick. Hindi nakaiwas ang malapit na bodyguard kaya tumalsik ito nang masipa siya ni Ye Wan Wan.

"Ah——" dumura ng dugo ang lalaki at mabilis siyang nawalan ng malay.

"P***! Anong meron sa babaeng ito?"

Wala na siyang enerhiya noon na lumaban. Paano niya...

Natameme ang blondie. Napaurong siya at pautal-utal siyang nagsalita, "Anong kinakatakot niyo?! Sugurin niyo siya… sugod… sabay-sabay kayong lahat na umatake!"

Lahat sila at naghanda at umatake na parang mga baliw.

Hinablot ni Ye Wan Wan ang isa sa kanila at tinapon niya ang lalaki sa isa pang umaatake, parang nagtapon lang siya ng sandbag, maingat siyang tumalikod at sinipa niya ang lalaki na nasa kanan.

Ang bawat isa sa sampung bodyguards ni Chen Shi Jie ay mag mataas na pagsasanay. Ngunit matapos ng laban nila, nawalan sila ng kapangyarihan na lumaban kay Ye Wan Wan at isa-isa silang nagtalsikan sa bawat suntok ni Ye Wan Wan.

Lumaki ang mata ng isang matipuno at kalbong lalaki. Mabilis siyang gumalaw at sumugod sa likod si Ye Wan Wan.

Natuwa ang kalbo nang makita niya si Ye Wan Wan na hindi handa sa atake niya.

Joke lang!

Alas, biglang may "swish" sa kalbong umatake. Parang may mata sa likod si Ye Wan Wan habang ang mga kamay niya ay pumosisyon ng naka-karate chop. Hinampas niya ang leeg ng kalbo at ito ang kahinaan niya.

"Ah ah…" parang sinakal ng matalas na kamay ang leeg ng kalbo. Mabilis na nakawala ang hangin sa kanyang dibdib at ang mukha ng kalbo ay nag-kulay atay ng baboy.

Binalot ng takot ang kanyang mga mata nang maramdaman niya ang kalapitan ng pagkamatay niya.

Pagkatapos nito, ang lahat ay tumingin sa babae na parang nakatingin sila sa isang multo.

Mukhang kuntento at walang pakialam ang babae. Ito pa rin ang iisang mukha at taong nakita nila kanina, pero parang nagbago ang buong pagkatao niya, at bumalot ang nakakatakot at masahol na awra na pumapalibot sa kanya.

avataravatar
Next chapter