986 Kung talagang may kakayahan ka, patayin mo siya

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Isang lalaki na may bulaklak sa kanyan braso ay malakas na tumawa. "Hey bata, nagtatanong ako kasi nakasuot ka ng ganyan, pero talaga bang katulong ka ni Ye Bai?"

Nagagalak na tumango si Jiaojiao. "Tama!"

"Hahahahahaha… P*ta! Totoo nga!" Lalong tumawa ng malakas si Zhang Wei at ang kanyang mga tauhan.

Hindu lang si Zhang Wei at mga tauhan niya ang nagulat; pati na si Ye Mu Fan at ang iba pa.

Ito… ang batang iyan ay talagang katulong lang ni Ye Bai?

"Paanong nagpadala si Ye-ge sa inyo ng tulong?!" Hindi naiwasang hilain ni Gong Xu ang kanyang manggas.

Ang itsura ng munting loli at lalo pang nagalak. "Dahil ako pinaka kahanga-hanga, kaya pinili ako ni Master!"

Gong Xu: "…"

Sumakit ang ulo ni Ye Mu Fab at patuloy niyabg hinihimas ang kanya sentido. Tinawagan niya ulit si Ye Wan Wan at hindi siya pumunta kaya hindi nita alam kung ano talaga ang nangyayari.

Maaring ang pinadalang tutulong ni Wan Wan at nakasalamuha ng isang aksidente sa daan? At anong meron naman sa batang babae?

Wala ng oras para pag-isipan pa ito ni Ye Mu Fan at sa halip, sinubukan niyang pakalmahin ang mga bagay bagay. 'Zhang-ge, huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Ano ba talaga ang gusto mo?"

Natawa si Zhang Wei. "Haha, bakit umaastang mayabang padin kayo hanggang ngayon? Hindu ba sinabi mo na kukuha kayo ng tao para labanan ako? Ano, takot na ba kayo ngayon? Gusto ninyo bang makipagpalitan sakin? Kung gusto ninyong pag-usapan ang mga bagay bagay sa akin, sige. Lumuhod muna si Gong Xu saka yumuko sa akin ng tatlong beses at tawagin akong grandpa!"

Nangalit ang mga ipin ni Gong Xu. "P*ta! Tawagin kang grandpa? Mas mukha pa akong grandpa sayo! Halika dito! Kung may kakayahan ka, labanan mo ako!"

Seryosong tumango si Jiaojiao doon. "Tama, kung may kakayahan ka sapakain mo siya!"

Gong Xu: "…"

Pakiusap, nagbibiro lang ako ng kaunti. Hindi mo naman kailangan maging seryos, ayokong masapak...

Sa sandaling iyon, nawala na ang maliit na piraso ng kanyang pasensya at nanlamig ang kanyang mga tingin. "Hmph, ikaw na bata ka. Masasabi ko na niloloko lang ninyo ako! Ang matandang ito ay gagawin ang gusto ninyo kung ganon! Bugbugin sila! Bugbugin sila ng matindi! Wag hayaang mag isang makatakas!"

"Opo, boss!"

Matapos makatanggap ng utos, isang dosenang matatangkad at malalaking lalaki ang nagsimulang pumaligid sa kanila.

Ang kanilang mga security guards at natalo na kanina. Ang mga natitirang tao na binubuo ni Dobg Zai at iba pang mga empleyado.

Hawak hawak ng direktor ang sirang kahamitan, at ang kanyang mata ay namumula mula sa sakit ng puso.

Ang kanilang paligid at ganap na magilo at ang lahat ay natatakot.

Sa una, akala nila na magpapadala si Ye Bai ng tutulong pero sinong mag-aakala na ang ganitong uri ng hindi pagkakaintindihan at mangyayari.

Ngumiti ng masama su Zhang Wei habang dahan-dahang papalapit kay Gong Xu. "Ha, ikaw ba bata kan hindi mo sinabi na kaya mong tiisiin ang responsibilidad ng mag-iisa? Kung may kakayahan ka talaga huwag mong iwasan ito!"

Madalas na nag-eensayo si Zhang Wei ng Sanshou at ang lahat ng mga buto-buto at ugat sa kanyang katawan ay nakaumbok. Siya ay 190 centimeters ang tangkad at kapag siya ay tumayo, siya ay parang isang bundok.

Bago pa sumagot si Gong Xu, umubo si Jiaojiao. "Malaking mama, kung malakas ka bugbugin mo nga siya hanggang mamatay!"

Sabi ni Master na hindi niya hahayaan na may mamatay. Ang pinaka pangunahing bagay ay ang protektahan ang blonde na taong ito, kaya siya ay siguradong makikinig sa utos ng kanyang master. Kailangan niyang magpigil ngunit kapag ang kabilabg partido ay may ginawa kay Gong Xu, siya ay gaganti.

Saka humarap si Jiaojiao kay Gong Xu at sinabi, "relax ka lang. Poprotekhan kita!"

Paiyak na si Gong Xu. Andito ba soya para protekhan ako o sirain ako?

"Halika, sapakin mo siya!"

"Older sister, tatawagin kitang older sister, okay? Huwag kana magsalita pa…"

"Bata ka! Kung ayaw mong mamatay umalis ka! Sa tingin mo ba nakikipaglaro ng bahay-bahayan ang matandang ito sayo?!" Dinirekta ni Zhang Wei ang kanyang kamao sa mukha ni Gong Xu.

avataravatar
Next chapter