539 Kung fu master ba ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Gulat na tinignan ni Ye Wan Wan ang kanyang mga kamay at naguguluhan din ang kanyang isip.

"Miss Wan Wan… ito…"

Hindi makapaniwalang nagtinginan ang mga ibang bodyguard.

Bilang bodyguard ng mga Si, lahat sila ay mga piling tao, kaya nasasabi nila na malinis at tiyak ang mga kilos ni Ye Wan Wan.

Kung may kutsilyo si Ye Wan Wan sa kamay niya, baka sampung beses nang namatay si Eleven.

Nakatitig si Eleven sa kanya na para bang nakakita siya ng multo.

Ang kung fu technique na labis niyang pinagmamalaki ay pasimpleng hinarangan lang ni Ye Wan Wan; wala sa mga galaw niya ang gumana maski isa!

Kahit gaano pa siya kabilis, lagi siyang nauunahan ni Ye Wan Wan at mapanlinlang din ang mga galaw nito; hindi niya ito mahulaan.

"Sadya ka bang… nagpapatalo sa 'kin?" maya-maya pa, mapaghinalang tinignan ni Ye Wan Wan si Eleven.

Si Eleven ang bodyguard ng mga Si at lider din ng Dark Team 1. Kaya naman, malakas siya at dalubhasa.

Si Ye Wan Wan na halos walang alam sa sarili. Na natutunan lang ang wrestling ngayon, pero nagagawa niyang lagi patumbahin si Eleven...

Nakatitig lang si Eleven kay Ye Wan Wan at nag-umpisa nang kumibot ang mga labi niya pero walang lumabas na salita.

Sa umpisa, sadyang bumigay nga si Eleven tulad ng sabi ni Ye Wan Wan, pero matapos non, ginamit na ni Eleven ang buong lakas niya, pero hindi niya pa din nagagawang iwasan ang mga atake ni Ye Wan Wan.

Maging ang bilis o lakas o tiyempo ng mga atake, para bang naging maingat ang pagpaplano ni Ye Wan Wan. Kinuha niya muna ang kontrol, na naging dahilan kaya naging maluwag si Eleven na walang lakas para lumaban.

"Miss Wan Wan, may ibubuga ka pa nga talaga bukod sa nakikita ng mata…" maya-maya, nagsalita na si Eleven.

Sa sandaling ito, puno ng pagdududa ang itsura ni Ye Wan Wan. Base sa itsura ni Eleven, para bang hindi pa siya natatalo dito.

Posible ba na may maalamat na istraktura ng buto si Ye Wan Wan, regalo na kakaiba?

"Coach Eleven… gamitin ko yung buong lakas ko para umatake." huminga ng malalim si Ye Wan Wan. Hindi niya makalimutan ang kakaibang estado ng pag-iisip na napasok niya, para bang nakapasok siya sa isang misteryosong kalagayan. Kasing kalamado ng tahimik na tubig ang puso niya habang mabilis naman tumugon ang pag-iisip niya.

"Sige...." tumango si Eleven. Mabilis na kumilos ang palad niya patungo kay Ye Wan Wan.

Habang sinundan ang galaw ng palad ni Eleven, nakaramdam ng pagbabanta si Ye Wan Wan at pumasok ulit sa misteryosong kalagayan at malamig na sinuri ang lahat.

*Pow!*

Bigla na lang, inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang kanang braso at mabilis na inuntog sa baba ni Eleven.

Kahit na mabilis ang mga kilos ni Eleven, hindi siya kasing bilis ni Ye Wan Wan. Nasa kalagitnaan ng hangin pa lang ang palad niya at bago pa ito makalapit sa kay Ye Wan Wan, hinagis ni Ye Wan Wan ang buong katawan niya.

Sabi ng mga tao na mahirap pag-aralan ang martial arts at kasing hirap din ang paglipad, pero para kay Ye Wan Wan, hindi ito ang kaso at mukhang hindi siya nahihirapan...

"Eh… kung fu master ba ako?" binawi ni Ye Wan Wan ang mga kamao niya. At kakaiba ang nararamdaman niya sa kanyang puso.

Akala niya may maganda lang siyang memorya at pag-unawa, pero akala niya puro lang siya salita at sobrang hina sa pakikipaglaban. Pagkatapos nitong malalang training, nakadiskubre pa siya ng talento sa kung fu, huh?

"Coach Eleven… tingin ko… kaya ko pang bilisan… isa pa." pinanood ni Ye Wan Wan na tumayo si Eleven.

Nang marinig ang sinabi ni Ye Wan Wan, umiling ng parang kalansing ang ulo ni Eleven at napaiyak. "Miss Wan Wan… tama na po… seryoso…"

"Ayos lang… subukan pa natin isa pa…" sinubukang pilitin ni Ye Wan Wan ng mahinhin si Eleven.

"Miss Wan Wan… kapag nagpatuloy pa tayo, baka mawalan na 'ko ng buhay…" namamaga at puro pasa ang mukha ni Eleven. Ayaw niya ng kalabanin pang muli si Ye Wan Wan.

avataravatar
Next chapter