1177 Kung talagang magaling ka, nakawin mo pati ang mga kaldero!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Biglang naging depensibo si Ye Mu Fan nang marinig niya ang sinabi ni Ye Yiyi, bigla siyang tumayo sa harapan ni Ye Wan Wan. "Pasensya na pero wala na siyang oras!"

Pagkatapos ay humarap siya sa kanyang lolo upanh manghingi ng permiso dito. "Lolo, pupunta lang kami doon ni Ye Bai dahil may babatiin lang kaming kaibigan."

Tumango si Ye Hong Wei. "Sige lang!"

Mabilis na nilayo ni Ye Mu Fan si Ye Wan Wan.

"Mag-uusap daw! G*go! May masamang intensyon at pagnanasa ang babaeng iyon! Napansin ko.kaagad na gusto kang landiin ni Ye Yiyi!" Nagmura si Ye Mu Fan noong naglakad siya.

Tiningnan siya ng masama ni Ye Wan Wan. "Bakit ka kinakabahan? Malalandi niya ba ako?"

Nagulat si Ye Mu Fan at pinag-isipan niya ito ng maigi. Oo nga pala.

Naisip ni Ye Yiyi na ang talino niya at gusto nitong kunin ang kanang kamay ni Ye Mu Fan. Hindi niya inakala na si Ye Bai ay hindi lamang niya kanang kamay. Si Ye Bai mismo ang gumawa ng kumpanya nila.

Kunin mo na kahit ang mga kaibigan niya kung marunong ka talaga!

Nireserba ng mga organizers ang buong Jialan Bar at nilagyan nila ng magaganda at magagarang dekorasyon, para sa selebrasyon ngayong gabi.

Nagdaldalan ang mga grupo ng tao sa may mga bar counters. Sa may pasilyo, masayang nag-usap ang mga mayayaman na tao. Maririnig ang musika at inimbitahan nila ang isa't isa para sumayaw sa harapan.

May mga grupo ng lalaki at babae ang nakapalibot kay Ye Bai. Maraming mga babae ang nangangating imbitahan si Ye Bai na sumayaw.

Pinilit ni Gong Xu na makapasok sa loob ng pasayawan. "Brother Ye! Brother Ye! Sayaw tayo!"

Pinakita ni Tang Xing Huo ang kanyang pagkasuya. "Baka naman! Sinong gustong makipagsayawan sa tulad mo?!"

Galit na galit si Gong Xu at kanyang sinabi, "Ano naman kung lalaki ako? Sinong nagsabi na bawal magsayaw ang dalawang lalaki? Ako na lang ang sasayaw ng parte ng pangbabae!"

Kumibo ang labi ni Ye Wan Wan at hindi niya pinansin si Gong Xu. Lumapit siya kay Jiang Yan Ran at inunat niya anh kanyang kamay sa harapan ni Jiang Yan Ran. "Pwede ba kitang isayaw?"

Muntikan nang lumabas ang fangirl na puso ni Jiang Yan Ran. Paulit-ulit siyang tumango at hinawakan niya ang kamay ni Jiang Yan Ran at pagkatapos ay dinala niya si Jiang Yan Ran sa dance floor.

Halos sumabog na sa sobrang galit aj Gong Xu na nasa likuran nila. "Nakikita nila ngayon ang ngiti ng bagong pagmamahal pero hindi nila maririnig ang iyak nang lumang pag-ibig!!!"

Tumawa ng malakas si Tang Xinh Huo. "Bakit tunog malungkot na pokpok ka na nanggaling sa harem ng emperor?"

"Ikaw ang malungkot na pokpok! Ang buong pamilya mo ay mga malulungkot na pokpok! Ang young master ang empress!"

Tiningnan ni Gong Xu si Tang Xing Huo bago siya sumugod kay Han Xian Yu para manghingi ng hustisya. "Brother Xian Yu, naisip mo ba na parang bias si Brother Ye?"

Tuliro na tiningnan ni Han Xian Yu ang dance floor habang hawak niya ang isang glass ng red wine.

"Brother Xian Yu, Brother Xian Yu, anong tinitingnan mo? Narinig mo ba ang sinabi ko?"

Doon lamang humarap sa kanya si Han Xian Yu. "Anong sinabi mo?"

Nabagot si Gong Xu. "Hayaan mo na lang. Tapos na ako sayo! Parang buong araw na wala ang utak mo!"

Tumaas ang mga kilay ni Han Xian Yu. "Wala ang utak ko ngayong gabi?"

Ininom ni Fei Yang ang hawak niyang wine. "Malayo talaga! Okay ka lang ba, Xian Yu?"

Parang may kakaiba...

Pabalik na si Ye Wan Wan at Jiang Yan Ran mula sa kanilang pagkakasayaw.

Pagkaalis nila ng dance floor, may isang cute na babae na may itsura tumakbo papunta kay Ye Wan Wan.

Ang babaeng ito ay isa sa mga nominees ng Best Actress ng Golden Orchid Awards ng taong ito– si Han Qing Ling.

"Hello… D-director Ye…" mahiyain na bumati si Han Qing Ling.

Tiningnan siya ni Ye Wan Wan. "Hello!"

Namula ang mga pisngi ni Han Qing Ling, at lumingan siya sa isang pwesto sa kanyang likuran.

May ilang mga artista ang magkakasamang nakatayo at inaasar siya.

Huminga ng malalim si Han Qing Ling at kumuha siya ng lakas ng loob para magtanong, "U-um… Director Ye, pwede ko bang… makuha ang phone number mo?"

avataravatar
Next chapter