540 Kunin mo po ako bilang disipulo mo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nang makita na gusto pang magsalita ni Ye Wan Wan, mabilis na lumingon si Eleven sa mga bodyguard sa labas ng ring at nag-utos, "Lahat kayo, pumunta kayo dito at makipag-spar kayo kay Miss Wan Wan."

"Huh?!"

Ang mga bodyguards na sumasakit ang tyan kakatawa ay biglang nanigas ang mga ngiti sa mukha nila.

Hindi na sila makatawa pa - may kakaibang talento si Ye Wan Wan at nakita nila kung paano natalo si Eleven sa kanya. Kapag pumunta sila, hindi ba parang nagpapabugbog na sila?

Gayunpaman, dahil sa nautos na ito ni Eleven, hindi na makakatanggi ang mga bodyguard. Hinanda na lang nila ang sarili at pumunta sa ring.

*Pow!*

*Boom!*

*Thump!*

Patuloy na umalingawngaw ang mga iyak ng bodyguard sa silid.

Pitong minuto ang lumipas, may ilang bodyguard na may pasa at magang mga mukha tulad ni Eleven at tinignan nila si Ye Wan Wan na may paghanga at respeto.

Kahit na alam nila na makapangyarihan si Ye Wan Wan nung pinanood nila si Ye Wan Wan mula sa malayo, kakaibang pakiramdam ito nang naranasan nila.

Nagyayabang ang mga bodyguard na mga piling tao sila at magagaling, pero sa harap ni Ye Wan Wan, hindi sila karapat-dapat na banggitin pa.

Hindi nila naisip na ang "mahinang" babae na ito ay may nakakatakot na enerhiya.

"Talaga bang pinahihirapan niyo ako?" tumingin si Ye Wan Wan kay Eleven at mga bodyguard na may mga pasa sa mukha.

"Hindi… hindi hindi hindi…" isa sa mga pihikan na bodyguard ang pinakana-bugbog ni Ye Wan Wan. Walang tigil siyang umiling at nauutal.

Binigay nila ang lahat ng makakaya.

Binigay na nila ang lahat ng lakas nila at kapag umatake pa sila kay Ye Wan Wan, baka namatay na sila mula sa bugbog niya.

Hinaplos ni Ye Wan Wan ang kanyang baba at napa-isip. Hindi niya inaasahan na magiging ganito siya katalentado sa martial arts. Hindi ganoon katagal ang training niya pero natalo niya na ang coach. Kapag nag-train siya ng ilan pang mga tao, wala nang makakatalo sa kanya, 'di ba…?

Sa naisip, pumukaw ang interes niya at may bakas ng pagkasabik ang lumitaw sa kanyang mga mata. "Halika kayo, lahat kayo, sabay-sabay niyo 'kong atakehin! Gamitin niyo ang lakas niyo para atakehin ako."

"Hindi, hindi…"

"Miss Wan Wan… pakawalana mo na po ako, pakiusap…"

"Miss Wan Wan, wala po tayong sama ng loob sa isa't isa…"

"Wan… Wan Wan… Miss… Miss… hin… hindi… ka namin…. Kayang talunin… masyado kang… masyadong… malakas!" pag-utal ng isa sa mga bodyguard. Mukha siyang pihikan at napaatras.

"Miss Wan Wan… pakiusap, gawin mo akong disipulo mo!"

Bigla na lang, lumapit si Eleven kay Ye Wan Wan, yumuko ng 90 degrees sa harap ni Ye Wan Wan.

Nagulat si Ye Wan Wan nang makita ang ginagawa ni Eleven.

Ah? Kunin siya bilang disipulo ko?

Paano kami nagkapalit ng tungkulin bigla ni Eleven...

Halata naman na si Eleven ang coach habang estudyante lang ako...

"Coach Eleven… anong ibig sabihin nito…" gulat ni Ye Wan Wan.

"Miss Wan Wan, seryoso po ako. Alam kong hindi ako ganon kagaling, sana po turuan ako ni Miss Wan Wan ng ilang mga technique. Gusto ko pong lumaban para sa posisyon bilang head captain!" pagngalit ng mga ngipin ni Eleven.

"Wan… Wan Wan… Miss… Miss… pakiusap… kunin… kunin niyo… na rin po ako..." pag-utal muli ng pihikang bodyguard. Kinopya niya si Eleven at yumuko kay Ye Wan Wan. Gayunpaman, seryoso ang mga inutal niya at kinabahan na ang lahat para sa kanya nang marinig nila ang sinabi niya, halos lumamig na din ang pawis nila para sa kanya.

"Miss Wan Wan, ang gusto niya pong sabihin ay gusto niya rin pong tanggapin niyo siya bilang disipulo niyo at turuan niyo po siya ng kung fu!" hindi na nakayanan pang makinig ng isang bodyguard at sumabad na.

avataravatar
Next chapter