472 Kunin mo na lang ako!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Walang pasubali na sumenyas si Gong Xu kay Zhou Wen Bin, na lumayo sa kanya. Gamit ang kanyang mapangakit na mga mata at nakakabighaning itsura, mabilis siyang lumapit upang kuhanin ang parangal para sa iba. "Ye-ge, naayos na ang problema. Diba, sabi ko sa iyo hindi ako kasali dito! Ngunit… nagsimula lang naman ito dahil sa akin, kung kaya para ipakita ang aking paghingi ng kapatawaran, maari ba kitang ilibre ng hapunan?"

Sapilitang ngumiti si Ye Wan Wan at tumingin sa mata ng lalaki na kuminginang gaya ng mga bituin. "Masyadong mabait si young master Gong; hindi na kailanangan ilibre pa."

Nang marinig iyon ni Gong Xu, siya ay kagaad na nataranta at nakaramdam na nakapag iwan siyang hindi magandang impression kay Ye Bai dahil sa pagnakaw nito ng role. Natatakot siya na baka hindi siya payagan ni Ye Bai na makalapit sa kanyang kapatid.

Paano ko hahayaan ito? Naglaan ako ng sobrang effort para lang hanapin ang aking Little Candied Plum!

Kailangan ko makapunta sa mga magagandang libro ni Ye Bai!

Ngunit… paano ko gagawin iyon…

Pakiramdam ni Gong Xu na siya ay nasa hot seat, ngunit ang kanyang mga mata ay biglang nagliwanag at tila mayroong naisip.

Nagpakita ng marunong at magaling na ekspresyon si Gong Xu. Umarteng nagpapaawa, bumuntong hininga siya at sinabi, "Ay, Ye-ge, pangit ang reputasyon ko sa industriya sa mga nakaraang taon, dahil napunta ako sa mga iresponsableng mga manager. Nagdurusa ako dahil sa kanila! Kung kaya humahanga ako kay Luo Chen - mayroon siyang manager Ye-ge na responsable at magaling ang pag-iisip, hindi pa kasama ang gandang lalaki niya!"

"Ye-ge, hindi ko itatago ito sayo - simula ng unang araw na tumuntong ka dito sa kumpanya, alam ko na hindi ka lang ordinaryong tao. Sa dami ng artista sa kumpanyang ito, bakit naman si Luo Chen ang pinili mo, isang tao na may potensyal? Bago mo banggitin iyan maliban kung si Zhou Wen Bin ay ipagpapaliit ako para kay Luo Chen, hindi mo isasaalang-alang ang bitawan si Luo Chen, sobrang ikinararangal ko ito…"

Ye Wanwan: "..."

Habang pinapanuod si Gong Xu, ang great young master na ito na mataas pa sa langit ang ego, ay mahusay na sinubukang makuha ang loob ni Ye Bai ng may pagdagsa ng makalangit na bulaklak, ang itsura ni Zhou Wen Bin ay parang nakakita siya ng isang multo...

Putik! Ano ang meron kay Gong Xu ngayon? Sinasapian ba siya?

Nang si Gong Xu ay matapos, siya ay nagtanong, " Ye-ge, alam mo naman na ang aking kakayahan ay mahina lang, ngunit may puso naman ako na handang masigasig na magtrabaho upang humusay. Magaling magturo si Ye-ge kulang lang talaga ako ng isang talent scout! Kaya… Ye-ge, maaari mo ba akong dalhin?"

Nang makita ni Zhou Wen Bin na pinupuri ni Gong Xu si Ye Wan Wan, ang kanyang mukha ay nalungkot, ngunit ng sandaling marinig niya iyon, nanliit ang kanyang mga mata.

Ang gilid ng mga labi ni Ye Wan Wan ay kumislot. "Dalhin ka?"

Tumango si Gong Xu na para bang manok na tumutuka ng palay. "En en, Ye-ge, gustong-gusto ko magtrabaho sa iyo! Maging manager na lang kita, okay?"

Ye Wanwan: "..."

Para sa ibang mga artista, napakalaking bagay ang magpalit ng manager, ngunit sa pagkakasabi ni Gong Xu, siya ay para lang nag papalit ng relo o telepono.

Sa segundo ng sinabi ni Gong Xu na gusto niyang magpalit ng manager, ang lahat ng kanyang assistant at staff sa loob ng makeup room, kabilang ang mga nanunuod sa may pintuan, ay sobrang nagulat na halos sila ay mapanganga.

tang*na! Ano yung narinig natin?

Talaga bang gusto ni Gong Xu na magpalit ng manager at kusang nagtanong upang magtrabaho sa ilalim ni Ye Bai!

Katakot-takot na namutla ang mukha ni Zhou Wen Bin. biglang nagbago ang kanyang itsura ng humarap siya kay Gong Xu. "Gong… Gong Xu… gusto mo magpalit ng manager? Paano mo na gawa ito?!"

Tumaas ang kilay ni Gong Xu. ang kanyang mata ay biglang napalibutan ng pagmamataas at kasutilan nang sabihin niya, "Ano? Kailangan ko pa bang dumaan sa iyong pag-apruba para lang mag palit ng manager? Sino kaba sa tingin mo?!"

Ang lahat ng kanyang mga nagdaan na mga manager ay napalitan sa isang salita lang mula sa kanya; kahit na si Chu Hong Guang ay nandito, wala siyang magagawa kung ano mang manager ang piliin na makatrabaho ni Gong Xu

Hindi nabahala si Gong Xu kay Zhou Wen Bin. Sa halip, mahinahon siyang lumapit kay Ye Wan Wan at kaibig-ibig na paraan. "Ye-ge, tama ba iyon, tama ba? Pakiusap dalhin mo ako! Pangako masunurin akong makikinig sa iyo. Makikinig ako sa lahat ng sasabihin mo!"

avataravatar
Next chapter