1208 Kunin ang master

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sino kaya ang tatalon mula sa puno tulad ng ginawa mo?" Sumisigaw si Ye Wan Wan nang biglang may tatlong tao ay tumalon rin mula sa puno.

Ang tatlong iyon ay sila Spray of Flowers, Deboto, at ang Dayuhan na tagabuhat ng bricks...

Normal nang magara ang suot ni Spray of Flowers at naka-hang ito kay Nameless nie. Bigla niyang kinawayan si Ye Wan Wan. "Hi, Boss Famous! Nagkita muli tayo!"

Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan habang tinititigan niya ang grupo. "..."

Magkakasama talaga ang mga taong magkakapareho ang utak.

Parang isang ama– ang lalaking ito malamang ay gumawa ng mga anak niya.

Silang tatlo ba ay hindi nasikipan habang magkakasama sila sa isang puno?

Oo nga pala, hindi ba dapat lima sila…? Bakit apat lang ang sumipot?

"Bakit kulang kayo ng isa?" Biglang napatanong si Ye Wan Wan sa apat.

Ang taong yelo na may dalawang kabaong ay mukhang wala dito ngayon?

"Hoy, Patay! Tama na ang kakatulog!" Tinulak ni Nameless Nie si Spray of Flowers sa puno.

*BANG!*

May taong nahulog mula sa puno.

Ito ay isang pasyente sa may sakit ng katamaran.

Naghugis tao ang mga dahon sa puno pinagmulan ng nalaglag na ang Taong Yelo. Wala siyang gana na tumayo doon at tamad rin siyang pagpagin ang dahon at dumi sa kanyang katawan.

Hindi na kayang tingnan ni Ye Wan Wan ang limang nilalang sa kanyang harapan.

Lumapit ang deboto kay Ye Wan Wan at hinadhad niya ang dalawang kamay niya habang siya ay natutuwa. "Boss Famous! Masaya ako dahil nakita kita! Maaari 'ko ba matanong… kung ang bahay mo ay may…"

Nagtanong si Ye Wan Wan, "May ano?"

Biglang sumabad ang dayuhan na tagabuhat ng bricks, "Boss Famous, may tae ba ang bahay mo?"

Ye Wan Wan: "Ano?"

Sinipa ng Deboto ang malaking kahoy sa isang gilid. "Hindi, hindi… itatanong lang sana namin kung… may pagkain ka sa bahay mo?"

Nagulat na naman si Ye Wan Wan. "Huh? Pagkain?"

Mabilis na tumango ang deboto. "Tama, tama. Sa totoo lang kasi, hindi pa kami kumakain ng tatlong araw na…"

Niyakap ni Spray of Flowers si Nameless Nie at walang gana siyang sumabad, "3 araw, 2 oras, at 18 segundo na ang lumipas!"

Ye Wanwan: "…"

Bakit lagi silang miserable kapag nakikita ko sila? Paano sila nabubuhay...

Para kay Baby Tang Tang, sinagot sila ni Ye Wan Wan ng may respeto, "Pumasok muna kayo!"

Lalong naging emosyonal ang deboto. "Boss Famous, na sayo ang puso ni Bodhisattva! Mapupunta ka sa Sukhavati kapag namatay ka na!"

Ye Wanwan: "…"

'Wag mo akong bolahin kung hindi mo alam kung paano...

Biglang nagtanong si Ye Wan Wan nang papasukin niya ang lima sa loob, "Oo nga pala, hindi ko pa kayo natatanong. Bakit nandito kayo? At magkakasama pa kayo na pumunta dito."

Mailap silang lima dahil ilang buwan rin silang hindi nagkita-kita.

Matapat na sumagot ang dayuhan na tagabuhat ng bricks, "Boss Famous, pumunta kami dito para dalhin na pauwi si Young Master Tang Tang."

Biglang nanahimik ang buong paligid pagkatapos magsalita ng dayuhan na tagabuhat ng bricks.

Biglang may malakas na "BANG!" sa isang saglit.

"Nandito kayo para kunin ang master niyo?!?!?!" Pumasok si Ye Wan Wan sa bahay at hinampas pasara ang pintuan.

P*ta! Nandito sila para kunin sa akin si Tang Tang!

Nasa labas ang grupo na may limang miyembro dahil sinaraduhan sila ni Ye Wan Wan pagkatapos silang duraan sa kanilang mga mukha kaya nagulat sila. "..."

Tama… tama...

Nandito kami para kunin ang master namin...

Ang maliit na ninuno ang master natin, 'di ba...

Mukhang inosente ang dayuhan na tagabuhat ng bricks. "May nasabi ba akong mali...?"

Tinitigan ng deboto ang pintuan na nakasara at naramdaman niya ang poot at sakit sa kanyang puso. "Little Sweetie, bobo ka ba?! Sana hinintay mo muna na makakain tayo bago mo sinabi!"

avataravatar
Next chapter